Asking about breastfeeding

Ask ko lang nauubos ba gatas ng mommy. Like dumede si Baby ngayon sa kanang dede ko nauubos ba yun kaya kelangan sa kabila namang dede ang ipapadede ko sa kanya? Paano ko malalaman kung may milk pa bang nasisipsip si Baby kasi pag pinipiga ko yung nipple ko sa gitna wala naman lumalabas na gatas iniisip ko baka ginagawa nalang pacifier ni Baby dede ko. Ang gulo po kasi e di ko po masyadong maintindihan baka nagugutom ko si Baby kasi baka dede sya ng dede sakin tas wala naman palang gatas lumalabas sa dede ko. Huminto kasi ako pagpapadede sa kanya mahigit 2weeks din kasi dahil sa breastmilk jaundice 19days na sya ngayon okay na rin sya wala na yung matinding paninilaw sa mata nya kaya binabalik ko ulit sya pagpapadede sakin kaya nababahala ako baka natuyuan na ako ng gatas pero pag dumedede naman sya sakin di naman umiiyak ibig sabihin kaya nun may nasisipsip sya. Nagtry ako electric pump pero di rin lumalabas gatas ko. Madalang ko lang makitang may gatas nipple ko pag pinipiga ko kasi chinicheck ko. Please need help and advice. Please respect my post. Konti palang knowledge ko sa breastfeeding. Tia. ?

4 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Sis unli latch lang kayo. May gatas ka, di mo lang nakikita. Hindi porket walang lumalabas kapag nagppump ka ibig sabihin nun ay wala na. Iba po ang power ng sucking ng mga babies, kaya meron at meron silang nakukuha sayo. ☺️ Basta unli latch lang. More demand ni baby, more supply. ♥️

Thành viên VIP

kung may nalabas po na gatas sa nipple pag pinipiga mo, may gatas ka pa po at hndi ka natuyuan, basta continues latch po si baby..

Thành viên VIP

Up

Thành viên VIP

Up