.
Ano kaya gagawin ko kung ayaw bumukod ni lip? Nakakailang kasi kumilos dto sa bahay nila. Mabait naman yung kapatid nya at mama nya pero kasi iba pag nakabukod. D ko alam bat ayaw nya, tinatanong ko naman sya kung bakit ayaw nya lagi nya sagot 'wala lang' :( nakakastress din, ayaw naman nya ko pauwiin sa bahay namin. :(
Probably because of financial responsibility. Lolobo Ang gastos nyo kapag bumukod kayo. Upa sa bahay, tubig, kuryente, gas. Need nyo Rin bumili Ng sarili nyong gamit at appliances. I live with my MIL for 8 years. When we decided to live on our own, I feel n parang bagong kasal lang ako. Bago namin ginawa yun nag-ipon kami ni hubby pambili Ng mga gamit sa bahay at pinagusapan Kung paano namin hahatiin regular na gastusin. May work namin Kasi ako. Sobrang saya ko talaga. At si hubby mismo nagsabi na okay talaga Ang nakabukod. At pinakamasaya pa Nyan eh natuto akong magluto at naging mas close kami as a family. Good luck mommy. Makakabukod din Kayo sooner or later.
Đọc thêmtotoo to! kahit mabait mil mo tsaka mga kapatid nya nakakailang parin kumilos. Gusto mo mag linis, mag luto pero naiilang ka gawin kasi di nyu bahay. yung nagugutom ka gusto mo kumain di ka makakain kasi nga nakakahiya magluto at kumain mag isa. Hindi ka makakilos sa gusto mo. limited lahat. tas yung nakakainis di ka maintindihan ng asawa mo sa sitwasyon mo. kakabwesit nakakabagot! siya puro laru lang ng computer samantalang ako naiiyak na sa sobrang bored walang magawa. di karin makalabas kasi wala kang kakilala sa lugar nila. awkward maglakad2 sa labas ng ikaw lang mag isa.
Đọc thêmHirap nyan mamsh. Buti yung lip ko, ako pinagdedecide lagi. Kung saan ako mas komportable doon kami. Habang buntis ako, nandon kami sa kanila. Natry ko makitira ng matagal sa bahay nila. Nahirapan ako kasi masyado silang marami doon. Kaya nagdecide kami na dito nalang ako sa bahay ngayong manganganak na. Kasi only child din ako kaya di ako sanay ng sobrang daming tao. Explain mo nalang sa kanya nararamdamn mo mamsh. Malay mo namn po.
Đọc thêmGanyan din ako sa lip ko, gusto ko bumukod kahit sobrang bait ng papa nya. Kasi minsan ayoko kumilos pero kelangan mo bumangon dahil mahihiya ka. Pero di pala talaga pwede kasi Chinese sila. Ang lalaki ang magaalaga sa parents. So kahit lumipat kami. Bitbit namin papa nya. Kaya wala akong choice kundi makisama.. Senior nadin kasi kaya inintindi ko na lang...
Đọc thêmbaka natatakot sya responsibilidad? kase once na nakabukod na kayo mag oobliga na syang kumilos para sa pamilya nya .. ganyan din ex ko eh ayaw umalis sa bahay nila tapos ayaw din sya pabukudin ng nanay nya ayun iniwan ko sya dun sa nanay nya , wala kaseng mangyayari sa pagsasama nyo if andyan kayo sa side nya wala kayong mapupundar
Đọc thêmsobrang nakakastress talaga yung mga MIL na ayaw pabukudin ang anak, buti nalang ako sinunod ng anak nya. Kundi,hahayaan ko nalang din sya sa nanay nya.
Sounds like he's a mama's boy or ayaw nya maging padre de pamilya. Mahirap yung ganyan. Laging nakadikit kay mama at papa kasi di makapagdesisyon ng mag isa. Good luck po sa inyo
ganyan din asawa ko, gustong gusto kuna bumukod, ayaw nya wala naman daw problema dito sa bahay hindi nya lang alam kasi wala sya palagi dito sa bahay. ka stress!!
Mamas boy or nag titipid yan. Kung ganyan sabhn mo nex yr sa parents mo naman kayo manirahan para alam nya yung hirap makisana
Hindi pa sya handa humarap sa realidad ng pagkakaroon ng sariling pamilya. Sana hindi sya mama's boy.
Mahirap yan, momsh. Hindi kayo lalago both kung nakaasa pa kayo sa parents nyo or isa man sa inyo.