7 weeks and 1 day
Ano po mga nararamdaman nyo po nung 7 weeks palng po ang tyan nyo hehe#firstbaby #1stimemom #theasianparentph
Wala akong naramdaman nung 7weeks ako pero nagtaka na ako na ang sensitive ng breast ko, yun na pala sign na buntis ako. Akala ko dahil magkakamens na ako kasi ganon mararamdaman ko before ako magmens
ako wala naman. missed period lang talaga indication ko na pregnant ako kaya sa 1st pregnancy ko 10 weeks na pla ako nung una kami nagpa checkup. magaan na pregnancy lang
Lagi akong pagod at inaantok. Namumutla din ako that time. Then laging masakit puson ko na akala ko magkakaroon ako. Yun pala buntis na ako. Hahahahaha!
Lagi akong inaantok at pagod. Lahat ng food even water sinusuka ko. Super sensitive ng pang amoy ko. Gusto ko lang lagi nakahiga at madalas mahilo.
naalala ko nun ayoko na kumain ng manok lalo na fried pero nagkakape pa ako nun at parang normal lang haha
Maselan po pangamoy ko. Wala ako gana kumain. Yung mga favorite food ko di ko makain. 😅
Lagi po sumasakit tyan ko 8weeks and 2days po . lagi din po mahapdi tyan ko ,
tamad na tamad ako nun kumilos tas pag napupunta ako sa maraming tao nasusuka ako😂
Wala pang nararamdaman..ako 14 to 18 weeks na ako naka feel na my baby tommy ko.
Emotional Momsh! Lahat kinainisan ko. 9wks preggy here. FTM 🥰