13 Các câu trả lời

Yes po mi, same tayo nagka miscarriage din ako 1st baby ko kasi continue working ako pagod sa work, ngayon nalaman ko na buntis ako 1 month nko di napasok at magrerequest ulit ako for another month na bed rest ulit para ma safe ko si baby, 11 weeks now..Ingat tayo lahat mi, huge sacrifice for our babies, worth it namn for sure pag nakita na natin sila na healthy and safe.

same case mii. nag miscarriage din ako and after 2mnths nabuntis uli. much better kung mag resign ka na lang for the sake of your baby. kasi possible maulit ulit lalo at may history na tayo. first trimester ang pinakamaselan sa baby kaya triple ingat talaga dapat. going 4mnths na ko ngayon sa twin ko 😍

same case po sa akin, pinag bed rest po ako ng OB ko para ma make sure na kapit na kapit na si baby kase manipis pa daw po ang matress kung less than 3 months p lng from last miscarriage, lalo na kung na D&C. best to do po is consult your Doctor. Congrats po 😊

ok lang naman mag bed rest. ako ng malaman ko preggy aq at 6weeks tas tnry q pmsok d kaya kz maselan ako. ilan bwan dn bago aq naging ok cgro 8 bwan saka ko naging ok pero nag liv na q nun nalaman q bnts aq...

yes po ako nakunan ako SA panaganay mo then nabuntis agad ako ,laki nagastos SA pagbubuntis Kasi d magnda lagay Ng baby ko DAHIL may miscarriage daw ako d pa nkakapahinga mattress ko

Basta hindi ka na raspa mi okay lang naman. kasi nakunan ako oct. last yr tapus nung feb nalaman kung preggy ulit ako. sabi ng ob ko okay lang naman daw as long as hindi na raspa.

sabi den saken nung nagpatrans v ako 5weeks mahina heart beat ng baby ko kaya bawal ako lahat kahit lakad bawal kase may history na daw ako ng nacunan ako

Sure akong di ka hahayaan magwork ng ob mo. Same case sakin, nabuntis agad ako after d&c pero thank God may baby bella na akong pinapalaki ngayon💕

Considered high risk na yan (per my OB). Same case sakin, nag resign agad ako nung nalaman ko na buntis ulit ako, kesa maulit na makunan.

VIP Member

Yes po, ibebedrest ka ni ob. Since my history ka ng miscarriage. Inform your ob about your pregnancy.

Câu hỏi phổ biến