38weeks 3days
Anytime pede na ko manganak kaso di ako makapag lakadlakad sa labas due to ECQ.. Ask ko lang mababa na po ba?
Momsh parang humakbang hakbang ka po ng mataas in same place, yung para kapong umaakyat sa hagdan. super effective non kahit nanonood ka lang ng tv try it. Kahit nakakapagod para matrain mo nadin po yung lungs mo para basic nalang ang pagpush kay baby palabas. Iwas higa maghapon.. goodluck po 👶🏻❤️
39weeks and 2days, di narin ako inentertain sa lying in kahapon magpapacheck up kasi ako sabi ng midwife ko pinagbawalan daw sila ng barangay makipagcontact muna sa ibang tao unless manganganak na, balik daw ako kapag humilab at pumutok na panubigan ko o di kaya kapag meron na daw akong mucus plug.
Positive lang tau momshie no choice tau ngaun eh always pray lang. Mukhang pag manganganak na ko talaga tsaka makakapunta di na makakapagpacheck up hays
Same po tayo anytime pwede ng makaraos haha lakad lakad ka lang po kahit dyan lang sa bahay nyo ako kahapon pa nagstart sumakit tyan ko hanggang ngayon pero no discharge parin bearable naman yung pain kaya di pa ako punta hospital
Ako naman wala pa nararamdaman kahit anu maliban sa hirap ako humanap ng pwesto pagtulog sidelying lang pero nakakangalay. Wala p rin aq any discharge. Likod at balakang ko sumasakit pag nakahiga.
Ako nga din 38 weeks na, huhuhu paano kaya manganak pag sa hospital dami ng sakit ngayon, sa covid.nangangamba nga rin ako eh,Sana safe delivery ang paglabas ni baby...
Oo nga , eh nakakatakot na talaga ngayon.
Pwd nman po kht sa bahay lang lakad2 ka...gnun po gnawa ko bago manganak ayaw ko kc mglakad2 sa labas ng bahay dhil d nman kc ako lumalabas ng bahay...
Ok mommy ganun na nga lang magagawa ko talaga lakad lakad lang dito sa bahay. Masarap kasi sana maglakad lakad sa labas ng bahay sabay langhap ng sariwang hangin..
Same here. 37 weeks di din makalabas and check up due to COVID and ECQ. No IE na to baka next kong punta sa hospital pag naglabor na lang. 😭
Same😢
Same here momsh. 38weeks&3days,pero close cervix pa din. Di naman makapag lakad lakad, dahil nga sa covid-19 hays.
Ah buti jan kaya lakarin eh dito kasi 30mins drive pagpunta sa clinic so panu ko lalakarin un baka mapaanak na ko ng di oras hahays
Lakad lakad ka sa loob ng bahay nyo ikutin mo yun, samahan mo din ng squating hope for safe delivery mommy😘🙏
Ayun na nga lang tangi ko magagawa momshie. Thank you sana makaraos ng maayos.. 🙏😊
Same here 38wks na, lakad lakad Lang sa loob ng bahay matagtag Lang kahit kunti. Wala pang discharge.
Ako rin no discharge pa rin and no signs of labor pa.. Kaya waiting lang. No choice din kundi maglakad dito sa loob house.
Ako po due to ECQ di ko alam kung san ako manganganak naglockdown na kasi mga hospital 😭
Prob ko din yan kaya nagstict nlng akonsa lying in mas safe kesa ospital
Kenshin's MommyYoww/Got Another Bun in the Oven