first baby

6months preggy ganun po ba talaga di mawala sa icp kung pano ilalabas ang baby mhirap po ba manganak ?

38 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Haha naalala ko yung di pa ako nanganganak panay ang nuod ko sa youtube ng mga technique para sa paglalabor tapos kabado na praning. umabot pa ako sa point na sinabihan ko yung bf ko na pano kapag diko nakayanan, alagaan nya nalang ng mabuti baby namin HAHA 😂 tapos yung nanganak ako biglaan eh kasi papacheck up lang talaga dapat kaso inadmit ako kasi 4cm na daw unprepared ang inday kahit nakaadmit nako di pa din nasink in saken na manganganak nako plus di pa nahilab tyan ko kaya parang di talaga nasink in kaso yung nalagyan nako ng pampahilab ang nasa isip ko nalang malabas ko ng safe yung baby, ganun pala kapag nanay kana ang iisipin mo nalang yung magiging safety ng anak mo. sobrang hirap mag labor, mahirap, masakit every hilab may mag IE pa sayo. wag ka nga lang talaga umire ng maingay kasi mapapagalitan ka baka masabihan kapa na "mommy di sa bunganga lalabas ang baby." breathing technique need mo pag aralan din. tama din mga doctor mas madali umire kapag di ka maingay 😅 ayun share ko lang po. 😊😊

Đọc thêm
Thành viên VIP

. . ganyan din aq non.. Lage q iniisip kung papaano q xa ipapalabas eh parang d naman xa kasya sakin .. Peru talagang nilakasan ko lng loob ko non ..pagnasa delivery room kana kasi ang goal mo na is maipalabas mo sya kaya tudo ere kana non... Nawala na sa isip mo dati yong negative...

wag ka muna po mag isip ng kubg ano no maiistress ka po at c baby pag dumating namn na po ung time na un sis kakayanin mo po un..ng di mo alam kung pano mo nagawa super mom tau eh😂😂😂

Influencer của TAP

Mommy, ganan din ako nung sa first baby ko. Ang nahirapan ako ay nung labor pero nung lumabas si baby ewan ko ba pero parang may lumabas na jelly sakin, di sya ganun kasakit.

Thành viên VIP

Naalala ko tuloy nung nanganak ako sa panganay ko, Ang ingay ko umire di daw dapat nakabukas yung bibig pag na ire kaya pinatakpan ng doctor yung bibig ko asawa ko. 😂😂

Ako din momshie first baby rin ako 6months na din ako kagaya mo pero sigruo laht nmn dumadaan sa hirap diba. Kaya stay strong lang momshie. Magiging okay rin lahat 😊

Me too before. First pregnancy me is normal then second via Emergency CS of my twins. Kahit takot na takot me nalampasan naman. Masakit pero lilipas din.

6y trước

Wow. 😲😅😁❤️

oo mahirap pero ang nasa isip mo mailabas mo n c baby kasi nakakainip mgintay .. but wait .. emergency cs pala ako .. ahahaha

Wag mo isipin na mahirap, isipin mo kaya mo. Para ke baby, ganyan din iniisip ko hehe.. Dika papabayaan ni god..

Influencer của TAP

Mahirap talaga manganak. Buhok mo lang di masakit hahaha. Pero kakaya natin naman pag andun ka na 🤗👌