Struggles of Soon To Be Single Mom

Ang hirap magdalang tao ng walang katuwang lalo kung nakikisama ka lang kahit sa mismong pamilya mo. Mula ng talikuran kami ng ama ng anak ko, more than 3 months ago, hindi na tumigil ung mata ko sa pagluha. Mapaumaga, gabi, madaling araw o tanghaling tapat. Kung kelan mas lalo kong tinitibayan ung loob ko, mas lalong dumadami ung mga nagddown sakin. Pilit ko namang iniiwasan. Pero sila ung lumalapit e. Nanahimik na nga lang ako. Pag sumosobra na ung bigat ng loob ko alam ko may mga kaibigan ako, bilang man, hindi naman sa lahat ng oras mapaglalabasan mo sila ng sama ng loob. Hindi ko nga alam kubg pano pa ko nakakatawa minsan. Pakiramdam ko instead na bundle of joy ung pinagbubuntis ko, bundle of stress na. Naaawa ko ng sobra sa anak ko. At sobrang proud ko sa tatag nya sa loob. Kahit na sobrang stress ung buong pagbubuntis ko, malakas pa din syang gumalaw. Ang hirap din talaga ng walang nag aalaga sayo. Alam kasi nila kaya mo naman e. Tsaka kasalanan mo yan. Di mo inensure ung nakabuntis sayo. Pumasok ka sa ganyan ng di nakatapos at walang trabaho. Sobrang nalulungkot ako sa mga nakapaligid sakin. Mula ng araw na narinig kong mawawalan ng ama ung anak ko, hinanda ko ung sarili ko sa ibat ibang bagay na kakaharapin ko araw araw. At hindi talaga sya madali. Sobrang bumaba ung self esteem ko sa sarili. Idagdag mo pa ung mga kwento ng kwento sayo kung gano sila kaswerte sa pagbubuntis nila. Wala naman talaga kong pake pero sana wag na lang nila iparinig sayo dahil alam naman nila pinagdaraanan mo. Nakakasama talaga ng loob. Isa lang yan sa mga nakakapag padown sakin. Palagi akong nagdarasal kay lord na tanggalin nya ung galit sa puso ko na nararamdaman ko para sa mga taong nakakagawa ng kasalanan sakin. Lagapak na kasi ako sa lupa. Hindi ko na kayang dalin pa ung burden ng galit. ? nagvvent out lang naman ako. Nagsasawa na din kasi akong ichat ung sarili ko e. ?

73 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Hi mommy 1 year na din akong single mom alam pagkapanganak ko sa 2 baby namin iniwan na kmi pero alam mo kung anong mas maganda dun? Naging stress free ako naging mas malaya mas marami akong naging kakampi lalo na ang lola ko na lagi nasa likod ko kayang kaya mo yan sis pagppray kita anytime soon lalabas na magiging bestfriend forever mo kaya dapat happy thoughts lang sis

Đọc thêm

Same situation sis..mahirap talaga..pero kayanin mo..mauubos rin ang feelings mo sa tatay nian.haha.mahal ko pa tatay ni baby ko pero hindi na the same as noon..may communication kami for the baby..hinabol nia si baby ko nung manganganak na ako.okay naman kami hopefully di maglapse ang walls ko.prayers sis.pray for healing and peace of mind at para sa inyo ni baby mo.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Hindi ka nag iisa. Hai. I can super duper relate sayo mamsh. Kayang kaya natin yan. Ang bundle of stress natin ay joy parin dahil di nila tayo iniiwan. Mahal din tayo ng baby natin. Pakatatag lang tayo. Minsan mahirap makisama pero kering keri yan. Konting tiis nalang at paglabas ni lo sabi nila mag iiba pananaw natin sa buhay.

Đọc thêm

Nandito kaming kapwa mo momshie kaya wag ka panghihinaan ng loob kase binigay sayo yang ni Lord dahil may plan and will nya yan sayo lesson yan momshie instead masstress ka isipin mo na nd ka magisa kase andyan si baby mo sa tummy mo always be thankful momshie Godbless kayo ni baby💕💕💕

Kaya mo yan sis. May mga tao talaga na hindi naman natin kailangan sa buhay natin kung magbibbigay lang ng bigat sa buhay. Wag kang mag alala nandyan lang si Lord di ka niya pababayaan kayong dalawa ng baby mo. Worth it lahat ng pagod at stress mo kapag nakita mo na si baby🙂

Bi prayers ang ma aadvise ko sayo. Dami ko pinagbdadaanan na stress at problema ipinapasa dios ko lahat ng yun,so far eto pa ako strong. Alam mo gawa ko meron ako paboritong simbahan na pinupuntahan lalo na pag mabigat na tlaga loob ko dun ako nag mumuni muni. Sana mkatulong..

same situation ,25 weeks na si baby ko simula nung nangyari sakin yun sobrang stress din yung inabot ko yes mahirap,sobra..pero kailangan natin lumaban kasi si baby nga lumalaban din diba,focus ka nalang kay baby kasi mas kailangan ka niya kaya mo yan sis pray lang lagi..

Laban lang sis. Kaya mo yan. Di ka nag iisa. Madami tayo na ganyan ang sitwasyon. Dasal lang lage. Dasal ang pinakamabisang gamot. Magiging okay din ang lahat. Subrang swerte nga natin dahil di lahat nabibigyan ng pag kakataon maging isang ina. Proud single mom here🙂

Thành viên VIP

Saludo ako SA mga kagaya mong single mamsh.. malalagpasan mong lahat Yan.. Yan ang mag papatibay sayung pagkatao..lalo na SA pagiging isang ina at ama SA anak mo.. walang nawala sayu.. ung ama NG baby na yan ang nawalan.. Kaya mo Yan!! Dasal palagi mamsh.. kapit lng!!

Thành viên VIP

Isipin mo mumsh level 1 palang yan ng challenges na susubok sayo. Wag kang mawawalan ng pag-asking lumaban, not just for but also for the sake of your baby. Siya gawin mong inspiration sa lahat ng bagay. Makakaya niyo yan at tutulungan ka Niya palagi ❤