Struggles of Soon To Be Single Mom

Ang hirap magdalang tao ng walang katuwang lalo kung nakikisama ka lang kahit sa mismong pamilya mo. Mula ng talikuran kami ng ama ng anak ko, more than 3 months ago, hindi na tumigil ung mata ko sa pagluha. Mapaumaga, gabi, madaling araw o tanghaling tapat. Kung kelan mas lalo kong tinitibayan ung loob ko, mas lalong dumadami ung mga nagddown sakin. Pilit ko namang iniiwasan. Pero sila ung lumalapit e. Nanahimik na nga lang ako. Pag sumosobra na ung bigat ng loob ko alam ko may mga kaibigan ako, bilang man, hindi naman sa lahat ng oras mapaglalabasan mo sila ng sama ng loob. Hindi ko nga alam kubg pano pa ko nakakatawa minsan. Pakiramdam ko instead na bundle of joy ung pinagbubuntis ko, bundle of stress na. Naaawa ko ng sobra sa anak ko. At sobrang proud ko sa tatag nya sa loob. Kahit na sobrang stress ung buong pagbubuntis ko, malakas pa din syang gumalaw. Ang hirap din talaga ng walang nag aalaga sayo. Alam kasi nila kaya mo naman e. Tsaka kasalanan mo yan. Di mo inensure ung nakabuntis sayo. Pumasok ka sa ganyan ng di nakatapos at walang trabaho. Sobrang nalulungkot ako sa mga nakapaligid sakin. Mula ng araw na narinig kong mawawalan ng ama ung anak ko, hinanda ko ung sarili ko sa ibat ibang bagay na kakaharapin ko araw araw. At hindi talaga sya madali. Sobrang bumaba ung self esteem ko sa sarili. Idagdag mo pa ung mga kwento ng kwento sayo kung gano sila kaswerte sa pagbubuntis nila. Wala naman talaga kong pake pero sana wag na lang nila iparinig sayo dahil alam naman nila pinagdaraanan mo. Nakakasama talaga ng loob. Isa lang yan sa mga nakakapag padown sakin. Palagi akong nagdarasal kay lord na tanggalin nya ung galit sa puso ko na nararamdaman ko para sa mga taong nakakagawa ng kasalanan sakin. Lagapak na kasi ako sa lupa. Hindi ko na kayang dalin pa ung burden ng galit. ? nagvvent out lang naman ako. Nagsasawa na din kasi akong ichat ung sarili ko e. ?

73 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

I've been there before sa 1st child qo,tinatatagan qo ang sarili qo.nilibang qo ang sarili qo,nagtnda aqo ng halo-halo at iba pang pagkain.na divert qo ang lungkot qo sa pagttnda at the same nkatulong pa un sa mga check ups at meds nmin ni bby nung pinagbbntis qo sya.although kaya nmn aqong suportahan ng parents qo that time mas pinile qo na lng na magtnda tnda to divert my sadness and loneliness.and nagawa qo nmn maka move on paunti unti.syempre sa tulong na rn ng fam and friends qo.then until naipanganak qo na nga ang 1st child qo,sobrang saya!nakalimutan qo ang lungkot at nsabi qo na hnd nmn tlga aqo nag iisa.lumaking mabait at mtalino ang anak qo.binusog qo sya ng pagmamahal at aruga.ganun rn ang buong pmilya qo.hanggang sa matagpuan qo na ung lalaking tanggap kming mag ina,kinasal kami last yr oct.at ngaun mgkaka anak na qo ulit,naka apelyido na rn sa asawa qo ung 1st child qo..and she's now 11 yrs old..multi talented at achiever rn sya sa school.super close rn sya sa mister qo na daddy ang twag nya at super spoiled sya sa asawa qo. Sis,pasasaan pa't malalampasan mo rn ang lahat ng yan..God bless you at sa baby mo.magdasal ka lang palagi at tatagan mo ang loob mo pra sanio ng bby mo.

