Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mommy of a beautiful little angel
Cleaner
Mga mommies, anong mas prefer nyong panglinis ng crib, mats and toys ni baby? Tinybuds Natural Nursery Cleaner Nature to Nurture Multipurpose Cleaner I hope na mapansin. TIA
Survey For Mommies
Anong mas gusto nyo? A. Batang gising na antok na antok na pero ayaw matulog at magpababa B. Batang tulog pero ayaw magpababa
Precious Gift - Long Post
I know it's so late. But still wanted to share with you our precious gift because this community helped me a lot during my pregnancy. ADAIAH NATHALIA EDD: January 11, 2020 DOB: December 25, 2019 3:52PM 6lbs via SCS 38thweeks frankbreech singlecordcoil Naka schedule na ako for CS ng December 28, 2019 dahil sa suhi si baby. Pero nung December 25, 2019 after kong maligo, nakaramdam ako ng kaunting cramps at pangangalay ng balakang. Pero no pain. Kaya before lunch niyaya ko si hubby na pumunta ng hospital for check up at nag message din ako kay OB. Nagulat pa si OB kasi alam nyang may schedule na kami. Pagdating ko sa hospital, interview tapos NST. Later may nagtanong na kung may name na ako para kay baby at kung anong last kung kinain tapos pinaghubad na ako. Sinuotan ng cover. Ang bilis ng mga pangyayari. Pati si hubby pinagsusulat na at pinapakuha na ng room. Wala kaming dalang gamit. Yung hospital bag namin ni baby na ilang beses kong inayos nasa bahay dahil plan ko lang magpa check up. Hahaha... Sa sobrang bilis nagtanong ako kung that day na ba ako icCs. Sabi ng nakausap ko, yes maam at 2:30pm po as advise ng OB nyo. Nagulat ako, tinanong ko ulit, pwedeng malaman kung bakit. Sinabi sa akin na si OB na lang ang tanungin ko. That time sobrang taas ng bp ko. 170/90 pero wala akong nararamdamang kahit ano. Marami pang eksena, but to make it short. Tulog ako during the surgery. Last kong narinig, andyan na si dra. Nazareno. At first kong narinig ay iyak ng baby, palakpakan at congratulations. Naisip ko that time. Buti pa yung baby umiiyak. Sana yung baby ko din. At narealize ko nung medyo okay na ako, na ako lang sa DR at iyak ng baby ko yung narinig ko. Nung nilalapag si baby sa akin pilit akong dumidilat para makita sya. Pero hindi ko talaga kaya. Kaya si hubby ang unang nakakita kay baby. Nung makita ko na si baby sa room namin, wala akong naisip na salita. As in speechless talaga ako. Pero teary eyed. ? During the delivery, sobrang nahirapan ang OB ko na ilabas si baby kasi nagco contract na ako. Kaya hindi sinasadyang mabanat ang right arm ni baby. Kaya hindi nya nagagalaw yung right arm nya nung pagkakita ko. Pero thank God kasi as of today, naiinat na ni baby ang right arm nya. May lakas na din ang grip nya. Tapos may gasgas sa leeg at dibdib si baby nun kasi na cord coil sya. Wala yun sa lahat ng ultrasound ko. Tapos nasu suffocate na si baby kaya kinailangan pang dagdagan ang hiwa sa akin. Nasa pinaka sulok ng right side ko si baby. Siksik na siksik talaga. Habang sinasabi sa akin ni OB yun. Ramdam ko din yung guilt nya dahil sa nangyari sa right arm ni baby. At first time yun sa buong panahon na naging doktor sya. Pero positive ako that time. Inangkin ko na walang problem. Kaya thank God talaga. Sobrang happy ng OB ko nung makita nya ang improvement ni baby. Need lang namin syang patuloy na paarawan kasi medyo severe ang jaundice nya. Kaya yung puti nya sa pic, waley na. Hahaha... Sorry sa mahabang post. Thank you sa app, sa community, sa kapwa ko mommy kasi marami akong natutunan. ???
Scheduled CS
Hi mga mommies! Ask ko lang, scheduled CS na ako. Nire-require ako ng ob ko na mag keep ng dugo sa blood bank ng hospital before my operation. Sa mga na CS na, kasama po ba talaga yun? Thank you.
Cetaphil For Newborn
Hi! Mga mommy ano po ang mas magandang gamitin sa 2 na cetaphil for newborn? Thank you!
When To Buy Breastpump
On my 35th week. Kailangan ko na bang bumili ng breastpump? Iniisip ko baka hindi kasi mag fit ang mabibili ko. Was planning to buy a wisemom brand.
Earrings For Baby Girl
Ask ko lang po kung saan nakakabili ng earrings for baby. Plan ko kasing pahikawan na sya pagkalabas. Thank you.
Maternity Photoshoot
Hi mga mommy! Ask ko lang kung may alam kayong nagpapa rent ng condo near lrt buendia to pedro gil na pwedeng magpa photoshoot na around 2k lang. Thank you!
Myra Lotion
Hi mga momshie! Pwede ba ito sa tummy ng buntis?
Spotting
Hi mga momsh. Help lang po. I'm 29 weeks pregnant. Kaninang umaga pag cr ko dito sa work, nakita ko sa washable pantyliner ko na may spotting ako. Pero sobrang kaunti lang. Then meron ulit sa undies ko dahil tinanggal ko na nga yung pantyliner ko. Wala akong pain na nararamdaman. Na contact ko na si ob and i monitor ko muna saka pinainom ng pampakapit. May nakaramdam na ba dito na feeling nila may parang gumuguhit or nagpupush sa vagina nila. Pero walang pain. Mostly nakakagulat lang.