Please enlighten me😔

maglalabas lang po ng saloobin. buntis po ako ngayon sa pangalawa ko masaya po sana kaso malaking problema. 1 yr old palang po kasi yung panganay ko at alam kong kabi kabilang husga ang matatanggap ko lalo na po at madamdamin po kasi akong tao. hirap pa po ng buhay dahil hindi sapat ang kinikita ng partner ko tapos formula pa si baby. senior high school palang po ang natatapos ko at balak ko na sanang mag work ng malaman kong buntis ako. balak ko pa rin po sanang bumalik sa pag aaral. pati magulang ko at magulang ng partner ko tiyak magagalit. di rin naman po namin expected ng partner ko dahil kakatigil ko lang sa injectable gawa nga ng hindi po ako hiyang. samu't sari na po talaga yung napasok sa isip ko at minsan ng sumagi na magpalaglag. alam ko pong iilan sa inyo ay pagagalitan din ako at tatanggapin ko po yun dahil alam kong nagkamali talaga kami ng partner ko. pero sana ho kahit papano ay mabigyan nyo rin ako ng advice. salamat po🙂

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Nandyan na po iyan, prepare yourself at tanggapin nyo na lang po ang galit nila. What's done is done, wala na tayo magagawa sa nakaraan, kaya focus na lang po kayo sa today and the future. Para maibsan ang galit nila kahit papaano, make a plan and explain sa kanila. Ano plan nyo financially? sa studies mo? Paano aalagaan si baby? etc. Kung kaya nyo maging independent, better pero kung hindi pa talaga kaya at kakailangin nyo ang tulong nila, be honest as well. But still, assure them na hindi naman puro asa na lang ang gagawin nyo. Ipakita at patunayan nyo sa kanila na nage-effort kayo and will work extra hard para ayusin buhay nyo. Please understand na ang galit nila ay dahil sa concern lang din sila sa inyo, kaya do your part na lang to reassure them that you can and will make it work ☺️ God bless po...

Đọc thêm
1y trước

salamat po, malaking tulong po ng payo nyo❤️

alam mo mi. swerte kapa kasi iisa ang tatay ng anak mo sakin 2 iba iba 😔 sguro after birth hiwalay after 4 years nagka partner ulit ako nabuntis ulit ako another baby after birth nag hiwlaay uli kmi now after 4 years nabaman meron nanaman akong partner sinubukan ko ulit buntis nanaman ako wag mo intindihin sasabihin nila ❤️

Đọc thêm