Hi AsianParents! I just wanna open up, kase wala akong ibang mapagkwentuhan. Nadedepress na ako. 🥺
I feel sorry for my husband tonight, kase ramdam kong merong bumabagabag sa kanya.
Alam ko ang oras ng uwi nya, 7:30. By 7:40PM dapat nasa bahay na sya since malapit lang naman yung pinagtatrabahuhan nyang supermarket.
But then, 8:40PM na hindi pa sya dumadating. Kaya nakaramdam na ako na may something bad happen.
Then 8:45PM sya nakadating sa bahay and it went out na late na ako kumain kase palagi kaming magkasabay. Ramdam ko may iba talagang nangyayari, and bigla syang umimik na "May sasabihin ako sa iyo mamaya. IMPORTANTE. Basta mamaya ipaalala mo sa akin, baka kase makalimutan ko. Tungkol sa trabaho." Kinabahan na ako.
Kase naalala ko ang sinabi ng biyanan ko sa akin 2 weeks ago na sinabi daw sa kanila ng asawa ko na hanggang March 26 na lang sya sa trabaho. Sabi ko naman sa kanila, "Hindi po, nag renew po sya." Taas pa ng confidence ko while saying that.
Then back to reality, nung natapos kami kumain inulit ko sa kanya kung ano yung sasabihin nya. Nag-burst out sya, umiiyak sya. Nanghina ako, ayoko kaseng makikita yung asawa ko na iiyak kase iiyak din ako. At yun nga tinanong ko sya bigla nyang sinabi "Inalis nila ako sa trabaho." Iyak sya ng iyak nilapitan ko sya dun ko lang nakumpirma na amoy alak sya, na nakainom sya.
Kaya pala sya ginabi ng uwi kase sa sobrang sama ng loob nya at paghina ng kompyansa sa sarili nag inom sya. (Hindi po sya nag iinom basta basta kahit may okasyon. Dun nya sinabi na inalis sya sa trabaho. Okay pa sya nung umaga, nitong pasok nya ng tanghali siguro sila nagkausap ng mga head nya. Di ko pa sya nakaka usap ng ayos. Iyak kase sya ng iyak. Lasing sya. Naawa ako sa kanya, umiyak lang din ako lalo na nung sinabi nya "Anong ipapakain ko sa inyo, kay ineng. Wala na ako trabaho, di ko kayo mapapakain" iyak sya ng iyak. Pati ako, umiyak na din ako, pero nilakasan ko loob ko para sa kanya, kanilang mag-ama.
Sinabi ko sa kanya, na "Ako naman, ako naman ang gagawa ng paraan. Pahinga ka na muna, ako naman" lalo sya umiyak, kaya pinatulog ko muna sya.
Maraming salamat sa nagtyagang basahin ang saloobin ko, depressed na po ako at walang masabihang iba. Problema ko pa kung paano ko sasabihin sa magulang namin ito. Tinutulungan kase kami ng magulang ko sa gastusin. Wala kami pambabayad sa kanila ngayon.
🥺😶