75 Các câu trả lời
I feel you sis, more than 4 years kami umasa. 3 yrs. ako nagfolic sabay hilot at take ng pampaegg. Now lang 2019 January, consult ulit ako sa ibang o.b., may PCOS ako and retroverter matres ko kaya daw hirap ako magbuntis. Nagmedication ako for 1 month at pahilot 2x sa ibang manghihilot bawal daw pala laging hilot kasi malalamog daw ang matres natin. Feb. 20 mens ko at tamang tama patapos na ang gamotan ko. Dumating partner ko 24☺ (OFW kasi sya) 25 nagpahilot ako need daw kasi yun sabi ng manghihilot after ng mens natin. March nagbakasyon kami somewhere in Mindanao. Pagbalik namin end of March may spot eh nasa biyahe kami kaya baliwala ko lang kasi time naman talaga yun ng mens ko. Dina kasi ako nag-expect na mabuntis agad dahil nga nagtreatment pa ako. 1st week ng April, almost 1 week lagi nasakit puson ko at di na kasi lumakas ang regla ko nung may spoting ako sa biyahe pabalik ng Manila. Naisipan namin magPT katuwaan lang namin kasi may nadaanan kami na Watson☺ madaling araw kinabukasan, nagtest ako ayun POSITIVE na para bang nanaginip lang ako kung totoo ba nakita ko😭😭😭 36 weeks preggy ako now and we pray maging normal nawa lahat saamin ni Baby🙏 in short sis, ipagkaloob satin ng DIOS ang mga hiling natin sa tamang panahon at sa di natin inaasahan, magtiwala lang tayo at wag mawalan ng pag-asa. Pray always and just relax at wag mag-isip ng kung ano2× nakakatulong din para hindi ka mastress.
share kolang ganyan din ako dati halos 4 years akong ganyan lalo nat irreg ako lagi akong umaasa lagi akong umiiyak kasi akala ko meron na talaga kaso wala pa 🥺 dumating na din sa punto na sinabi ko nalang sa sarili ko na baka di na talaga ako mag kakababy sinabi kona din sa live in partner ko na baka diko siya mabigyan ng baby 😭 4 years naming inaantay asa punto na kami ng buhay namin na sinabi naming dalawa na baka baog ung isa samin HAHAHA pero last year di dumating mens diko lang pinansin kasi irreg naman ako minsan umaabot ng 3 to 4 months bago dumating kaya diko lang pinansin 😊 tapos naka ramdam ako ng lihi ayaw ko kumain ng karne nag susuka ako kada gabi pero diko padin pinansin 😂 kasi akala ko ung ulcer kolang 🥴 pero nag taka nako kasi halos 5months nakong walang mens kaya nung december 3 bumili nako ng pt pero ang nasa isip ko negative nanaman to dahil nasanay nako HAHAHA di na ako umaasa 😊tapos nung december 4 nag pt ako dun ako nagulat kasi nag positive😭😇🥺❣ nung una di.pako naniwala akala ko invalid ung pt ko HAHAHA pero positive talaga 😭❣😇 kung kailan dimo inaasahan saka din ibibigay ni god sayo promise kaya ngayon mag enjoy ka nalang muna habang dipa niya binibigay sayo 😊 worth it mag antay !!!😭 trust the process !!! 🥺 lagi kalang mag dasal mas maganda ung plano ni lord kaysa sa plano natin❣🥰 7months nako ngayon ❣
Napgdaanan ko yan sis.,galing ako sa miscarriage 17 weeks.,mula nun kada buwan ilang ulit akong nagpi PT negative.,buwan2 parang hinihiwa ang puso ko tuwing dinadatnan ako, may isang pagkakataon nun na delayed ako pro may spotting.,grabe ung takot ko sis, ung tipong pinapagalitan ako ni hubby kasi takot na akong gumalaw o umihi kasi nung nakunan ako wala naman akong ibang naramdaman.,naiihi lng ako pro dugo na ang lumabas tapos nakunan talaga ako.,dun ko na realize sis na cguro kaya d pa ako binibigyan kasi dpa talaga ako emotionally ready na mabuntis ulit.,kahit gustong gusto ko na pro may trauma pa pala ako.,dpa pala ako handa, d ko pa pala kakayanin ang emotional stress na dala ng pag bubuntis.,after kung narealize yun para akong nabunutan ng tinik sa dibdib sis.,mula nun nag relax ako.,isinuko ko ang lahat sa Dios., tinanggap ko na mas alam pala talaga ng Dios ang maganda para sa tin😊 Pray lng sis.,relax and surrender mo lahat ky GOD.,ibibigay nya ang inaasam ng puso mo sa tamang panahon kung kelan alam nyang ready kana😊
Hi sis my PCOS ka po ba? Usually po kasi sa my mga PCOS, nararamdaman yang gnyang symptoms. Na experience ko din yan before nung kasagsagan ng PCOS ko. And my friend din ako na gnyan din PCOS din ang findings sknya. Ako sa ngayon sis, treated na ang PCOS ko and 19wks preggy na po ako :) need mo lang sundin ang sinabi ng OB mo na take metformin and folic acid 3x a day. Then, if overweight ka usually kasi sa my mga PCOS is over weight. Ako aminado ako from 70kg to 55kg ako bago ako mag buntis. Sinabayan ko po ng KETO and Intermittent Fasting. Kasi ang pinaka main reason bakit tayo nag kaka PCOS bukod sa genes is pagkain ng unhealthy food like carbs. Kaya KETO talaga ang nagpa treat ng PCOS ko. Only 20grams of carbs ang need lang kainin sa KETO diet. Meaning, no bread, cracker, and rice. :) kaya mo yan sis. Kasi nagawa ko. Sa ngyon mag focus ka sa pag rerepair ng inner cells mo :) goodluck :) tingnan mo after ilang months doing KETO Diet mabubuntis ka na nyan. :)
