fight or flight?

almost 2 years na kami ng bf ko. may 3 months old baby na kami. late ko na nalaman na he has been cheating on me throughout our entire relationship. from the start of our relationship, he's been contacting his ex saying na mahal na mahal pa nya ito. been meeting with other girl "friends" behind my back. and pag nag aaway kami, nabasa ko sa fb nya na nag hahanap sya ng ka one night stand. sobrang daming kasalanan sakin ng bf ko. everytime he cheats, iniinsist nya na akk yung nag chcheat saming dalawa. takot sa sariling multo, sobrang praning nya. sya ang nag rereply sa mga nag chchat sakin sa fb, he keeps unfriending guys from my friendlist (kahit yung classmates/ naging classmates, friends, and mutuals namin pareho). sobrang toxic nyang tao. i tried my best para intindihin nalang sya para walang pag awayan. when got hired sa work nya, nagkaron sya ng flirtmate don. nung kinausap ko sya about don, sabi nya kasalanan ko kasi nagagalit daw ako sa kanya pag late sya nauwi and that he lacks inspiration in me kaya dun sa girl nya hinahanap. nag away kami about don, ewan ko kung galit na galit ako or hormones lang pero umabot sa point na nagkasakitan kami. i was 8 months pregnant that time. yet sinasaktan nya parin ako. fast forward manganganak na ako. 1 am di ako maka tulog kasi i was in labor. sobrang sakit ng contratcions ko natually ginigising ko sya kasi nag woworry ako. di ko alam na manganganak na pala ako. nagagalit sya kasi inaantok sya so di ko sya maistorbo non. nag labor ako magisa. sobrang hirap pala nung walang nasuporta sayo, no one to help you. hirap na hirap ako and yet he's sound asleep. hanggang sa nanganak na ako. kakauwi ko lang galing ospital tinadyakan na nya ako kasi may pinag awayan kami non. pina aasikaso ko sa kanya si baby kasi naiyak, nasakit pa tahi ko kaya pinakisuyo ko muna sa kanya. months passed and may pinag awayan nanaman kaming babae. before pa non, meron pa ulit. hanggamg sa sinapak nya mukha ko. nagka blackeye ako, and still recovering from ppd. at this point wala na akong maramdaman love. puro galit nalang. and it worries me. kasi ayoko lumaki si baby na walang daddy. pero wala na yung love. for our baby's sake nalang kaya di pa ko nakikipag hiwalay. and ngayon nagagalit pa ako pag clingy na sya sakin kasi nandidiri na ako. iba na yung feeling ko towards him. sabi nya mag babago na sya pero on the looks of it, wala naman nag babago ?. what should i do? makipag hiwalay naba ako? or should i keep my family together for our baby's sake and sacrifice my happiness. thank you sa makakapag advice ?

24 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

FLIGHT. Once or Twice is enough na sana, pero andami na pala. Never ever magstay para sa baby, humingi ka na lang ng sustento para sa bata, pag ayaw magbigay idemanda mo. Wag mo sayangin ang panahon mo sa kanya, hindi din maganda na makalakhan ng bata ang ganyang klaseng lalaki. Wag na wag mo babalikan ang ganyang klase ng tao, uulitin lang niya yan sayo.

Đọc thêm
Thành viên VIP

binububugbog kana, magsstay ka pa? Utak ang gamitin please wag puro damdamin. Ang dami daming single mom jan natataguyod nila mga anak nila. Iniisip mo walang tatay anak mo, eh pano kung anak mo na ang saktan niya, magsstay ka pa ba? Isipin mo karapatan mo bilang babae at asawa. Hindi ka dapat pumapayag sa pambubugbog na ginagawa ng asawa mo.

Đọc thêm

Mas gusto mo ba lumaki yung baby ko na walang love yung parents nya sa isat isa.kung ako, I chose to leave. Mas OK na saken na mag hiwalay kami ng asawa ko. Kesa maging punching bag ako at makita ng anak ko kung gaano ka worst ang daddy nya.ikaw na mismo alam mo na toxic cyang tao. Gusto mo pa din maki sama sa taong toxic?

Đọc thêm
Thành viên VIP

sorry to hear what you've been through sis. napakahirap but based on what you've said, I suggest sis you choose flight instead of to fight. you've been fighting for so long already. focus ka na lang po sa new bundle of joy niyo na si baby. ♡ but this is only my opinion, the decision is still up to you. God Bless you sis.

Đọc thêm

i will choose to leave kung ganyan lng din. hindi healthy lalo sa bata. mas magkakaron ng negative effect sa kanya. and besides hindi lahat ng buo ay masaya at di lahat ng broken fam ay miserable yan n lng isipin mo. nasa sayo n un kung pano mo mapapalaki ng maayos ang anak mo ng solo ka lang

Thành viên VIP

Sis kung may kasama ng pananakit better think. Siya na may kasalanan tapos babaliktarin ka pa. Magpalamig ka muna sis para makapag isip isip ka. Test mo ung reaction niya pag umalis ka. Dyan mo na masusubok kung talagang magbabago siya.

keep your family for what? diba Kong IKAw Lang naman nag iisip nA family kayo?kong Wala ng harmony ANG isang bahay at Wala kanang peace of mind at Paulit ulit na sa pagloloko si partner,ano dapat gawin,diba? nasayo padin po desisyon.

Pag nagstay ka sa relasyon na di ka masaya sayang lang ang buhay mo.. Mas ok pang palakihin mo anak mo ng mag isa mas magiging masaya pa kau kht wala ung ama nyang walang kwenta. ✌️

Makipaghiwalay ka na ngayon din and the next time na sasaktan ka pa ulit nya, pumunta ka na sa police. Hindi nyo siya kailangan sa buhay nyo ng baby niyo.

Thành viên VIP

in my opinion, iwan mo na sya kesa dumating sa point na pati baby ay sasaktan nya pero decision mo parin since gusto mo lumaki baby mo na may tatay..