Unexpected C-section.
#1stimemom #firstbaby #pregnancy . Sino po mga cs mommies dito? Ano po mga experience niyo during and after cs? Subrang kaba at takot po nararamdaman ko ngayon. Kakauwi ko lang po galing Lying in at nalaman ko pong Oct23 pa pala yung Due date ko at hindi Oct25. Mas nakakagulat pa po dahil subrang laki daw ni baby kaya hindi ako pwedeng i'induce. Natatakot po ako subra! Pahingi naman po ng lakas ng loob mga mommy😭😭😭
Disclaimer: Long story but I hope maka help ma-ease ang worry mo. Ako sis, emergency CS last Oct 1. Induced labor ako for 6hrs kase 40wks na si baby pero hindi bumukas ang cervix ko. Hanggang 2cm lang. Kaya nagpunta na ang OB ko para sa CS. You’ll feel nothing after ka ma-sedate and maturukan ng spinal epidural. Sa case ko, 4AM nag start, tulog ako all through the process. Narinig ko lang yung iyak ng baby ko, naisip ko “ay nakalabas na” tumingin ako sa wall clock, 4:58AM tapos nakatulog ako ulit. Ginising ako para sabihin na tapos na, sabi ko lang “Thank you doc, thank you everyone.” Tas tulog ulit. Haha. Parang high na high. Nagising ako 8AM na, sa recovery room. Masakit sya super sa 1-2 day kase need mo pilitin na maka-utot, at makalakad. Wag ka mag alala may binder ka naman nyan at matibay ang pagkakatahi, hindi yan bubuka. Pero may tip ako sayo. Kapag tatayo ka wag mong ikuba ang likod mo, bitbitin mo yung tahi mo. Hingang malalim. Hold your breath. Tapos dahan dahan na straight body. :) Ako, nahirapan ako kase pagka alis ng catheter nahirapan akk umihi so puno na yung pantog ko, natutulak nya yung tahi ko kaya super sakit. Tulo talaga uhog ko sa iyak ko sa OB ko habang gina-guide ako papuntang toilet. Haha. Pero nung narelease ko na, manageable na ang pain. May pain killers naman na ibibigay sayo e & antibiotics para mabilis maghilom. Tama yung OB ko. It gets better everyday. 3 days lang ako sa hospital, bawal magtagal kasi dahil sa Corona. 10th day ayos na ako. Nakapunta na ako sa follow up check up ng baby ko e. Kayang kaya ko na. Lakad lakad is the key. Kapag kase natakot ka at pahiga higa ka lang, may tendency na bumuka ng konti tahi mo. :)
Đọc thêmAko mommy emergemcy CS dahil sa water break tapos 1cm palng ako 😅 from 3am hanggang 9pm 7cm lang inabot ko nilagyan nako ng evening primerose para bumuka nag squats nako sa ospital kaso wala and sina pwede abutan ng bukas dahil wala na tubig. Actually wala kang mararamdaman pag nag cs pagkastart ng doctors after a few minutes anjan na si baby 💕 yun nga lang ung anesthesia may side effect saken nag chichill ako before mag start ung operation na parang naiirita kasi itatali ung kamay para kang taka pakonsa cross 😂 tsaka during operation monitored ang vitals momsh. Mas mahirap ang recovery momsh kesa sa ma CS. Pero I suggest na wag i baby ung sugat dahil mas mahihirapan ka afterwards mas maganda igalawgalaw pero wag masyado ung sakto lang always wear girdle for additional support. Ask for assistance sa bawat pag higa at pag bangon. Need lagi ng support lalo na sa first few weeks. Pero ako noon nilalakad ko sa hagdan sabi bawal hahaha. Every morning lang namn pag paarawan ko si baby. After 3wks nag mall na nga ako hahaha. Kaya sabi nila para daw akong walang tahi. Pero lagi ako naka girdle doble kapag lumalabas ako. Wag ka matakot mommy, kaya mo yan! Goodluck Momsh!
Đọc thêmSa 1st lo ko, emergency cs. 3am nagwaterbreak, went to lying in pero they advise na magpunta ng hospital. "leaking bowl" yung term nila eh pero 1cm pa lang ako, medyo may kulay dugo na sa lumalabas na tubig. Pagdating sa hospital pinaglabor pa rin ako for normal delivery until 10am,pero hanggang 1cm lang talaga ako, until parang humihina na daw ung heartbeat ni baby kaya need na ako. i-cs. Hindi ko naramdaman yung pain ng paginject ng anesthesia kasi mas nangingibabaw ung sakit ng tyan ko hahaha. Pero ayon nakaraos naman. Ngayon sa 2nd ko eCS na kasi delikado daw pag inonormal ko, may possibility na bumuka ung tahi sa loob (2yrs after my 1st lo) at malalagay sa alanganin ang buhay naming dalawa, kaya di ako nagtake ng risk na inormal. This time, naramdaman ko ung tusok ng karayom sa likod ko hahaha kasi alam ko na ang mangyayari eh, pero saglit lang ung pain kasi after ilang seconds or minutes manhid ka na🤣. Fasf recovery talaga ako, after 24hrs i managed to stand na.
Đọc thêmAko po mommy na cs din nung oct.21 dapat maccs ako nang oct.24 kaso nung oct.20 nag labor nako gusto nang lumabas ni baby kaya yon tumawag ako kay doc then pinapunta akong hospital para daw ma Cs na Naglabor pa ako nang 35hours tapos na cs Hindi kona naramdaman yung mga tinusok saken kase mas ramdam ko yung hilab ni baby😂Pag pasok ko palang nang operating Room knock down agad😂Nagising ako nung narinig ko iyak ni baby😍💗Worth the wait🎊Tapos 2days pa hinintay ko bago makita si baby kasi bago protocol ngayon hindi agad makakasama si baby makukuha palang sya pag uuwi na worth it namn lahat😍💗Pati yung gastos😂namin Buks 1week na si baby Pag na cs ka hindi mona mamamalayan mabilis lang basta dasal dasal✊💗
Đọc thêmWag ka matakot mommy. Wala ka naman mararamdaman na sakit habang nag c-cs, mabilis lang din yun wala pa 1hr. After cs, alaga lang sa tahi, wag mababasa ganun tapos after 1 week di naman na ganun kasakit tahi basta wag ka lang ppwersa hanggat maari si baby lang buhatin mo. Lakas lang ng loob, mabilis lang yan tsaka better na rin wag ka na mag pa induce kasi dadaan ka pa sa labor tapos cs ka lang din. Mas ok na yung di ka na mag labor pa 😊
Đọc thêmomg...hindi po isa isa inaalis ang organs momsh si baby lang ang kukunin...kaya wala pa halos 30mins ang delivery process nun...pero yes, the whole process matagal talaga. kahit naman sa normal delivery sa labor palang matagal na...hindi ko din naramdaman yung injection sa likod na sinasabi. it was totally painless. yung last CS ko with the same OB, i was half awake, pero hindi ko ramdam habang tinatahi nila ako after maialis si baby kaya alam kong walang organs na inalis. Hindi ko lang alam sa ibang hospital or OB. Wag ka kabahan momsh. Isipin mo nalang safe kayo both ni baby. Fighting!
kaya yan momshie.. kaka-cs ko lang last week.. wala naman ako naramdamanf pain during the operation kahit na yung epidural injection.. mas nahirapan pa ako sa cutheter. pagwiwi. mahapdi pero keri lang haha. kinagabihan nautot na ako... kinabukasan pupu at kaya ko na maglakad mag-isa ako na rin nag-alaga ke baby.. parang di daw ako na-cs.. dahan-dahan lang sa pagbangon para di mabigla sugat at sumakit:)
Đọc thêmKaya mo yan Mommy. CS din po ako. Normal delivery din sana gusto ko pero hindi will ni God. Wala kang mararamdaman na sakit kapag inooperahan ka na dahil may ituturok sa likod mo. For me, hindi siya masakit naramdaman ko lang na may tinusok sa likod ko dahil siguro sa taas ng pain tolerance ko kaya hindi ko masyadong feel.
Đọc thêm1st time mom here! Scheduled CS ako since i have health condition to consider. Takot din ang nararamdaman ko habang papalit ung schedule ng operation. Pero, i surrender all my fear to HIM and pray. ☝🏻🙏🏻 I thank God kasi naging okay ang lahat. Hindi ka pababayaan ni Lord mamsh. Trust Him!
Grabe ang laki nga ni baby. Kaya mo yan momshie. ❤️ Papatulugin ka naman. After 30-45mins tapos na operation. :) As for the after-care, linisan lang lagi yung sugat to avoid complications. Your OB will give you specific instructions naman sa pag aalaga ng sarili.
Đọc thêmcs din ako sa first and second ko.pregnant ako now with third and scheduled cs din ito. wala kang mafifeel during the operation kasi may anaesthesia naman. magsuot ka ng postpartum binder after mo manganak para support din yun sa tahi mo. Congratulations in advance! 🎉
Khloe’s mommy