Manas after delivery ?
Ask ko lang po sana anong gagawin ko manas parin mga paa ko parang pati kamay at mukha 4 days after delivery po . Ano po bang magandang gawin? Pahelp po ?
Consult mo sa OB mo . May gamot sa ganyan . Kasi ganyan dn ako after ko manganak . Lalong namanas yung mga paa ko hanggang binti . May nireseta sila sakin gamot . Pampaihi yun . Para mawala pamamanas mo
ganyan din ako dati. nag manas din ako ktpos ko manganak. cs din ako. binigyan lang ako ng gamot ng ob ko for 3 days. tska drink more water lang. medjo inclined mo lang mga paa mo mommy.
Delikado ata yan. Naririnig ko lang. Pero buti never nangyre sken yan naka dalawang pagbubuntis na ko. Ang manas ko lang is habang nagbubuntis pag malapit na manganak nawawala na ung manas ko.
Magpaconsult ka sa Ob mo mommy para mas sure. 🙂Mas mabibigyan ka ng magandang advice about your condition. Hope for your fast recovery.
Salamat po 😍
Ganyan po tlaga kapag d minanas nung buntis,after manganak ska minamanas ganyan din ako sa panganay ko noon.
Ganyan din po ako after delivery. Sabe ng ob ko normal lang daw magmanas until 2 weeks after delivery.
I think its normal na magka mans after giving birth specially kung cs ka, but you can ask your ob
Ako mamsh ngmanas dn ko.pero sb nla normal lng un.wla nman ko gnamot nwala dn nman po
Ako nag manas dn tapos alaga s hilot ng mang hhilot nawala agad un malaki kung manas
sakin niresitahan ako ng gamot, 3 pesos lang isa. after 3 days nawala agad:)
mom of two lovely girls