no breastmilk.

3 days old na si baby pero no breastmilk pa din ako . nkakaiyak lang kahit gusto ko sya ipurebreastfeed wala akong magawa dahil di nasasapat ung milk ko para sa kanya . kaya napilitan kami bumili ng milk para mag bottle feeding sya . but i'm still trying na ipalatch sa kanya ang dede ko . kahit patak lang . nagwawala talaga sya . haaaayyy #breasfeedingmom #2ndbaby

23 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ganyan din ako dati umiiyak nako sa stress ang ginagawa ko pump lang ng pump kahit wala lumalabas masakit na pinipilit ko tapos pina pa dede ko kay bebe wala parin nalabas kaya nakikidede muna sya sa kapitbahay naman na nag papa bf din hanggang sa dumating yong time mga after a week ata nag ka gatas din ako. madami ako ininum at kinain para mag ka gatas. mag sabaw ka lang parati at massage mu breast mo po magkakaron ka din

Đọc thêm

may nakita po ako sa FB na video drip drop method po ang tawag...si baby pinapa latch sa dede ng nanay tapos unti unti pinapatak yung formula milk para dumaloy kasabay ng pagsipsip ni baby....mukhang matrabaho at kailangan ng tulong pero looks effective sa pag stimulate ng gatas ng nanay at the same time di ma nipple confuse si baby sa bottle feeding....

Đọc thêm
Thành viên VIP

Ganyan din po ako sobrang na stress kasi feeling ko wlang nkukuha si baby sa akin, kaya ni formula ko siya pang back up lang. Pero pinursigi ko talga mg pa Dede sa awa ng diyos my breast milk na ako ngayon 7days na kami ni baby. more water and sabaw saka ng malungay capsule din po ako.. Godbless mommy wag kang susuko😊😊😊

Đọc thêm

just continue to padede pa din sis kasi ganun din si baby ko 2months mix po sya Breastfeed and formula but nung nag 3 and half months sya nag exclusive breastfeed na sya sakin umayaw na sya sa formula untill now breastfeed po sya. sis bili ka po ng motilium Domperidone for 2weeks 3x a day then milo po with oatmeal.

Đọc thêm
4y trước

natural lang sya na parang nakukulangan sila satin kaya di natin maiwasan na mabigyan natin sila ng formula. pero at the end hahanapin parin nila ang milk natin.

padede lang ng padede mommy kahit walang nalabas at kahit masakit na nipple..1week din ako bago lumabas gatas ko kaya napilitang magbottle si baby for 1wk..pero ngayon EBF na kami ni baby..Go lang mommy kayo nyo Yan ni baby..try mo Po sandwich hold ng breast mo para maganda pagkakasipsip ni baby.

Ganyan din ako mommy before kaya napilitan din ako formula si baby, pero di ako sumuko kaya unli latch then pump then pa diin ako then pag tulog si baby massage ko yung breast with towel na binasa sa luke warm water, kay ngaun mag 2mos na si baby pure breastfeeding na sya. 😊🤗

try mo po maglaga ng malunggay ganyan din po ako 3days walang milk iyakan talaga kami ni lo. ang ginawa ko po yung pinaglagaan ng malunggay yun ang ginagawa kong tubig. sa milo, sa kape sa gatas. wala naman pong after taste mommy kaya maeenjoy mo pa din

😅buti nga sayo 3rd day may patak. ako kahit anong piga Wala.. hanggang 4th day pa. bawal formula kaya latch lnag Ng latch. wla ako ibang binigay. nagwawala.. pero ganun daw tlga sa una. my ihi nmn kahit wla akong formula n binibigay

Ma normal po na unti ang gatas ng bagong ina kasi maliit palang ang tiyan ni baby bsta may ihi at poop sya normal po un. Keep offering you boobs,make sure na kakaen ng healthy and more water at pamapagatas higit aa lahat avoid stress

i feel u momy lalo na nung nsa ospital pa kami ni baby, araw araw lahat ng mommy sa ward chinechek mga dede nmin kung may gatas kc nga bawal ang formula milk.,padede lng dw ng padede para magkaroon ng gatas, true nmn po.