pray lang sis ibibigay nya din yan in God perfect time . 4 years kami ng hubby ko mag try na magkababy always akong nag ppray sa kanya na sana bigyan nya kami kasi gustong gusto na ng hubby ko na mag kababy na kami naka ilang try kami pero laging negative ang lumalabas sa pt masakit talagang umasa sis lalo na kung gustong gusto mo nang mag kababy pero tiwala lang sinabi ko nalang sa hubby ko na hintayin nalang natin kung kelan nya tayo bibigyan huwag na natin sya kulitin about dyan hanggang sa d na kami umasa pero thankfull ako kasi bago ako magbirthday may maaga na syang pa gift sa akin we found out na pregnant na pala ako wala akong kaalam alam and now 7 months na akong pregnant thankfull talaga kay God kasi sinagot nya na ung dasal namin kaya tiwala lang kay God sis bibigay nya din yan sayo
Never lose hope, sis. Always pray and believe it will happen in God’s perfect timing. 🤗😘 Kwento ko lang sayo sis yung kwento sakin ng husband ko nung nasa bangko siya - may isang babae sa bangko, may edad na siya at kakapanganak lang niya. Very proud siya sabihin sa teller na “eto kakapanganak ko palang kahit matanda na ako. PAGGUSTO MO TALAGA MAGKAANAK, IBIBIGAY DIN YAN SAYO”. Kaya nung kinuwento sakin yun ng husband ko, maluha luha ako. Minsan talaga ang Diyos binibigyan tayo ng pagsubok para mapatibay ang faith natin sa kanya. Yung 1st baby ko nawala sis last December 2018 tas pinagdarasal ko talaga na sana bigyan ulit kami, after 5 months eto I’m 11 weeks pregnant. Kaya wag ka mawalan ng pagasa ah - HAVE FAITH. 💕
Happened to me too. Akala ko buntis na ko kasi I felt all the signs/symptoms pero nung nag-PT ako last November negative, hanggang sa nagtuloy na nga sa period yung akala ko spotting lang. After that month though, di na ulit ako nagka-period. I thought nagloko lang cycle ko. Yun pala I was pregnant na. I waited till 2 months na di ako nagkaka-period to take a PT kasi nga I was disappointed last time sa negative na result. Thankfully, I'm 5 months pregnant now. Don't lose hope. Pray lang. God gives us what we ask for, in His perfect time. I found na it also helps to keep track of your menstrual cycle para alam mo kung kelan ka fertile at yung days na high ang chance na makabuo kayo. Maraming apps for that. Wishing you luck ❤
Share ko lang :) 10yrs na kami pero di parin ako mabuntis. So, last May 2019 we decided na magpa checkup sa OB. May mga test na ginawa sakin at kay Mr. Sa kanya ay sperm count, mababa nga kaya pinag vitamins sya ng "CONZACE". Then sakin naman ay Folic Acid. Then may procedure na ginawa, una pinag TransV Ultrasound ako, normal naman daw. 2nd procedure ay yung Saline Infusion Sonohysterography (SIS), then ultrasound ulit, normal talaga ung ovulation ko, tamang timing lang daw talaga. Then tinuruan ako ng OB ko ng calendar method. Tapos dapat gawin sa malamig na lugar. Tapos si Mr. dapat di expose sa init or mainit/ maalinsangan na lugar. Hayun, heto 8weeks & 2days pregnant na 😊
Wow congrats po. Nakakatouch at sarap balikan ang alaala nung time na paramg nawalan na ako pagasa na mabuntis. But God is good all the time 🙏
Lahat ng bagay nangyayari ng may mabuting dahilan. E enjoy mo lang bawat opportunity at wag malungkot kung may gusto ka na di mo pa nakukuha. May mga bagay na gusto natin pero di pa nakakabuti sa atin. May mga bagay na ayaw natin pero yun pa ang nakakabuti sa atin. No one knows what's ahead except Almighty God. Magtiwala ka lang. In God's perfect time, ang para sayo ay para sayo. Ipanalangin mo na kung di pa nakakabuti sayo ang mabuntis ka, sana makabuti na para mabuntis ka na. Best luck. May Our Creator guide us to be the best mother to raise a righteous child.
I feel you sis. One time sumuko na ako. as in grabe yung pag iyak ko sabi ko sige Lord ikaw nalang bahala kung kailan kasi pagod ba po ako umasa at masaktan every month. Pero ang galing talaga ni Lord kasi after a month biglang delayed ako ng 5 days ang pag pt ko preggy na pala ako.. Ang dami namin pinagdadaanan ni baby ngayon (3 months preggy) pero nagpapasalamat parin ako kay Lord kasi kung kailan sumuko na ako saka niya binigay. Pray lang ng pray Sis. Alam ni God kailan niya ibibigay satin. 😊
Bootyful