After 40 weeks and 4days and she's out
EDD: May 3 2020
DOB: May 7, 2020
Weight: 3.5 kg
Via NSD pero may tahi ??
Share ko Lang mumsh experience ko.. sa totoo Lang ansaket saket tlga hahaha.. Lalo na sa lying in Lang ako nanganak.. and this is my first child ? contractions ko nagstart Nung 11:30 PM then nagcontinue sya na 5 mins. Apart na hanggang 2-5 mins apart nlng.. inantay ko Muna na until 2 AM at nagpadala n ako dun.. and oag IE skin 5 cm na daw ako.. pero d pa pumutok panubigan ko kaya dpat antayin pa daw.. starting from 3 AM dun n tlga ung grbi kasakit na contractions.. na halos nagwawala n ako sa skit agad na umiiyak n ako at napapaire ako sa skit...snasabhan ako na wag mag ire Kasi maubusan daw ako Ng lakas.. pero d ko tlga mapigilan.. tpos un mraming dugo na lumalabas skin.. pero Wala pdin daw lumalabas na panubigan skin.. d n tlga ako mapakali sa sobrang skit.. akala ko nga mamamatay n ako pero sge ako ka continue na pag ire.. na patahimik unti.. until nakaramdam ako na may nag pop atska prang may lumalabas na tubol.. Kya dnala na ako sa delivery room.. pag upo ko sa birthing chair at pagtingin nila ulo na pla Ng baby ko Yun.. then after 3 push nailabas ko na sya at 5:38 AM kahit na Mahaba tahi ko.. iba parin feeling na nahahawakan ko na baby ko na sa tyan ko nagasipa sipa ngayon NASA dibdib ko na nagasipa sipa ?
Anyway.. malaking pasasalamat ko tlga Kay Lord na nakaraos na ako at sngot panalangin ko na makaraos ako.. anyway Goodluck sa ibang mumsh out there na manganganak this May and sa susunod na months ??
Diana Rodriguez