🩺 Ask The Expert with Dr. Mitch Dado: Postpartum Recovery & Irregular Periods

Mula November 24 hanggang December 1, magkakaroon tayo ng special Ask The Expert (ATE) session EXCLUSIVELY sa theAsianparent app kasama si Dr. Mitch Dado, OB-GYN! Kung ikaw man ay bagong ina, matagal nang mommy, o isang babaeng gustong mas maintindihan ang nangyayari sa katawan niya, normal lang makaranas ng iba’t ibang changes sa menstrual cycle at overall health — kahit hindi ka bagong panganak. Sa one-week ATE, pwede kayong magtanong tungkol sa: 🌸 Postpartum Recovery - Gaano katagal dapat ang recovery? - Pain, discharge, hormonal at emotional changes - Paano naka-aapekto ang breastfeeding sa katawan - Kailan pwedeng bumalik sa exercise o intimacy ⏳ Irregular Periods (Para sa Lahat ng Moms) - Mga dahilan ng irregular cycle sa iba’t ibang yugto ng buhay - Stress, hormones, timbang, PCOS, thyroid issues, at iba pa - Paano naaapektuhan ng pregnancy, breastfeeding, o birth control - Kailan dapat magpatingin sa OB-GYN 💬 Iba Pang Women’s Health Concerns - Pelvic pain - Vaginal health - Fertility questions - Hormonal imbalance - PMS - At kahit ano pang tanong tungkol sa katawan mo Walang tanong na “mababaw” o “masyadong personal.” Safe space ito para sa lahat ng Filipina moms at kababaihan. 📩 Ilagay lang ang tanong ninyo sa ATE box sa theAsianparent app. Sasagutin ito ni Dr. Mitch buong linggo para magbigay-gabay at suporta. ✨ Ang katawan ng babae ay dumadaan sa napakaraming pagbabago sa bawat season ng pagiging ina. Karapatan mong maintindihan ang nangyayari sa’yo — andito si Doc para tumulong. Sali na sa conversation, ONLY sa theAsianparent app, mula November 24–December 1!

49 Các câu trả lời

hello po 1month and 22 days na po si baby and nung nanganak po ako halos 2 weeks po ako nag karon ng lochia o dugo, and after 2 weeks po ng pag dudugo e mga 1 week lang po may dugo nanaman ako tas tumigil po ulit ng 3 days tas nagkaron nanaman po ng dugo bakit po kaya?

Bleeding after delivery usually lasts for 4 to 6weeks

hi doc. 2mos postpartum. eto po lumalabas sakin during PP 3weeks -bleeding 2weeks- yellowish na parang nana pero no smell almost 2weeks - bleeding possible po ba regla na ito ? 1week - watery discharge na may konting amoy. normal po kaya ito doc.? salamat po

hi doc. 2mos postpartum. eto po lumalabas sakin during PP 3weeks -bleeding 1week- yellowish na parang nana pero no smell almost 2weeks - bleeding possible po ba regla na ito ? 1week - watery discharge na may konting amo, normal po kaya ito doc.? salamat po

hi doc 2 yrs and half years na po ako nanganak for emergency CS pero masakit po ung sugat ko minsan na para bang bagong opera normal po to mga 3 araw tumatagal ung sakit at malaki pa din tyan ko na para bang 5 months old ung tyan ko po

The uterus goes back to its normal size within 6mos to a year after delivery. If malaki pa din tummy, baka dahil sa abdominal fat na sya. With regards the pain, expected na paminsan minsan sumasakit yung tahi lalo na pagmalamig.

Hi, Doc Mitch. Normal lang po ba na hindi ko pa masyado nararamdaman pitik ni baby even tho 13 weeks going to 14 weeks na po ako? And normal po ba na mahina pa talaga heart beat ni baby pag ganitong week po? Thank you in advance Doc.

hi po doc, 1yr & 4months postpartum exclusive bf mom po before po ako mabuntis regular mens ko po ngayon po irregular na simula nung nagkaroon ako. nagpipills din po ako pero bago po ako magpills irregular na mens ko. tia po

If you are breastfeeding, your cycle can be quite erratic however in your case the pills should be fixing that issue. I suggest to go see your OB for an check up and ultrasound.

Gaano po katagal ang recovery, just gave birth 2 weeks ago and madalas po ako magchills ngayon as in sobrang lamig na lamig po ako sabay hirap huminga.. And nag bleeding po ulit ako malala lalo na pag nagawa ako sa bahay

Immediate Recovery from giving birth usually takes 4 to 6weeks and it take 6 to 12 months for the body to fully recover from all the changes brought about by the pregnancy. When breastfeeding normal na nag cocontract ang uterus perceived as pain sa tummy (parang dysmenorrhea).

TapFluencer

dra normal lang po ba na may times na sobrang sakit ng balakang ko? 2months postpartum na po ako and minsan nagspotting din po pero di naman nagtutuloy sa regla exclusive breastfeeding din po ako kay baby.

sige po salamat Dra.

normal lang po ba sumasakit tyan? madalas po sumakit tyan ko ngayon, nag mix feeding po Ako. breast pump lang din po Minsan lang mag latch si baby Kasi nahirapan po sya. CS din po Ako. 3 weeks postpartum po

doc ano po mga activities na need iwasan pag emergency CS po? especially mga household chores . pwede na po kaya mag sex with hubby kahit may blood pa po na nirerelease after ilang weeks after manganak ?

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan