24 Các câu trả lời
Pag gugupitan mo sya make sure na pull mo pababa nang konti ung likod ng daliri nya para lumabas ung kuko. Mas madali promise. 5 minutes kaya kong gupitan kuko ng baby ko sa kamay at paa kahit gising pa sya 😉 Sakto naggugupit ako ng kuko nya 😁
twice talaga nasugatan ko si baby noon.. huhu.. kaya lang pag di naman putulan katakot takot na kalmot sa mukha meron.. hehe.. habang tulog at maliwanag talaga dapat at yung papush pababa sa skin pra mahiwalay sa kuko ang paggupit tapos ifile.
Pag tulog po si baby tsaka ko sya ginugupitan ng nails para hindi malikot.. Medyo nakakatakot lang sa una kasi malambot lang nails nila, baka masama yung balat 😅kaya ingat ingat lang po 😁 try nyo din po pag mahimbing na sleep nya
Ako rin noon nahihirapan din ako magcut ng nails ni baby may time pa nga pati balat naisama ko kaya di ko na inulot yung husband ko na ang nagcut mula noon. Pero ngayon ako na ulit.Gupitan mo na lang pag nagssleep siya.
Sa first baby ko mommy sobrang takot pa ako so first 2 years nya gumagamit ako ng electric baby nail file/nail trimmer. Sa second baby ko kahit newborn sha ang lakas na ng loob ko gumamit ng regular nailcutter. :)
1 month pinutulan kona para matanggal kona ung gwantes at ng makahinga naman palad nya gupitan mo pag tulog na mas mahirap gupitan kapag malikot na inaagawa yung nailcutter 😁
Gupitan nyo po habang tulog si baby and much better kung may lamp kayo sa tabi para kitang kita nyo po. Use also glass nail file para kahit hindi nyo po sagadin yun gupit.
naku po sobrang hirap.. nadaplisan ko na c lo ayun lakas ng iyak kaya di ko na inulit.. si mister na nag gugupit ng kuko nya 3mos. na sya now..
Noong nag 1 year old si LO madali na syang putulan ng nails pero noong baby sya tuwing tulog ko lang talaga sya nagugupitan ng kuko.
22 months na baby ko hindi pa ako nakapag putol na koko nya ni minsan.😂 dinadala ko siya sa kapatid ko para putolan.