14 Các câu trả lời
Sa first baby ko sa mas pinili ko manganak sa lying in kasi mas affordable at bihira yung may kasabay kang manganak kung meron man isa or dalawa lang so maaasikaso ka agad. If ever magkakaron ng complications, ire-refer ka naman sa nearest hospital at iinform ka naman ng doctor few days before ng due date mo kung alanganin ka mag normal or kung may complications ka.
if ur not decided mie, hanap ka po ng lying in na OB mismo. sa first baby ko required na OB ang humawak since first time palang. ung OB ko may lying in, nung manganganak nako, nagka pre eclampsia ako so pinaderetso ako sa ospital kung asan OB ko and dun nanganak. it does not matter if ospital or lying in ang mahalaga, OB ung hahawak sayo and hndi muna midwife.
ako po sa lying in nanganak pero pinapili ako kong midwife or doktor ang magpapaanak as a first time mom pinili po nmin ang doktor maliit lang po bbyaran kasi my philhealth naman po..nsa 5k lang bnayaran ko ksama n pag induce labor at pampabuka ng pwerta at 2 nights sa room..parang private lying in kasi ang pinili ko para sgurado akong safe kming mag ina.
hospital pa rin, kase po mas kumpleto ang gamit doon. di rin po kase natin alam kung ano ang talagang mangyayari during delivery. baka po magkaroon ng emergency, hindi lang po sa mommy, pati na rin kay baby. if sa lying in ka and then need ng special equipment na wala sila, ililipat ka pa sa hospital. unlike kung nasa hospital ka na, nandun na lahat.
Hospital nalang mi, alam ko mas recommended ng karamihan sa first time moms ang Hospital incase kasi na magkaroon ng problem kaya nila agad maasikaso, kapag lying in tapos nagkaroon ng emergency ang hassle kasi isusugod kapa sa mga hospital tapos another check na naman ng mga records mo non bago ka maasikaso.
If di naman maselan pgbubuntis mo at updated naman prenatal mo ang normal lang lahat, pwede ka mg lying in. But if worried ka na baka hindi mo kayanin, sa hospital ka nlng. ako kasi nung 1st pregnancy ko lying in lang ako, kampante kasi ako na normal lang lahat at ok kami ni baby ko.
Ako mas preferred ko sa hospital. Nakunan na kasi ako last year + may dermoid cysts pa ko kaya mas gusto kong sa hospital manganak. May mangayari man *knock on wood*, atlis kumpleto na sa hospital.
ako din mi, now preggy ako ulit sa hospital padin sa experience ko kasi sa lying in diko nagustuhan, kamahal mahal ng gamot nila pag nagpacheck up ako tas pag manganganak kana wala sila magawa kesyo 1cm pa daw eh pumutok na panubigan ko, gusto pamo nila e cs ako kasi pumutok na panubigan ko tas nerifer nila ako sa private doc nila kesyo e cs ako 40k plus kanu ang bayad parang pinerahan ka lang hayss
pag first time mom mas prefer sa hospital manganak kasi if ever na sa lying in ka manganak pag di nila kaya ire-refer ka padin sa hospital
sakin po ung lying in kung san ako dapat manganganak e may OB. pag first time mom ayaw nila pahawak sa midwife dapat OB. nung manganganak nako nagka hypertension ako and sabi ng ob ko deretso kmi dun sa ospital kung asan sya nagduduty and naasikaso naman agad ako ksi dun ung OB ko rin.
Since first baby mo po, sa hospital ka na lang manganak. Iba na ang safe. Ano man ang mangyari, kumpleto sa gamit sa hospital.
experience ko po, kahit anong try ko mag lying in nung sa panganay ko hindi po talaga ako tinatanggap. hospital po talaga.
Jul Tiniam