FINANCIAL ( IN-LAWS)

Hi, uhm I just want to share my situation to y'all. So ganito po yan, wala na ko family then yung boyfriend ko inaya ako na magsama na kami, nung una ako lang may stable job, panget kasi mga napapasukan nya. So niyaya ko sya na mag apply sa ibang company na above minimum magpa-sahod. So ngayon may stable job na din sya, regular na sya don mag 1 year na din. So ang set up namin kanya kanyan kami ng pera, nagbibigay ako tulong sa bills and groceries tapos sya lahat ng sahod nya sa mama nya. Then nitong March lang, nabuntis na ko. High-risk pregnancy ko kaya kahit work at home pinagbawalan ako ni OB mag work. Super thankful naman ako kasi supportive sila kahit wala ako work, wala akong nadinig na kahit ano. Ang set up namin ganun pa din, lahat ng pera ng boyfriend ko mama nya naghahawak. Sakin wala namang issue yun, di ko pinapakialaman pera nya since may sarili din ako na pera saka gusto ko makatulong muna sya sa family nya na pinagtapos sya ng college, kasi nahihiya din ako na kakatapos lang nya ng college, di pa sya nakakatulong nag asawa na agad sya. Pero pag naikukwento ko to sa iba, sinasabi nila dapat daw di ganun. Bakit daw buong sahod binibigay sa mama nya. Gusto ko lang po hingin opinions nyo. Kasi sakin okay lang talaga although minsan napapaisip ako sa sinasabi nila. Yung sa pagbukod naman, wala pa po kami balak bumukod, ayaw pa ni boyfriend and ayaw din ng mama nya. For me okay lang din kasi kung bubukod kami mas malakong gastos tapos wala mag aalaga sa baby namin. Kumbaga mas praktikal na yung ibayad namin sa rent at iba pang gastusin pag bumukod dito na lang sa bahay nila. Sarili kasi nila tong bahay, bali ang bills lang namin tubig, kuryente. Then groceries and gas pag naubusan. Masaya naman ako kasama family nya, wala namang issue sakin. Gusto ko lang makuha opinion nyo when it comes to handling my boyfriend's finances. Sa tingin nyo, okay lang ba na laging ganun? Palaging lahat ng pera nya nasa mama nya?

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

For me ha, okay lang kasi inaalagaan ka naman nila diba? Kumbaga since wala namang issue sayo sis, then wag mo na lang isipin sinasabi ng iba. Ganyan set up nyo eh, iba-iba naman set up ng mga tao. Siguro if someday nakabukod and kasal na kayo tapos ganun pa rin, yun yung mali.

4y trước

Thank you, sis. May nagtanong kasi sakin kahapon kung magkano naipon namin, sabi ko wala kaming ipon. Yung pera ko meron pa naman, pero pera ni boyfriend wala ako idea kasi mama nya naghahawak lahat. Sabi nila dapat kaming dalawa na daw nag iipon. Never pumasok sa isip ko na pagsamahin pera namin unless, magpakasal kami automatic na maging conjugal lahat.