Đọc thêm

We are on the same boat, sis. Kapit lang. All of the things na nangyayari satin ngayon, isa lang ang sigurado. Mahal at ipinaglalaban tayo ng baby natin. Imagine, sa kabila ng lahat ng problema,stress at paulit ulit na pag iyak natin, never tayo iniwan ng baby natin. Kasi they are meant for us. Kaya natin nararanasan tong problema na to kasi sila yung darating sa buhay natin. Kumbaga it's all worth it. Pray lang sis. Pray, pray and pray. Hindi nattutulog si Papa G. Aabot tayo sa point na magtatanong na tayo na bakit ako, ano bang kasalanan ko bakit nangyayari sakin to. Pero tandaan mo, kung ano man yung nawala mas higit dun yung darating. And isa sa mga nagpapalibang sakin, share ko nalang din is yung pagsagot sa mga ganitong thread. Somehow, nalalabas ko din yung bigat sa dibdib ko and yung mag iinspire ka sa kapwa mo na don't give up, minsan message ko na din sa sarili ko. Masarap sa pakiramdam. Kaya nga natutuwa akong sumagot at maging active sa mga conversation na ganito. Kaya sana ikaw din. We may not feel it but we are loved. Laban lang tayo ha. 😚😚😚

Đọc thêm

Same tau sender sa panganay ko iniwan dn kami ng husband ko as in nung binuntis ko panganay ko nangibang bansa c husband ko di pa kami kasal nung panahon na un di ko alam kung babalik paba siya sa akin samin ng anak ko.as in wala akong kamag anak na nasandalan kahit magulang or kapatid kasi kinakahiya nla ako dahil naanakan lang daw ako pero mabait ang panginoon pino provide niya pa dn ung pang araw2 namin ng pinagbubuntis ko andon ung nag uulam ako ng bagoong na isda para lang magkaroon ng laman ung tiyan ko andon ung doon nalng ako natutulog sa cr kasi pinapalayas na ako ng mga ka boardmate ko kasi ala na akong pambayad at pang ambag sa bahay na ne rentahan.. Ang tanging kakampi ko lang sa panahon na yun walang iba kundi ang Panginoon kausapin mo siya lahat ng nasa puso mo lahat ng bigat ibigay mo sa kanya nang sa ganon tulungan ka niyang dalhin..may awa ang Diyos mga 7 months ung tiyan ko nun may tumawag sa celpon ko tatay nang pinagdadalang tao ko at asawako ngaun dininig niya panalangin ko kaya pray ka lang wag ka mawalan ng pag asa..

Đọc thêm

Hi mommy, Marami akong friend na single mom pero hindi nag end ung happiness and life nila don. Simula nanganak sila, nag simula na yung panibagong buhay nila kasama yung anak nila. Sobrang proud ako sayo kasi pinipilit mo kayanin lahat ng pain and lungkot. Indescribable yung pakiramdam, alam ko po mommy, and sobrang proud ako kasi di mo nakakalimutan si Lord sa oras na nahihirapan ka. Magiging maswerte ka kay baby mo and maswerte siya kasi lahat ng pagmamahal mo, maibubuhos mo lang sakanya. Kayanin mo pa ha? Kapag gusto mo ng kausap, Ichat mo lang ako mommy. I search mo ung name ko sa fb, Freshh. Yan yung name ko, pwede ka rin mag vent out sakin. Naramdaman ko rin ung lowest points ko nung nasa first trimester ako (2nd trim nako ngayon) and tungkol sa daddy rin. Nag aask ako lagi kay God ng strength and hope para makayanan ko yung everyday. And Di ako binigo ni Lord. Hehe okay naman nako ngayon mommy and maniwala ka and be patient, I bibigay din sayo ni Lord yung kasiyahan mo. Kayang kaya mo yan mommy. ❤️❤️❤️ Be strong palagi!!

Đọc thêm
Influencer của TAP

Kaya mo yan sis. Yung sister ko single mom din sya. Halos itakwil din sya ng tatay ko, di sya pinauwi ng bahay nung nalaman nangyari sa kanya. Until nakitira sya sa friends nya. Nung last trim nya, sa tita konna sya tumira. Luckily, sobrang bait ng tita ko pero syempre iba pa din if sa sariling pamilya ka nakatira. Nagpakatatag kapatid ko para kay baby,wala din sya work nun at ung bf nya, wala din kwenta. Nanganak nga sya isang cup noodles lang dala nung bf. Eventually, natauhan kapatid ko at hiniwalayan si bf. Humingi sya ng sorry sa father namin and pinauwi na sya. Nung una, ni di matingnan ng ttay namin si baby pero eventually, naging ok lahat. Nagsikap din kasi kapatid ko, nagrest sya 2 months after manganak then nagwork na sya. Mahirap talaga sa umpisa, pero ngyon 1 year old na pamangkin ko, and guess what, sooooobrang love at paborito sya ng tatay ko. Time heals everything. Ganun talaga ang magulang siguro pag nasaktan. Magiging mga magulang din tyo at maiintindihan din natin bkit.

