Advice pls

Ang tagal ko pinag isipan kng ishashare ko ba to dto o hnd kasi problema namin mag asawa to peo wala na rin kasi akong ibang malabasan ng sakit ? Meron akong 1year old at buntis ako ngayun para sa pangalawang baby namin. Nung simula palang ang relasyon namin ang sweet caring at sya lagi nakaka alala ng monthsarry namin. At dumating nga ang first baby namin maayos kami gustong gusto nya nakikita sa ultrasand ang baby namin 1 to 2 months alaga nya pa ako naibibigay nya mga gusto ko peo dumating sa point na nagalit sya sakin ng sobra at napag higpitan nya ako ng hawak nag away kasi kami ng kaibigan nyang lalaki nag wala ako hnd ko rin alam kng bakit peo kasi lagi sya nandun sa kaibigan nya tapos ako humihingi ng tulong sakanya sa work hnd nya ako pinupuntahan pareho kaming housekeeping sa isang hotel at dala rin siguro ng pag bubuntis ko kaya madali mag init ulo ko. Simula nun nag bago ang lahat mas inuuna na nya ang pag lalaro nya pinapabayaan nlng ako. Minsan nabibigay nya gusto kong pag kain pag aruga peo madalas hnd. At mas marami pa syang oras sa pag lalaro nya sa cellphone nya. Nanganak na ako sa probinsya namin wala sya dahil inaasikaso nya ang pag babarko nya. 1st month plng ako nanganak nakitaan ko sya ng kachat na babae at denedelete nya conversation nila ako naging selosa nang sobra at nalaman ko na nakainuman nya at may muntik mangyari sakanila buti nlng nandun mga kaibigan ko nag away kami at isang lingo syang hnd nag paramdam samin inaway ko ang babae at nagalit sya sakin. Inuwi nya kmi dto sa fam nya sya nag work na ulit sa hotel habang nag hinihintay ang alis pag barko away bati lng kami. At nakaalis na nga sya nakapag sampa na ng barko maayos kmi tumatawag sya samin video call nakaka chat ko sya at may pinakilala sya sakin chinesse na kaibigan daw nila peo itong chinesse na to may iba ang kutob nung una ok pa peo hangang makita ko mga post nya na sweet nila nakaakbay lagi si girl sa asawa ko or boyfriend ko dahil hnd pa kmi kasal. At nag simula na ulit kmi mag away simula nun 2months palang sya sa barko hnd na sya nag paramdam saminwalang chat walang tawag kahot chinachat ko sya ng chinachat. Nung pauwi na sya saka uli sya nag paramdam sakin almost 4months syang walang paramdam para bang nang ghosting. Akala ko nun ok na ako nakalimutan ko na sya nakipag hiwalay ako peo nung nalaman kng pauwi na sya hnd ko alam naka ramdam ako ng excitement at nag simula narin ulit kaming maka pag chat. Nung naka uwi na sya nag paliwanang sya at pinakingan ko peo hnd ko parin maramdam ulit sakanya yung pag mamahal na sinasabi nya nag aaway kami lagi at madals hnd nya ako pinapansin kahit nasa iisang bubong kami dto sa fam nya. Ngayun sumakay ulit sya at nag away ulit kami dahil sa babae lagi nya chat at tinatawagan nya pa wala pang isang buwan dec 29 blinock nya ako at sabi sa magulang nya ayaw na daw ako makausap kasi baliw daw ako. Sinabihan nya rin ako na para nalang sa mga anak namin. Dto ako nakatira sa magulang nya hnd ko alam gagawin ko hnd ako makaalis kasi wala ako trabaho at pag inalis ko daw dto ang anak namin wag ko na daw sya tawagan pati pamilya nya at yung allotment na nakukuha namin mawawala nalang daw. Hnd ko alam gagawin ko ? na dedepress ako. Mahirap lng pamilya ko kaya ayaw ko guluhin magulang ko hnd nila alam sitwasyon ko kasi ayaw ko mag alala sila sakin peo sa totoo lng durog na durog na ako. Pangalawang beses na to na ginawa sakin minsan naiisipan ko kung hnd ako nabuntis ulit siguro hnd ko kailangan ikulong sarili ko sakanya ang tanga ko na ba? Na hangang ngayun nag sstay parin ako saknya? Hnd ko lng din kasi kaya na makita magutom anak ko at lalo wala akong pera para manganak ? halos gabi gabi umiiyak ako. Hnd na ako nakakahawak ng pera dahil sa magulang nya na pinapadala ang allowance namin at bibigyan lng ako ng magulang nya ng sakto may sobra man nasa 200 300 lng. Mga gusto ko makain di ko makain. Peo kailangan ko mag pakatatag para sa mga anak ko at kailangan ko mag tiis ???

21 Các câu trả lời

grAbi nAmAn yANg kinAkAsAmA mOh sis,dApAt ngA mAgiNg prOUd siyA sAh iNyO ng mgA AnAk mOh dAhiL LUmALAki nAh aNg biLANg ng fAmiLyA niyO.dApAt priOrity kAh niyA dAhiL nAnAy kAh ng dALAwANg AnAk niyA.hNdi mAn kAu kAsAL pErO mAy hAbOL mgA AnAk mOh sAh sUstEntO ng tAtAy niLA.

kahit ndi kau kasal sis pwede muh pa din sya kasuhan dahil my anak sya seu. manuod ka ng tulfo para ngkakarun ka ng idea. ohh idaan muh sa PAO ndi pwede ung ganian. at tsaka maiintindihan ka nman ng magulang muh tutulungan kpa din nila kc anak kpa din nila.

mabuti pang hiwalayan mo na momsh. pero dapat sustentohan ka nya, at pag di nya gnawa, pwde mo syang ireklamo. kesa nman mag stay ka sa lalaking kagaya nya. buntis kapa nman di ka pwdeng ma stress, magdasal ka nlanf, God will provide.

Habang tumatanggap ka ng allotment, ipunin mo po para may pera ka tapos alis ka na dyan. Humiwalay ka na. Balik ka muna sa parents mo. Hanap ka ng work. Itaguyod mo magisa yung mga babies mo. Walang kwenta yang asawa mo. 😔

Eto maganda mong gawin wag kang magpadala sa blackmail nila

Sorry to hear that mommy. Napakahirap ng sitwayson mo. Pray always po para gabayan tayo ni Lord araw araw. Sana maging okay ka din in time. Tiis2 ka muna gang sa makapanganak. Kung di mo na kaya jan try mo hanap work after manganak.

Wag ka umalis jan para hindi sya makapagasawa ng iba hanggat nanjan kka sa bahay ng magulang nya. Mas secured kayo ng anak mo jan at maaring ikaw pa ang kampihan ng magulang nya kapag nambabae sya.

Dapat rin sana nd sa magulang ang padala 2 n anak nio piling wala pang pamilya dapat sana pakasal nrin kau ng makapagsolo nrin mhrap yn

ganito gawin mo sis mg save ka lagi ng pera para if ever nd muna makayanan may pera ka ng nkakeep na magsshoulder sa mga baby mo

Pakawala naman kwenta nyan.. Haist kawawa ka na mga momsh mas kawawa pa mga anak mo.. God bless po

Mag'focus ka nalang sa mga babies mo momsh. Pagpasensyahan mo na napunta ka sa gagong lalaki eh.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan