Wrong timing pero blessing?

At the age of 15 wala na akong right ovary at fallopian tube due to ovarian cyst. after 4 months lang akong naka pahinga may tumubo na namang cyst sa left ovary ko. aka ko noon wala na talaga akong chance magka baby. I was so blessed na hindi natanggal ang natirang ovary ko, pero hindi na siya whole. Meron akong borfriend 2 years na kami nag sasama. tanggap niya ako kahit ganito ang sitwasyon ko. tanggap na niya na hindi ako mabubuntis kaya nag plano kami na in the future mag aampon nalang kami. last year nagpa ultrasound ulit ako, may tumubo na naman na maliit na cyts pero sabi ni doc, wag mag alala, change ko lang diet ko at magpahinga at wag magpa stress.. bilang studyante at 1st year college na ako ngayon di talaga mapigilan ma stress. september 24, 2019 nagpa ultrasound ulit ako kasi sumasakit na naman puson ko. natatakot na talaga ako kapag sumasakit puson ko baka may problema na naman. laking gulat ko Normal lahat, wala akong problema pero sumasakit ang puson ko kahit tapos na period ko. sabi ni doc baka UTI lang or na stress. October 6 first day of period ko sana pero walang dumating. sinabi ko agad sa boyfriend ko at sabi niya baka late lang daw ? ganyan kasi ako minsan, umaabot ng 5-6 days late ang period ko. di ko alam anong pumasok sa isip ko gumamit ako ng pt, i waited 3 minutes and then i was so shocked kasi 2 lines pero faint ang isa. yung boyfriend ko naman di maka paniwala, sinabi niya sakin. negative kasi daw faint line lang yan wag tanga ? kaya ayun binaliwala ko nalang. hanggang sa umabot na talaga ng 7 days late october 13 kaya bumili ulit ako at ginamit. di talaga ako makapaniwala 2 lines talaga at mas klaro na siya ngayon ? 18 years old palang po ako, subrang saya ko kasi di ko inakala mabubuntis pa pala ako, pero natatakot rin kasi di to matatanggap ng papa at lola ko ? di ko alam pano ko ito sabihin sa kanila.

 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời