hindi naglilikot kapag kay hubby
Ako lang ba ang nakakapansin na kapag kinakausap at hinahawakan ni hubby yung baby bump ko hindi naglilikot si baby, parang nahihiya. Tapos kapag ako lang ang kumakausap sa kanya at naghahawak sa baby bump tsaka sya naglilikot? ?
Sakin din ganyan. Sabi ko pa . Gumagalaw galaw talaga siya hon hawakan mo, pero pag hinawakan niya na . Hindi naman daw hahahaha 🤣😂 ewan ko ba 🤣😂
Minsan ganun si baby, pag hawak ni hubby yung bump ko di sya malikot, minsan isang beses lang ,tapos minsan malikot kaya yung tatay nya tuwang tuwa din😁
Sakin ganun before.. 😄😄 Pero ngayon pag nkahiga na kmi sa gabi tas hinihimas ni hubby ung tyan ko. Nagpapasikat na sya.. hehehe Galaw2x din sya..
Same 😂 like nung last utz ko nandun daddy niya sa loob. Nakadapa daw si baby ayaw magpakita. Pero nung 1st utz ko todo posing si baby 😂
Haha same. Kala ako lang nakaexperience nyan. Pero ngayon medyo bati na sila ni baby. Pero minsan moody pa din sya 😂
Relate ako sau sis. Gnyan din bb ko pg hinahawakan na ng tatay nya. Parang ang damot dw mg paramdam ni bb. Hahaha
Yes, ganyan din baby ko. Pag ipapahawak ko yung tummy ko sa iba dahil malikot sya, bigla syang pipirmi. Hahaha
Hehehhe ako din po kaya Nag Tatampo Partner ko Hrheheheh Kasi Pg saakin daw Nag gagalaw Pag sia Di daw
Same! Tampururot na nga si hubby eh, parang umiiwas daw si baby haha! Ano kayang explanation sa ganto?
Saken mas madalas na active sya kapag andyan daddy nya .. Kinakausap kasi sya ..
Expecting the 2nd one