Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mother of Baigold
Paano ako nagiging POSITIBO in this uncertainty?
Gusto ko lang po ibahagi ang story ko kung paano ako nananatiling positibo sa kabila ng pandemic. Una, palagi ko iniisip na ang mga bagay na nangyayari sa akin, sa ayaw at sa gusto ko ay ang nakakabuti sa akin. Sino ba ang tao na ayaw sa mabuti? Pangalawa, kailangan ko isipin na ang oras ay mabilis ang pag-ikot. Wala na ako ibang pwedeng gawin kundi isipin kung ano ang kasalukuyan para mapaghandaan ko pa ang bukas. Pangatlo, ginagawa ko ang ano mang pwede kung gawin para hindi mapalapit sa isang bagay na pwedeng magdadala sa akin ng sakit. Pang-apat, pinapakiramdaman ko ang sarili ko kung ano ang pangangailangan nito. Walang makakapagsabi kung kaya ko ang isang bagay o hindi kundi sarili ko lang. Ako ang nakakaramdam sa sarili ko. I do not rely to others' perception or opinion about me unless nararamdaman ko na rin na manhid ako sa ano mang mga nararamdaman ko. There, saka ko kinakailangan mag consult sa iba o expert. Panglima, pinapasaDyos ko na lang ang ano mang estado ko dahil alam ko na ang Panginoon lang ang may control sa lahat. Hindi mangyayari ang mga bagay bagay ng wala Syang pahintulot. Pang-anim, palagi ko pinapaalala sa sarili ko na wag nang pansinin ang mga bagay na hindi naman nakakabuti. Pang-pito, pinipilit kong magdasal parati dahil maliban ito sa sugo ng Dyos ay alam ko na ako ang may walang hangganang pangangailangan sa Kanya.
Pagdidisiplina
Kailangan bang mamalo ng bata?