40 Các câu trả lời
opo ganian din sakin parang busog lang ako sabi nga nila hindi daw halata gusto ko sabhin sa kanila na "wala kasi ako bilbil, at sexy pa ako yung hindi pa ako buntis" hahaha ngayung 4 months na ako biglang laki sya😍😍 d na ako pagkamalan na hindi buntis😂😂
Nung 3months ako kung di lng ako nagselan maglihi sis di nila lam buntis ako. Ngyon 5months na medjo naghalata na maliit dn kasi ko mgbuntis fit kasi nung dlga tapos firsttimemom.. pg 5months sis lalaki din yan baby bump mo kasi every hour gutom ka.
Yes, normal lang po na maliit ang tummy lalo na pag FTM at depende na rin kung malaki or maliit ka magbuntis. Usually magiging noticeable na ang bump between 5-7 months.
yes . ganyan din ako sa panganay ko.yung mga kapitbahay ko nalaman nalang na may baby sa bahay nung naiyak di daw nila alam na buntis pala ako nun haha.
may ganun po talaga mommy. di talaga lakihin tiyan. 3 months narin ako yung tiyan ko parang bilbil lang. 😄 pero atleast okay kayo ni baby pareho
Sakin sis 4months na nahalata baby bump ko hintay ka lang lalaki din yan 🥰💕 tpos cherish every moment na malaki pa tyan mo hehe
1st time mom din here. nung 3 mos si baby para lang akong busog. Ngayong 5 mos mukha paring busog pero masasabi na ng iba na buntis. ☺
Normal lang po yan as long as healthy naman si baby sa loob and kayo rin po ay healthy. Mga bandang 6-7 months biglang laki po yan.
Normal lang po, karamihan kasi ganyan. Maliit din tiyan ko sis, saka lang siya lumaki at nahalata nung nag-6months na.
Yes po, ako po going 5 weeks na pero medyo maliit pa din. Sabi po ng OB ko, normal lang daw po na maliit pag panganay.