Ang hirap ng walang sariling pera 😢

Ang hirap ng walang sariling pera mga mi. Asa lang ako sa asawa ko. Pero 24/7 ako nag aalaga sa anak namin. Good provider naman ang asawa ko, kaso nga lang kapag may sinasabi akong bibilhin ko na gamit para kay baby which is importante naman ay lagi nyang sagot "wag" "wag na". Nasasaktan lang ako kasi ultimo damit ni baby kapag sinasabi kong bibilhan ko e laging "wag" "wag na". Although may mga damit naman ang anak ko pero naliitan na nya kasi yung iba. Yung mga pambahay nya e bigay lang din ng mga pinsan nya. Natutuwa naman ako kapag binibilhan sya ng mga tita nya pero iba kasi kapag ikaw mismo yung bumili para sa anak mo. Hindi ko naman winawaldas yung sahod na inaabot sakin ng asawa ko, napupunta naman sa mga pangangailangan ng anak namin. Pero sa tuwing ipapaalam kong bibili ako ng gamit nya lagi syang tutol. Kaya ang hirap ng walang sariling pera mga mi, hindi mo mabili yung mga gusto mong gamit para sa anak mo 😢

16 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Totoo yan mi mahirap talaga pag wla kang sariling iyo. Fortunately, ang asawa ko kahit dati pa nung di pa ko buntis, ako pinapahawak nya ng atm nya kahit pareho kaming may trabaho. Masasabi kong depende rin talaga siguro sa lalaki kasi yung asawa ko tinanggihan ko na yan dati ang pagbibigay nya pero sya talaga ang nagsasabi na mas gusto nya ang ganun. Ngayon naman kasi maselan ang pagbubuntis ko at naka leave without pay ako sa trabaho, sa knya lahat. Ganun pa rin ginagawa nya pero ako personally mas gusto ko pa rin na may sarili akong pera para di ko rin nagagalaw ang sa asawa ko.

Đọc thêm
Thành viên VIP

This is why I pursue my career pa din. Yes gusto nila ko mag full time mom pero iba pa din pag ikaw yung nagwork para sa own money mo. Iba pa rin my sarili kang pera, di ka nila pwede diktahan sa mga bagay na gusto mo. Di madamot si hubby, nasa saken atm niya. Iba pa rin kasi pag piang paguran mo yung pera mo. Nabibili mo wants and needs mo and ni baby at the same time na hindi mo kailangan manghingi o mag antay kung kelan ka bibigyan.

Đọc thêm

Ako mi kahit asawa ko ang may trabaho at ako ang nasa bahay pag may gusto ako bilihin para sa anak ko bibilhin ko talaga kahit sangdamakmak na laruan ng anak ko dito sa bahay pag gusto ko bumile bibilhin ko talaga minsan lang sila bata di mo na magagawa Yan pag may sarile na silang pamilya, at bute ang asawa ko masaya din sya pag binibilihan namen ng kung ano ano anak namen kase natutuwa sya pag nakikita nya masaya anak nya dahil sa bagay na binile namen.🩷

Đọc thêm

mahirap kz tlaga pag Lalaki lang ang nag work... kaya ako mas gusto ko mag work para may pera at pambili ako ng kailangan ko,luho ko,etc. kaht my anak na kami... 1yr palang baby nmin kaya lahat ng nids nbbgay amin. para kasi sakin in my opinion d porket nanay kana sa bahay knlng mag aalaga at mag aaskso. sakin mas gsto ko mag wrk para may pera kami. dahil ang totoo isa sa mga dahilan ang pera kng bakit kmi masaya....

Đọc thêm

same sentiments. gusto ko din ng sariling pera. don’t get me wrong. kahit anong ipabili ko at kailangan at gusto ko para sa akin at para sa anak namin. bigay ng asawa ko. may guilt feeling lang sa part ko na sana ako na lang yung bumibili ng para sa wants ko at wants ko para sa anak namin. nakakahiya na din kasi minsan. maganda talaga may sariling pera. 😐

Đọc thêm

sis mag apply ka sa BPO dming nag ooffer ng WFH pra hnd ka na aalis at malagaan mo pdin anak mo. or freelancing. 2 na anak namin and I still decided to work pdin kasi gusto ko may pera ako sarili kahit sbi ng asawa ko na wag na me magwork. Iba tlga kapag may own money ka.

2y trước

Ano po magiging work ko sis? Magkano po ang sahod?

Same wala din sariling pera yung parang may 2 full time jobs ka pero wala kang sahod. Yung asawa ko supportive naman sya kung ano yung gusto kong bilhin para kay baby pero bilang asawa kelangan ko din magpigil minsan kase need magtipid.

same mi pero binibigyan namn Ako Ng Mr ko Ng Pera para skin pero ending sakanila ko nlng ibibili andito lng nmn Ako sa house sa eh meron nmn mga foods and snack for me pagnaguto. pdd mom and gumagawa Ako Ng paraan para magkapera mi 😊

Influencer của TAP

Hi mii .. Naiintindihan kita but, this doesn't stop me working ako at the same time ako ang provider ng lahat ng needs ng anak ko. Di baleng wala akong bago so long as happy & napprovide ko ang needs ng anak ko.

mag reseller ka mmy habang nag aalaga ka ng baby mo. ako preggy lang nag sisideline nako kase di pwede mag work binibigyan naman ako ng hubby ko pero iba kase sa feeling pag sarili mong pera talaga.