Away

Ano pong ginagawa niyo kapag nasasabihan kayo ng partner niyo ng iuuntog ulo or sasampalin kapag mainit ulo niya? kasi sinasabi ko lang naman mga ginagawa niya na madalas mas importante pa yung mga di mahahalagang bagay napupuntahan niya samantalang ako makikisuyo lang magpakuha ng gamit di niya magawa.. Mahina po kasi loob ko sa mga ganun naiiyak po ako gusto ko nalang palage umalis nalang kesa makasama siya.. Mabigat po kasi sa loob ko mga ganun, pasensya na po wala kasi ako masabihan ng mga ganto.. Lage ko pinapakita sa family ko na ok siya as husband.

16 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

madam di masama mag mahal pero wag martyr. kung ngaun plang ganun nangngwa pno nlng in a long term bka suntok na abutin. kahit sinong babae di deserve ang mapagbuhatan ng kamay ng lalake. and as babae di mo dapat pinapakita na takot ka at mahina. wag daanin lahat sa iyak pakita mo na minsan lalaban ka at di kaya dapat pagsalitaa ng gnun. iparamdam mo na respeto kelangan mo hindi pananakot ng partner mo pasalamat ako kc ung partner ko sobrang mapagpasensya kahit madalas toxic na ugali ko never dumapo kamay nya skin para saktan ako. hindi din ako nakarinig sa knya ng masasakit na salita. madalas pa nga sobrang tigas ng ulo ko lagi sya nag ssumbong sa mama ko 😂😂😂

Đọc thêm

Ganyan naman talaga ibang lalaki.. Masaya lang sa una, malambing putress! Tapos pag bandang huli tayo na nga yung nasaktan sila pa yung pa victim. HAYS 😏 Ang maipapayo ko lang sayo sis, kausapin mo sya ng maayos sabhin lahat ng ginagawa nya at iparamdam sa kanya na mali sya. Kasi mainitin din ang ulo ng asawa ko pero hindi naman sya ganyan manalita. Kahit pa kasalanan ko sya pag mag sosorry, sya pa magtatapos ng usapan para dw hindi na humaba. Hindi lang lagi ikaw ang umintindi sa ugali nya. Mas intindihin nya rin ang ugali mo kung tlgang mahal ka nya.

Đọc thêm

Kausapin mo syang masinsinan kasi wala syang respeto sayo eh. Ang marriage di magiging successful kung wala na yung isa sa mga basic components nya which is mutual respect. Mahirap na kasi baguhin kapag ganyang nakasanayan na yung pag uugali unless mahal na mahal ka nyan at matauhan sya sa mga pagkakamali nya. If di sya magbago at ganyan pa rin I guess time to decide na. Grabe lang makukuha mong emotional and mental torment sa kanya kung magpatuloy pa yan.

Đọc thêm

Kausapin mo siya sabihin mo mga hinaing mo sa kanya. Ayaw mo kamo ng pinagsasabihan ng ganyan, sa kanya kaya kamo sabihin yan matutuwa ba siya? Need mo talaga lakasan loob mo or else mag suffer ka ng ganyan for lifetime. Disrespect na kasi yan. Nakikita niya na dika lumalaban kya ginaganyan ka. Example kung sasabihin niya na iumpog kita o sampalin sumagot ka sabihin mo "sige gawin mo kulungan ang punta mo!"

Đọc thêm

unang-una mamsh, bakit ka nagpakasal sa isang tao na ganyan makipag-usap sayo? parang ang hirap ng situation mo kasi nahihirapan ka pakisamahan asawa mo pero at the same time, ayaw mo magkaroon ng broken family ang anak mo. pagsabihan mo asawa mo na irespeto ka at 'wag kausapin na para ka lang hayop na sasampalin nya pag mainit ulo nya. otherwise, you have to make a choice

Đọc thêm

Parang Ang hirap mo payuhan. Kasi mahina luob mo.. d mo nmn sasagutin Asawa mo. D k din nmn tatakbo sa family mo Kasi pinaniwala mo sila n ok lng Kayo. Actually sila dapat takbuhan mo sa panahon ngyaon..ikaw lng Yung nag papahirap sa situation mo. .Kung kaya mo kausapin Asawa mo mas ok sana. Pero parang kumuha k Ng master Hindi partner sa napangasawa mo.

Đọc thêm
4y trước

Thanks po sa advice, ang need ko tlga matutunan paano palakasin loob

Haha buti nalang ung partner ko kahit madalas ko sya awayin e d naman ako sinasaktan.. palagi dn sya nagsosorry pag galit tlg ko at d ko sya pinapansin. Dble sis ipagpray mo nlng ok lang umalis ka nlng lalo kung d sya nakikinig sayo.. dpt nga unawain ka nya pero parang mas ikaw pa umuunawa.ipagpray mo nlng

Đọc thêm

Kaya ka ginaganyan ng mister mo because you are allowing him to do that to you. Di magbabago ang sitwasyon ninyo hanggat wala kang ginagawa. Saka bakit mo pinagtatakpan mister mo sa pamilya mo? They should know para pag desidido kang layasan yang abusado mong asawa, maiintindihan ng pamilya mo.

Kung gnyan ka palagi, asahan mo palagi ka nlng tatratuhin ng asawa mo ng gnyan. Hnd ka dpat ngpapatalo. Hnd porke asawa kna nya gaganyanin kna nya at papayag kna lng. Wla sya respeto. Kaya my mga babae inaabuso dhil ngpapaabuso.

4y trước

Reverse psychology Po Ang tawag dyan... Kinakatwiran Niya Yan para d mo gawin. Bka nga sa huli Ang papalabasin Niya ikaw p masama.

Sagutin mo siya wag kang matakot sa kanya pakita mo na mas matapang ka sa kanya par dika kawawain. Babae tayo pag labn natin ang tama at nararapat wag tayong papatalo kung nasa tama tayo. 🙂

4y trước

Yun nga po nung nanganak ako may symptoms ako ng PPD. Ang hirap po pala ng ganun puyat ka na ikaw pa gagawa ng gawaing bahay tapos asawa mo nakakatulog ng ayos samantalang ikaw di mo lang magawa ibang gawain ikaw pa masama.