Mama ni Partner (Not my MIL)
Ako lang ba dito nababadtrip sa mama ng partner ko? Alam na kase nya na magastos ang magkababy pero hingi pa din sya ng hingi ng pera sa boyfriend ko. 2 months na lang manganganak na ko pero wala pa kami ipon para pambayad ng hospital bills. Boyfriend ko lang ngtatrabaho samin kase nag-aaral pa ko. Di rin ako makhingi sa family ko kase pinapag-aral na nila ko at sa private school pa ko. Tapos ngayon yung asawa ng mama nya na stepfather lang ng boyfriend ko di nagtatrabaho tapos inaasa ngayon sa boyfriend ko bayad nila sa upa. Nai-stress talaga ako sa family nya kase parang gusto ata nila iasa sa family ko gastos sa baby namin porket dito kami nakatira sa bahay ng family ko. Sorry po nashare ko dito, wala kase ako mapagsabihan :(