So greatful to have a supportive mom! ❤

Aminado kame mag-asawa na wala talaga kaming sapat na ipon for my pregnancy due to pandemic. On call lang kase lagi sya sa trabaho at napaka bihira lang din nya tawagan. Nagkakasabay sabay pa lahat ng bills at may motor pa na kailangang hulugan (service ni hubby papuntang work) Kahit anak ako ni mama, hindi parin mawala sakin yung hiya pag manghihiram ako sa kanya ng pera. At dahil kabuwanan ko na next month kailangan makompleto ko na lahat and I don't know how to tell her na wala pang kagamit gamit si baby. Kanina lang, nagulat ako nung biglang inabot ni mama yung mga essentials na kakailanganin namin mag-ina, since wala naman akong sinasabi sa kanya. Nangingilid nalang talaga luha ko. Nagbabalak palang kase kame mag-asawa na magsabi kay mama ko na manghihiram ng pera, and surprisingly binili na pala nya lahat. (hindi kame makaasa sa biyanan ko ngayon, kase walang wala din sila, nanghingi din naman sila ng pasensya.) Napaka terror ni mama, as in super. Kaya lahat kame magkakapatid takot sa kanya. Pero ngayon na magkakaapo na sya, halos lahat sya ang nag provide. Wala syang sinasabi na utang namin un. Pero bilang respeto dahil nag asawa na nga kame kailangan parin namin bayaran dahil hindi na dapat kame naasa sa kanila. Si mama din pala nagbayad ng philhealth ko na almost 4k. Bumili din sila ng lupa malapit dito sa kanila, para pagtayuan daw ng bahay namen next year. Ayaw din kase na malayo sa apo, first apo kase nila. Napaka blessed ko to have my mom. ❤ Sana mabilis ko lang naiprocess ang sss maternity benefits ko, para makabayad agad ako kay mama. #1stimemom spread the love.

So greatful to have a supportive mom! ❤
41 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

swerte din ako sa mommy ko kasi kahit di naman ako nahingi kusa nya binibigay. Minsan nahihiya na ako tanggapin pero iniinsist nya. Yung mommy ko parang bestfriend ko na. Di kasi ako mabarkada. Swerte natin at napaka caring at thoughtful nila 😊♥️

Thành viên VIP

Ganyan talaga mga Nanay, sakin naman kahit di sila makapag abot financialy yung effort at pag aalaga nya samin mag iina at pag nanganganak ako sya nag aasikaso samin kasi nasa malayo sa hubby sobrang sarap na sa feeling na may nasasandalan kami.

God bless you and your mom. I'm on my 34th week today pero di pa namin nasasabi sa parents namin ng partner ko na buntis ako. Luckily napag kakasya naman ng partner ko yung sahod nya sa lahat Ng needs namin at ni baby, pati na rin sa rent.

Thành viên VIP

Same mamsh, swerte ko sa mama ko tsaka rin sa mama ng partner ko 😍 Si mama bumili ng crib ni baby tapos yung byenan ko bumili ng isang set na damit ni baby. 💕

ang sweet naman ng mama mo sis. ang nanay talaga ay hndi kayang tiisin ang anak. sakin nasa probinsya, matanda na pero gusto nya alagaan magiging apo nya.❤

..i like ur mom...pareho cla ng mama ko...mahigpit man sya minsan pero mraramdaman mo ung pagmamahal...salute sa mga mommy na mapagmahal sa mga anak...

sakin naman byenan nung 6 months plg panay bili na ngayon kumpleto nako ☺ siya lahat bumili ng mga gamit ni baby, first apo kase ❤

Thành viên VIP

Same tayo mommy. We are so grateful talaga to have a mom like that and dapat ganun din tayo sa babies natin ❤️

Same tayo mommy!! Sobrang swerte ko sa family ko. Halos sila yung nabili ng gamit ng baby ko. 💖🤗

Ung biyenan ko po sobrang bait tlaga halos sya Ang sa sagot lahat NG gamit namin NG baby ko.. 😊❤️