PAMAHIIN

Ako lang ba yung sawang-sawa na makarinig ng mga gantong pamahiin? 'Dapat yung kanan una mo lageng pinapadede, kanin kasi yan. Yung kaliwa tubig'. 'Wag mong padedein anak mo pagtapos mong maligo madedede yung lamig, magkakasipon yan'. Aside sa breastfeeding may ganto pa. 'Ay dapat pinainom mo ng tiki tiki yang anak mo una pa lang'. 'Ay yung sina ano wala pang isang buwan umiinom na ng tubig.' Tapos pag sasabihin mo yung naresearch mo sa, halimbawa, no need na po mag vits pag bf kung wala din vitamin deficiency si baby. Bawala pa po tubig pag wala pa 6mos, possible po mapunta sa baga kase more on water pa po katawan ng mga baby. Tapos sasabihan ka pa 'Ako nga apat anak ko kesyo ganyan'. Nakakasawa na lang marinig minsan. Kahit gusto mo sabihin yung alam mo wag na lang. As if naman gagawa tayo ng mga bagay na alam naten makakasama sa mga anak naten. Haha!

9 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Sabihin mo, "e di wow" haha. O kaya "good for you". Tama yung nabanggit mo sa water, hindi ito inaadvise pa habang walang 6months ang bata. Meron talagang mga ganyan. Pero, ikaw ang masusunod sa anak mo. Judgement mo yan as a mother, choice mo kung anong paraan ng pagpapalaki mo. Wala kang ibang taong pakikinggan maliban sa pedia ni baby, at mom mo. Just be polite na lang, smile and say thank you sa mga (epal at unsolicited) advices nila. The more na kontrahin mo, mag-dedebate lang kayo 😂

Đọc thêm
6y trước

True. Kahit FTM, iba e, may instinct agad kahit walang kaexpe-experience, parang may feeling na alam mo ang gagawin mo para sa anak mo, alam mo kung paano sila icocomfort. Good job mommy 👍

I feel you. Meron pa nga lalawayan ang baby sa noo or sa tyan at bago mausog. Sinasabihan ko na di ako naniniwala sa usog, baka lalo pa magkasakit ang baby ko sa laway nyo. Nagalit. 7 daw anak nya at malalaki na. Lumaki daw sa laway. Sabi ko kung ok un sa inyo sa kin hindi.

Thành viên VIP

Hi mommy. Ayoko rin ng ganiyan lalo na if mama ko na nagsabi. Minsan naiinis ako kasi iniisip niyang wala akong alam dahil First Time Mom. 😅 Pero since ikaw ang mother, your baby, your rules. You know what's good for your baby. Just ignore them para iwas stress. Ingat. 😊

6y trước

Ako mommy yung MIL ko lage nagsasabe nyan mga yan. Hinahayaan ko na lang. Haha! Ako grateful naman ako sa mama ko kase lahat ng gusto ko for my baby sinusuportahan naman nya. But ayun na nga. Our child, our rules. Di naman tayo magdedesisyon na alam naten di maganda for our babies

hahaha natawa po ako sa kanan kanin ba yun? tapos kaliwa tubig..., wala nmn po masama sa pagsunod sa mga pamahiin pero yung iba po kasi parang walang basehan para sundin😅

6y trước

True mommy. May mga pamahiin talaga na need sundan. Di yung mga walang basis talaga haha

Ako nga di pa buntis, wag daw uminom sa bote, wag daw magsuot ng necklace, at kung ano ano pa. Lalo na siguro kung buntis na at may baby. Kalurks.

Dami din ako naririnig na kasabihan nung preggy ako hanggang sa manganak..puro oo nalang ako pero di ko naman sinusunod..ba'la kayo dyan 😂

Ako ang sagot ko dyan eh "sabi po ng doctor" so natatahimik na lang ung makukulit

haaay tama ka dyan mommy di lang pala ko nag iisa 🤣

Influencer của TAP

😂😂😂