Salbahe na anak.

Hello mga sis, sino sainyo ang may same senario ng anak ko, na pag di nasusunod ang gusto e iuuntog ang ulo kahit saan pa yan, di sya titigil hanggat di nasasaktan! ? then, napanakit, mabigat kamay pag di nasusunod gusto susuntukin ka sa muka at sasampalin hahampasin ka ng kung anong bagay! Dyusko po my son is only 2yrs old, bihira ko ilabas kasi madalas nang aaway.? sobrang natatakot ako na baka kalakihan nya ung gantong pag uugali, although aminado po ako na mainitin ang ulo ko sakanya mnsan napapalo ko sya nasisigawan! mnsan po kasi nauubos napo ang pasensya ko sakanya kasi po napakatigas na agad ng ulo nya, masama po ba kong ina kung ganun ako? Naririnde po kasi ko minsan sa iyak nya na di titigil hanggat di nasusunod ang gsto. pls englighten me! tulungan nyo po ako. salamat

Salbahe na anak.
1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

baka kasi sis may nakikita sya sa environment nya na violent behavior, then nagagaya nya. or napapanood sa tv. ganun kasi ang mga bata, madalas kung anu ang nakikita, ginagaya. saka tingin ko, bawasan ang pagkamainitin ang ulo. yung pamangkin ng asawa ko, sobrang salbahe din, nagwawala pag d nabigay gusto, eh yung parents mainitin din ang ulo, palo agad, tnry ko lambingin yung bata.yun pala, need lang ng lambing at pag.aasikaso. siguru observe niyo yung paligid nya, baka andun ang factors kaya sya ganyan.para makapag.adjust kayo.

Đọc thêm