Ang hirap ng walang sariling pera 😢

Ang hirap ng walang sariling pera mga mi. Asa lang ako sa asawa ko. Pero 24/7 ako nag aalaga sa anak namin. Good provider naman ang asawa ko, kaso nga lang kapag may sinasabi akong bibilhin ko na gamit para kay baby which is importante naman ay lagi nyang sagot "wag" "wag na". Nasasaktan lang ako kasi ultimo damit ni baby kapag sinasabi kong bibilhan ko e laging "wag" "wag na". Although may mga damit naman ang anak ko pero naliitan na nya kasi yung iba. Yung mga pambahay nya e bigay lang din ng mga pinsan nya. Natutuwa naman ako kapag binibilhan sya ng mga tita nya pero iba kasi kapag ikaw mismo yung bumili para sa anak mo. Hindi ko naman winawaldas yung sahod na inaabot sakin ng asawa ko, napupunta naman sa mga pangangailangan ng anak namin. Pero sa tuwing ipapaalam kong bibili ako ng gamit nya lagi syang tutol. Kaya ang hirap ng walang sariling pera mga mi, hindi mo mabili yung mga gusto mong gamit para sa anak mo 😢

16 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Influencer của TAP

Hi mii .. Naiintindihan kita but, this doesn't stop me working ako at the same time ako ang provider ng lahat ng needs ng anak ko. Di baleng wala akong bago so long as happy & napprovide ko ang needs ng anak ko.