40 Các câu trả lời
Yung hilot po kasi nakasanayan lalo na nung panahon ni kupong2x. Lalo na kamo sa probinsya sa bukid. Kasi wala pa masyadong alam sa mga medical conditions. Ako ang dami nagsabi sa akin na magpahilot daw ako nung buntis pa ako. Pagdating daw ng 3 months pahilot ako. Hindi ako naniwala. Sa ob ako nagtiwala hanggang sa manganak ako. Kahit efficasent di ako naglalagay sa tyan ko. Nakasagutan ko pa nga kaibigan ko dahil sya dalwa na anak tapos ako first time maging mommy. Sabi nya dapat pahilot ka kasi ganito ganyan. At sabi pa nya, wag ko daw inumin lahat yung vitamins na niresita ng ob ko kasi may nagsabi daw sa kanya na nakakasama sa baby. Sabi ko, doctor ang paniniwalaan ko. Kaya ngayon madalang ko na sya kausapin.
Di tlga naniniwala sa ganyan mga ob, pero ako bago magbuntis nagpahilot naniniwala ako kaya ako nabuntis kase nagpataas ako ng matres. Pero dahil may laman na tiyan mo wag na siguro nakakatakot kase delikado.
Hindi sya advisable. Sabi ng OB ko wag na wag daw magpapahilot kasi kusa naman nag rorotate si baby. Pero sa pamahiin ng matatanda magpahilot daw para madali ka lang manganak ewan ko lang.
Iikot pa yan sis. Ako din breech 6 months. Nakakatakot magpahilot delikado baka magka cord coil pa si baby natin. Kahit sinasabi ng iba na ipahilot nga daw ng umayos ako ayaw ko talaga.
Kusa pong umiikot ang baby, not recommended po ng mga ob ang hilot. Kausapin nyo po si baby na umikot sya tapos pa music po kau sa may bandang puson po para sundan ni baby 😊
Wag sis. Ako. Kahit anong sermon at pilit ng mother ko na ipahilot ang tiyan ko(para daw pumwesto si baby) di ko sya sinunod. Mas makinig ka sa ob sis.
iikot pa po yan, noong 6 months pa si baby ay nasa taas ma ulo nya pero ng mag7 ay nasa babang left side sya ng yan ko.
No mommy. Hayaan molang muna c baby iikot pa kasi yan. Hindi po advisable ang hilot. Kaosapin molang c baby
Wag po. Gagalaw naman ng kusa yan si baby kung talagang gagalwa eh. Hintayin mo na lang po and pray.
Hndi po my oby said wag na wag ako mgpapahilot. Nabasa ko din pwede daw pumutok panubigan mo.
Ronnamae Llanos Garlet