4 Các câu trả lời
Mag resign ka para di ka mahirapan sa requirements sa mat2 if ever. Magvoluntary ka ng following month ng last hulog ng company mo if ever, tapos sabay mo na din pag pasa ng mat1 sa sss office. Dapat may ultrasound ka na nun at may 2 valid id. Or pwede rin na magpasa ka na muna ng mat1 sa company mo before ka mag resign.
Ilang buwan ka na pong buntis?? Kasi po may mga bracket po ang sss then ang philhealth naman po dapat po yata atleast 6months ang hulog simula nung nagbuntis ka at minsan sa ina dapat 1 year ang hulog na pasok ang pagbubuntis mo po.
Sa sss po kung kunyari January kayo nabuntis dapat may at least 3 months kayong hulog before manganak. Sa Philhealth naman po, dapat 9 months na hulog before ka manganak.
August po ako nabuntis, OK na Kaya Yun if mag resign ako ng October?
Ask ko po kelan EDD nyo para masukat natin qualifying period nyo
If magreresign ka, mas maigi kung magpasa ka nga ng MAT1 sa employer mo ngayon para sila magpatatak kay SSS. Pasok ka naman siguro since 2 years ka na nagwowork. Para pag nakapanganak ka, MAT2 nalang ipapasa mo sa SSS. :)
Anonymous