Đọc thêm

Haysss. Napaka relatable naman mommy. We're on the same boat 😪 Same situation mommy, so alam ko feels mo. Don't worry. Kaya natin to. 💕 Si baby natin na ang magbibigay ng happiness satin, kaya wag ka na masyado malungkot. Nararamdaman din ni bby pag malungkot ka. Marami na ang nakapagsabi sakin, di man ngayon. Pero may plano si God para satin. Ironic, kase ako nag aadvice sa iba samantalang even I can't turn my frown upside down. Pray ka lang parati mommy. Di nya tayo pababayaan. Nagkamali man tayo ng minahal. May dadating naman na magmamahal satin ng lubos. At yun yung baby natin mommy. Let bygones be bygones. Hayaan mo na yang stress na yan. Ienjoy mo nalang yung pagbubuntis mo, kase kalaunan masasanay ka nalang din. Pain makes us stronger mommy. Always remember na may family and friends ka. May app din na to, welcome ka mag vent out ng feelings mo. If that would make you feel better. Godbless sayo mommy 💕

Đọc thêm

Una sa lahat tanggapin mo ng taos puso ang sitwasyon mo kse kung ndi mo ttnggapin madme tlaga mga salita o bagay ang mgpapadown sau. Always pray kay God na patatagin ka niya. Same tau ng sitwasyon sa una maskit tlaga dpt kung iiyak ka siguraduhin mo sa srili mo na yun na ang last na iiyak mo para saknya. at humingi ka ng tulong sa parents mo normal lng na mgslita sila ksalanan nten ii nd nmn nila kagustuhan yun pero magulang pdin nten sila nd nila tau mtitiis ako nga adopted child pa nd ko talga totoo magulang sinuportahan ako kaya ikw kaya mo yan.. nd mo na maalis yun mga salita ng matatabil ang dila ang priority mo na lng ngaun ang anak mo panu mo siya mapapalaki ng tama atska pag lumabas siya makakalimutan mo na yn sakit puro saya kasama siya mararamdaman bsta tatandaan mo palagi tanggapin mo kung ano na sitwasyon mo ngaun. Laban lng darating din ang panahon hihilom din yan..

Đọc thêm

The moment you stop caring what people say and think about you is also the moment na tataas ang self esteem mo. You don't have to be stress na nawala yung tatay ng baby mo. Take it as a blessing in disguise na as early as now nakilala mo na kung anong klaseng tao sya. And about your family, please also be reminded na when you got pregnant at di nakatapos indi lang sarili mo ang nadisappoint at nasaktan. Sila din my dear. Please pray for you to have the right mindset in facing this new chapter of your life. Hindi ka man naging mabuting ganito o ganyan sa paningin nila. Pero pakita mo na para sa anak mo you will do your best para maging mabuting ina. God bless. Stay strong and keep on praying. If your bf left you. May isang never kang iiwan and that's God.

Đọc thêm

same situation tayo sis. alam mo nakatulong sakin na maka move on e yung mga kaibigan ko na nag sasabi na hindi ako ang nawalan kundi sya. isipin mo na lang na nangyari saatin ito dahil mas ginusto ni Lord na hindi pang habang buhay natin maranasan ang sakit kapag kasama yung taong walang kwenta. tama ka ipag dasal mo yan kailangan yung hate,pain at bitterness isurrender natin sa kanya. kasi isipin mo si baby si baby mag susuffer lahat nyan. hindi ibinigay ng Diyos saatin ang baby kung alam nya na hindi natin kakayanin. Laban lang mommy. kaya natin to!!! i'm not saying na 100% move on na ako pero everyday ginagawa kong kalimutan lahat ng nangyari at ienjoy ang pag bubuntis ko ❤️

Đọc thêm

Hi sis...yung ginawa ni baby na magalaw sa tyan mo sign yun na maging matatag ka dn,lahat naman tayo nagkakamali at hindi na maiibalik ang dati ang importante ang hinaharap dba nga sabi sa kanta "There's a rainbow always after the rain"lilipas din yan...focus ka kay baby ilabas mo nalang sa kabila yung naririnig mo na masasakit at ipunin mo yung mga magaganda mo na naririnig para magamit mo para maging malakas ka..lagi mo tandaan (Psalm 55:22 "Cast your burden on the Lord and he will sustain in you; he will never permit the righteous to be moved")be humble lang sis at maniwala ka hindi ka nya pababayaan magugulat ka nalang isang araw...ingat kayo lagi ni baby..God bless

Đọc thêm