73 Các câu trả lời

VIP Member

Gamit ko po pareho un cloth diaper at disposable. Naka cloth diaper si baby sa umaga hanggang gabi bago siya matulog. Hindi namin iniinsert un pad sa loob ng cloth diaper mism para pad lang ang pinapalitan. Magpapalit siya ng disposable sa gabi. Yes madaming labahan sa cloth diaper pero tipid siya at mas presko si baby. Environment friendly pa siya bilang advocate po ako ng zerowaste ph. At least we lessen un gamit ng disposable. Iwas rashes pa.

VIP Member

Pwede naman both. Hehe. Nag try ako before ng cloth diaper kay lo. Pero di din nagtagal. Kasi mahirap pag wala kang helper. Gaya ko na nasa 4th floor pa ang labahan. Alangan unahin ko ung diaper tapos iwanan ko si baby magisa sa kwarto. Matrabaho din po. Pag di din naman nalabhan agad eh naiiwan ung panghi sa diaper kahit nalabhan na. Magastos din sa sabon at tubig. 😅

TRADITIONAL cloth diaper (lampin, NOT the modern ones) during the day para hindi hinahalas si baby. Nilalagyan ko ng diaper ang anak ko pag nakaligo na sya. Tapos pag dirty na, lampin na ulit. Tapos diaper ulit pag tutulog na sya sa hapon. Tapos isa pa ulit sa gabi. We basically use 3 diapers on normal days. Syempre pag lalayas nakadiaper din.

Pareho ko po sya ginamit. Pero mas applicable o sa akin ang disposable kasi yayaless po ako . Ako talaga lahat...Napakabilis ng reflexes ng tiyan ng anak ko. O mabilis ang metabolism kaya after kumain. Poops agad kaya disposable po ang para sa akin.

You can use both.. if you want less rashes and uti kay baby, use the cloth diaper, un nga lang, medyo hassle labhan.. if ayaw mo naman po maging hassle sa pag lalaba, use disposable however, prone to rashes and uti si baby..

TapFluencer

Madaming pros and cons. Depende pa din siguro sa lifestyle nyo. Kami we use disposable pero may 2 cd kame for presko time. Though now, almost potty trained na 2yo daughter ko madalas sa gabi na lang sya nakadiaper.

Bumili ako ng washable cloth diaper sa Shopee😊 I'll try to use it when my baby comes out. Cotton din nman ung fabric 😊. Para mas tipid, saka nlng ako gagamit ng disposable kpg aalis. 😊

VIP Member

Mas ok if ma try mo pareho. Tipid kasi pag naka cloth diaper at iwas rashes si baby yun nga lang kailangan masipag ka mag laba. Diaposable diaper ok sya pag pang gabi at pag aalis ng bahay.

Plano ko sa new baby born ko clothe diaper gusto ko kasi sensitive pa skin ni baby and iwas rashes.. Pag lumaki na, disposable na gagamitin ko.. Share ko lng, baka magustuhan mo din 😅

VIP Member

Ako disposable gamit. Pero im considering the cloth diaper , pag siguro medyo malaki na si LO. Kc ung cloth you really need time para labhan though tipid sya at environmental friendly.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan