31 Các câu trả lời
Sa may kilay cradle cap yan.. Pwede din magkaron nyan ang ulo ni baby.. Normal lang na magkaron ng ganyan ang newborn dahil very sensitive sila at bago lang sila sa environment.. Ang gawin mo mi wag mo lagyan ng sabon ang face niya... Use warm water lang.. Ganon ginawa ko kay baby ko di naman ganon kaadvisable pa sabunan ang face kahit yung mildest pa na cetaphil/mustela.. Basta tubig lang sa face sa katawan nalang ang bodywash pag naliligo.. Yung mga redness na face pwede mo lagyan ng tinybuds baby acne. Safe dahil organic pero kung gusto mo makakasigurado ka pa rin pag iPatch test mo muna mga products na ilalagay mo kay baby
Ganyan dn baby ko birth til 1 month, may cradle cap sya sa kilay pati sa talukap ng mata marami din syang butlig sa katawan sabi ng mga marites bakit daw ako kumain ng talong nung pregnant ako e wala naman scientific explanation na nagcacause ng taon sa baby yung talong. Ang nakatanggal sa cradle cap at butlig ni lo ligo araw araw, yung cradle cap pag nababad na sa water kinukuskos ko ng lampin natanggal naman ngayon okay na skin nya. Mustela gamit ko na pang wash pero sa katawan nya lang ginagamit and sa hair, avoid pa ntin mi magkuskos ng kung ano ano sa face ni baby kasi super sensitive ng skin nla
Hello po nabasa ko comment nyo sa isang post tungkol sa ayaw pagdede ni baby mo pagpasok nya ng 3months same situation po ng baby ko ngayon. Ano po ginawa nyo bumalik ba dati nyang gana sa pagdede. Sana mapansin mo stress na ko nagpapedia na rin kami ganun pa rin 😢
Same po ng baby ko nawalan ng gana magdede pagpasok niya ng 3 mos. Pinacheck up ko kanina sa pedia binigyan niya ng gamot pampagana daw
Sabi ng pedia ngyayari yan pag poot hygiene kay baby.. hnd nalilinis maayos at nkakaligo.Warm water po with wash pahid mo gentle.. tapos nun warm water nalang sa bulak wala ng wash. then tissue pra tuyo.Do not apply breastmilk lalo lang lala libag po yan..
lactacyd din gamit ko po , pero konti lang nilalagay ko ..sa muka naman water lang tsaka cotton wag muna lagyan ng lactcyd..mas maganda din po bago mo paliguan si bb eh lagyan mopo ng breastmilk mo ung buong muka nya ...tas 3mins babad tapos saka ligo...
ah ganon po ba salamat po mi
Tuwing papaliguan nyo po sya yung gloves nya gawin nyopo ipunas nyopo or gawin ihilod para po matangal yan lagi nyopo paliguan para po mabilis matangal po yan normal lang po yan sa newborn
ok po sige Thankyou
normal lang po.. baby ko pang 21 days na nya ngayon.ang nilalagay ko lang sa acne nya ay breastmilk.nawawala din naman..wag nyo po kutkutin,hayaan nyo pong mag peel off.
Same tayo mommy, yan din ginagawa ko sa baby ko
Paligoan mo si baby ng dahon ng bayabas or gabon warm water lg po tapos palitan mo liquid soap niya baka allergic sya sa gnagamit mo. Effective po paligoan mo ng dahon ng bayabas or gabon
pahiran nyo po ng cetaphil moisturizer. magbasa ka ng bulak tapos lagyan mo ng cetaphil saka mo ipahid kung saan ang rashes, hayaan mo lang po na matuyo yung moisturizer.
Yes po normal po yan mawawala din po yan .. linisan or paliguan lang si baby araw araw used trustes soap po 😊 wag po masyado kuskusin para hindi ma irritate skin niya.
thankyou mi
Anjenette Cruz