Miracle Baby @ 33 Weeks ♥️

Anaiah Elisha BW: 1.630kg EDD: March 14, 2020 DOB: Jan 18, 2020 Share ko lang experience ko sa second born ko, sobrang selan ko nung pinagbubuntis ko sya. 6mos pa lang sya sa tummy ko nung nagstart magleak yung amniotic fluid ko, bed rest din ako for 3 weeks tapos pagdating ng Jan 6 this year, inissuehan na ako ng early maternity leave dahil nagopen na agad cervix ko and nag 1cm agad ako @30 weeks. Then last Jan 13, nagleak na ng nagleak yung fluid ko, takbo agad kami ng hubby ko sa ER, tapos konting monitoring then nirefer kami sa ibang hosp since wala daw incubator dun sa hosp na pinagchecheckupan ko. Nung nakalipat na kami dun sa hosp na nirefer, ang sabi ng OB dun is kailangan ko paabutin si baby hanggang 34 weeks kasi kung ilalabas ko sya agad ng 31 - 33 weeks, maliit lang chance na mabuhay sya. Ewan ko ba, naging motivation and cause of stress ko din yung sinabi ng ob sa amin. Then Jan 18, 8pm, hilab na ng hilab tyan ko pero tinitiis ko muna kasi ayoko pa manganak, 33 weeks pa lang kasi sya nun. Tapos inIE ako ng ob then 4cm na agad ako, pinababa ako sa labor room para sana imonitor hbeat and turukan ako ng labor anesth para mapigil yung paglalabor ko since dpa nga sya time para lumabas. After 2hrs, inIE uli ako then 6cm na ako, nagdecide na yung ob na kung magtuloy tuloy man e wala na kaming magagawa, kailangan ko nang ilabas si baby dahil nauubos na din yung water sa loob. Tapos around 2am iniinterview ako ng anesth and ineexplain nya sakin yung ituturok na gamot sa swero ko, tapos hindi ako umiire kaso lumabas na yung half ng ulo ng baby ko, nagmamadali yung mga ob na duty nung time na yun kasi nabitin yung paglabas ni baby. Nung nakalabas na sya, sobrang liit nya lang, para syang tuta na kakapanganak lang. Then nagstay sya sa NICU for 9 days, tapos meron syang gamot na tinuturok sa IV nya worth 28k. Iniisip ko nun okay lang kahit lumaki ng lumaki bill namin basta makasurvive si baby ko. Praise God at hindi sya tinubuhan kahit medyo hirap sya huminga and may mild pneumonia sya. Ngayon nakauwi na kami sa bahay, halos 20 days kamj nagstay sa hosp na yun and yung bill namin umabot ng around 90k+. Sobrang happy lang ako kasi wala talagang makakapagsabi ng buhay ng tao, kahit pa mga expert sila, si Lord pa din ang nagbibigay ng buhay at Siya lang may alam kung hanggang kailan lang tayo sa mundong to. Nakaka amaze lang talaga mga kilos ni Lord lalo na sa mga panahon na hindi inaasahan ??

52 Các câu trả lời

yes .God is the author of our Life . He can do miracles always . congrats sa inyo . halos same tayo ng EDD ako eto claiming normal and safe delivery and we are both healthy . God is Great

Congrats and totoo yan God has his plan for every creation that he made dito sa mundo and your baby para sa inyo talaga sya . Sobrang nakakainspire ang story mo.ang thanks for sharing . Godbless

Praise God. Napakabuti nyang tunay. Ang kwento mo sis ay isang patunay ng kadakilaan ng ating Panginoon. God bless you and your baby. Stay healthy baby.

VIP Member

Sis pano mo po nalaman na nag 1cm ka na? May naramdaman ka ba before ipa IE? Thanks po. 1st time mom here, wala kasi ako idea

Wala po e, dapat check up ko lang yun, nagkataon inIE ako nung dra tapos dun nalaman na 1cm na ako kaya inadmit din ako for 3 days then turok ng dexamethasone 🙂

congrats mommy. beautiful ni baby, lalo na lip nya 😍😍 god bless ur family ang stay healthy.

congrats mommy and baby...god is good...para xa tlga sa inyo...take care...and god bless always

congrats po momsh at kay baby. napaka brave naman ng baby na yan.. 😘😘

VIP Member

YES MOMSH! TRUE THAT. GOD IS GOOD ALL THE TIME! ❤️❤️❤️

God is really good. Congrats! God bless you and your baby. 😊

God is good ! Salamat at naka raos na Kayo ..palakas ka baby ..

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan