hi mga mommies
Ask ko lang po kasi nanganak ako ng sept 21,2019 then breastfeed tlga ginawa ko kay baby kahapon dumating biyenan ko di daw makuntento si baby sa gatas ko kaya bumili sila ng formula milk, then pinadede nila sa baby ko na nakatulog naman ng maayos si baby after nila padedehin,kaso.gusto ko kasi breastfeed tlga si baby ko. Sabi ng biyenan ko pag lumakas daw gatas ko saka ko padedehin sakin, nagworry naman ako kasi baka masanay na si baby sa bottle feeding baka di na dumede sakin, kasi now niluluwa na nya dede ko kaya nagpupump ako. Advice naman po if after a week ba lalakas gatas ko at di nya kaya aayawan dede ko incase man lumakas gatas ko. Mahilig ako sa sabaw, nagtatake nadin ako malunggay caps nung buntis ako, at namamalunggay tea din ako, more on water din ako kaso bakit ang konti padin ng gatas ko?thanks po
Mommy. Wag ka makinig sa byenan mo. Sa bawat 1oz na tinitimpla mong fm para kay baby 1oz din ng gatas mo ang mwawala. Hindi lalakas ang milk supply mo kung bbgyan mo si lo ng fm. Wag ka magpaapekto sa snasabi nilang hnd kuntento. Hnd lang dahil sa guton kaya umiiyak ang baby. And opo tama ka masasanay si baby mo sa bote kaya d na yan dedede sayo so ang ending mattrap ka sa formula. Kase mas madali kay baby dedein yung kusang tumutulo na gatas sa bote kesa sa ineeffort nya pa sa dede mo.. sa ganyang age ng baby mo kasing liit plng ng cherry ang stomach nya.hnd nya need ng madaming gatas.. pls.mommy stop giving your.baby fm... walang sustansya yan Sayang ang colostrum mo kng hnd madedede ni baby mo.
Đọc thêmYou have to be firm if breastfeeding ang goal mo dapat lahat ng humahadlang sayo pagagalitan mo or ieducate mo. Ikaw ang ina ikaw lang dapat ang masunod sa kung ano gusto mo sa anak mo lalo pa man ay yun ang the best way para maging healthy si baby. If nag pump ka ngaun hndi yan advisable 6weeks and up dapat para hndi ka maover supply. Pwede ka kase mag engorge or worst magka mastitis.....if gusto mo lumakas ang gatas mo wala masama kumaen at uminom ng madameng galactagogues or pampagatas.. pero ang totoong nagpapadame ng gatas ay direct latch lang. Stop mo na pag bottle feed baka mauwe pa sa nipple confusion yan....after 6weeks established na ang milk supply mo if only ipapa latch mo kay baby
Đọc thêmKahit niluluwa ni baby push lang mamshie tyaga tyaga lang yan. Ganyan din ginagawa ng baby ko sa dede ko pero go padin ako. Baka kase naninibago pag papalit palit kase nasanay sya sayo. Pero good padin naman mix e kase pag aalis kayo pwede padedehin ng formulated milk. Atsyaka ganun talaga un mamshie na kahit na unti palang ung gatas mo sa una lang naman yan after 2 months or 1 month ni baby lalakas na din ang gatas mo basta more gulay prutas at sabaw lang take ka din ng milo nakakapagpagatas un natry ko na ung mga chocolate drinks o kaya kain ka ng tableya nakakadami ng gatas un. Baka malunod pa si baby pagnadede sayo hhahaha 😂
Đọc thêmRegarding nmn sa tanong mo mamsh.. kng sept 21 ka nanganak ibg sabhin 4 to 5 days old plng ang baby mo.. ang milk po ntin kusang nag aadjust yan depende sa need ng baby natin. Kaya po kpag breastfeed feed on demand tyo. Unli latch po. Hanggat gusto ni baby dumede padede lang tyo ng padede. Para mag adjust din ang milk ntin. So kng d m papadedein sayo si baby hnd din dadami milk mo. Kng hnd naeempty ni baby ang milk.sa breast mo hnd din magsisignal ang katawan mo na magproduce pa ng mas madaming milk kasi nga hndi naman sya dinedede... your baby, your rules mommy. Please push po ang pagbreastfeed. Super healthy yan
Đọc thêmGanyan din po kami ng lo ko. 2 months old sya saka sya nasatisfied sa milk ko. Ang sabi ng pedia ni lo, 30 mins each breast mo sya padedein tapos pag humihingi pa rin saka mo bgyan ng formula. Unahin mo ang breast mo saka magpadede ng bottle pra di sya maconfuse. Tsaka baka same tau na hndi nakalabas ung nipple at di maayos paglalatach kaya niluluwa ni baby.. Pump ka lang ng pump tsaka wag kang mawalan ng pagasa mumsh, ganyan din ako nung una, iniyakan ko pa.. Lakasan mo lang loob mo.. Watch ka paano magpalatch ng maayos.
Đọc thêmKug gusto mo po dumami ang gatas mo the more na dapat pa latch kay baby para po mas magproduce ng milk. Di po yan dadami kahit anong inom mo ng pampagatas kung si baby formula fed. Latch lang ng latch para ma-stimulate milk production. Maganda po nyan kausapin mo hubby mo na ipaliwanag sa MIL mo. Para di ka pag initan ni MIL mo at baka isipin matigas ulo mo. Mga MIL pa naman eh feeling entitled at alam lahat😅nakikialam masyado😅
Đọc thêmNatural lang po na konti pa ang milk sa mga unang linggo pero the more na nagbbreastfeed ka, the more na dadami ung gatas mo. Wag ka makinig sa sinasabi nila na di sapat ung gatas mo. Kasi ung stomach ni baby kasing laki palang ng calamansi kaya ung naiinom niyang gatas mula sayo sapat na sapat na un para sakaniya. Inom ka oang more water mommy tska massage massage mo breast mo and lagi mo lang padedein si baby.
Đọc thêmUnli latch lang mommy!!! Hindi lalakas ang gatas mo kung di mo padededehin sayo si baby. Lagi mong first choice si boobie mo pag gutom, antok, lungkot or iritable si baby mo. Soon, masasanay din sya at lalakas din gatas mo. And wag ka muna mag pump kasi wala ka pang 6 weeks na nanganganak. Baka lumakas naman ng sobra sa kaya ni baby yung milk mo at baka malunod sya.
Đọc thêmYou should make a breastfeed not only for yourself but also for your baby. There are something special by breastfeeding and based on my research, lumalakas ang gatas natin pag nadedede ng nadedede ng anak natin. That's okay if maunti palang gatas mo, wag nyo muna padedehin sa bote dahil iba nabibigay na connection nv breastfeed #Proudbreastfeeding
Đọc thêmGanyan din ako pakialamera byenan ko kaya, hindi ko hinahayaan na kunin nila anak ko, para lagi syang breastfeed minsan nga nakakainis lagi niyang tinatanong kung may nadedede ba anak ko. Buti na lang ayaw ni baby ng formula milk na binili sa kanya healthy naman anak ko ehh
PCOS mom