Sharing my experience, medyo mahaba #FTM

Aug. 2 check up ko, close cervix then mataas pa si baby chaka medyo alanganin pa yung cervix sa taas pero sa baba okay naman na. Pinag take nako ng primrose Aug 7. Okay naman na yung cervix ko, 1-2cm na din nun, pero pwede pa daw i dilate sabi ni ob kaso di nya ginawa kase wala pakong nararamdaman na signs of labor though (kirot or tikal lang sa puson) Aug. 14 maaga ako natulog, then mga around 11:28pm yata yun, bigla nalang parang basa yung panty ko (biglang nagising then nawiwi) i was looking at my undies, parang dugo pero di ganun red. Tapos pagka tayo ko yung wiwi ko parang may kasama ng dugo.. nabigla ako, sinabi ko kay hubby. Then tinext agad si ob, na ganun nga what happened. Tapos to make sure, na parang pumutok na panubigan ko nag palit ako ng panty then monitor. Ayun nga, 3x wiwi na may dugo na may sipon din (bloody show) monitor lang, puson lang talaga sumasakit sakin, di balakang chaka tyan pero naninigas naman tyan ko then sumasakit yung tyan ko. Tinext namen mil, then pumunta sya agad sa bahay. (Ganun padin monitoring sa sakit interval lang) hanggang sa sabi ng ob ko na punta ng hospital, para dun nalang na monitor. Mga around 1:30am sa hospital na, confirmed na pumutok na panubigan ko then 2-3cm palang ako. Monitor padin, nag tataka yung nurse kung di daw ba cord coil although okay naman yung hb pero mababa. (Wala namention sa ultrasound e lately nagpa ultrasound ako) inhale thru nose, then exhale sa bibig. Ganun medyo na lelessen yung sakit. (Ganun din turo ng mga nurses na blow blow lang) 640am napansin ko naging close yung interval 2mns chaka lalong sumakit. Sinabi ko, then ie 4cm nako. Then so 7am nag papalitan na mga nurses. Nagtanong yung nurse kung masakit, sabi ko naman oo (blow lang ng blow then ie 8cm agad) tas sabi ko ate bat parang natatae ako. (Parang bigla nag aya dumayas) then tinawagan na ob ko tapos bigla may pumutok lumabas yung tubig. Hanggang sa nilinisan nako, medyo mataas pa si baby. Hingang malalim, then iri talaga na parang tae. Iniisip ko talaga parang tae na matigas na matigas, iiri hanggang 10 seconds then pag babawi wag bibiglain, dahan dahan lang. Interval padin yung hilab, tas 7:41 na yun iri na naman nakikita na si baby. Tas naalala ko lang pinaka iri ko talaga then naalala ko lang yung 7:48am sa oras yun na! Lumabas na si baby. ? Yung nasabi ko lang nun sa isip ko, "Thank you so much Lord" Shout out sa mga first time mom! Kung mang hihina yung loob mo, walang mangyayari sayo! Lakasan lang ang loob. Laging isipin na ito na yun, umpisa palang tong sakit na to may sasakit pa dito (labor) Makinig lang sa ob, nurses kase alam nila yung dapat gawin. Keep fighting, pray lagi! Ps. 19yrs old, fighting! 4days old na si baby named Aquilla Valencia Sacred heart medical center angeles city pampanga Gusto ko ng umiyak nun, kaso di ko ginawa. Kase alam nyo yun? Yung wala kang magawa kundi tanggapin yung sakit na nararamdaman mo (labor) ? pero lakas lang ng loob, chaka si God? Cord coil pa si baby, nung nilabas dun lang nakita. Sa 9mos na dinadala, almost 6mos walang maayos na tulog, 8hrs labor at sakit tapos pagka labas minsan lang kamukha ng Daddy nya? (buti nalang nakuha nya yung matangos kong ilong) Yun lang po. Thank you!! ?

Sharing my experience, medyo mahaba #FTM
86 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Congrats po momshie!! excited nadin ako makita si baby, team September!

5y trước

Thank you po, Good luck po be reqdy and God bless!

Thành viên VIP

congratulations mamsh, G thanks dahil nakeribels mo. 💕💕💕

5y trước

😊😊

Sis sino po ob niyo? ☺ ano po pangalan. Btw congrats po.

Thành viên VIP

Congrats.. And welcome sa magulong mundo baby

Thành viên VIP

Congrats .. super cute Naman nya mommy😍

Influencer của TAP

ang ganda ng baby nyo 😍 congrats po ❤

congrats siz!!! ang strong mo!!!! ❤❤❤

5y trước

yep. i will!!! thank you. lumakas bigla loob ko nung malaman ko age mo and nakaya mo 😊

Welcome to the world Baby ❤❤❤

congrats po mommy ang cute din ng baby mo

5y trước

Hehehheh mana po sa papa nya, thank you po

Congrats sis. Buti ka pa nakaraos na.

5y trước

Salamat :) , 34weeks pa lang ako eh hehe