Rashes❗❗❗❗❗❗

Ano pa kaya pwede igamot sa rashes mga mommies? Ang lakas kasi mag poop nang baby ko kaya siguro di na sya nawawalan nang rashes, every time na pinapalitan ko naman sya nang diapher nag lalagay ako nang calmoseptine kaso hindi na talaga nawawala rashes nya, nag susugat na, mula new born sya hanggang ngayong 5 months na sya yun pa rin naman ang diapher na gamit nya.

Rashes❗❗❗❗❗❗
84 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ichange nyu nalang po diaper ni baby, hanapan nyu kun anong hiyang sa kanya, at kung yung pinang pupunas nyu po sa pwet ni baby e wipes baka yun din po yung isang dahilan kung bakit may rashes kase ganyan baaby ko, tinigil ko yung wipes cotton and water nalang gamit ko.

Gamit q lang sa baby q po is maligamgam na tubig na may kunting alcohol tas cotton instead na wipes.kc nung bagong panganak pa xa wipes po gamit q ayon namumula ung pwet..kaya stop q ung wipes tubig tubig nalang never xa nagrashes hanggang ngyn 4months na xa..skl😁

momsh try nio po cloth diaper. and also rashfree na cream. murayta lang nemen po yun hehe. kawawa naman si lo mo. im also using unilove diaper. maganda xiang gamitin. never nagka rashes si baby. murayta lang din xia and sa shopee lang namen xia nabibili

Thành viên VIP

change ka po ng diaper momsh.. then observe mo.. sa umaga kahit ung diaper cloth na muna gamitin mo po pero make sure na checheck mo xa lagi para hindi mababad sa ihi. Ako Fissan ginagamit ko if may rashes si baby.. nawawala naman after 2 to 3 days

Gamit ko po mamsh ng natural nappy cream ng human nature . Lagay mo po every change ng diaper . Tas always dry and clean po dapat before change ng diaper. Tissue at bulak na may tubig lang ok na yun. Bsta dry lang tas pahid ng nappy cream

Di Lang wet wipes Ang gamit namin pang linis , hinuhugasan na rin namin ng water pwet ni baby mas sure kasi na mas malinisan pag ganun. Tapos wag ibabad ng diaper si baby lagi palitan . Diaper namin Uniluv. Mura lang pero worth it sya

try nyo po drapolene cream,dapat dry po ung skin n baby pag mag apply. tas pag nagpoop po mas maigi na cotton at maligamgam na tubig gamitin nyo para iwas rashes din po.at kung maari pag nag poop palit agad ng diaper.

wag mopo tipirin si baby, pag nagpoop linis and palitan mo po agad ng diaper. kawawa naman sya 5 months na mahapdi pwet. regardless kung ano pa gamit nya diaper basta religiously napapalitan di naman po mag rashes yan

Thành viên VIP

pahanginan nyo din po mommy. pag tanghali po kay baby ko hindi ko nilalagyan ng diaper para mahanginan din po kaya wala sya rashes.. or better po ipakita nyo nalang sa pedia 😊 para mabigyan po ng anti rash si baby

ako pinahiran ko lng ng babyflo na petroleum c baby ganyan din panay popo pero kunti lng naging rushes unilove airpro diaper gamit ko sknya magandang diaper try nyo un. momshie nakakahinga kc pwet no baby