Unexpected C-section.
#1stimemom #firstbaby #pregnancy . Sino po mga cs mommies dito? Ano po mga experience niyo during and after cs? Subrang kaba at takot po nararamdaman ko ngayon. Kakauwi ko lang po galing Lying in at nalaman ko pong Oct23 pa pala yung Due date ko at hindi Oct25. Mas nakakagulat pa po dahil subrang laki daw ni baby kaya hindi ako pwedeng i'induce. Natatakot po ako subra! Pahingi naman po ng lakas ng loob mga mommy😭😭😭
kakayanin mo yan mamsh cs din ko sa panganay ko nung 2017, kapag nanjan ka na sa sitwasyon magiging malakas na loob mo. sobrang bilis lang nung sakin 15 mins lang nailabas na si baby. groggy lang ako nun hindi ako tulog ung recovery lang mahirap.
Hi Sis! kaya mo yan. CS ako nung Oct 21 lang. Okay naman ako as of now. Importante safe kayo ni baby. Matagal ang healing process pero nasa sayo yan. Ako kinaya ko naman agad right after the operation so kaya mo din yan. God bless you!
🙋♀️ako CS. 38weeks and 2days.. kasi sobrang laki na ng anak ko sa tummy ko. sakit yung injection sa spinal cord. then after that. masakit din yung tahi mismo. umiiyak ako every time na pinapalitan ako ng diapers. ✌
Đọc thêmwow ang laki, don't worry sis ok naman ang CS mag tiwala ka lang kay OB kasi ako may health condition pa nyan ah. ok naman day 1 nakatau na nga ako sa bed ko eh. day 2 nakalakad na ako papuntang cr.. oks na oks kami ni 👶 baby
No worries momshie ☺️ kaya mo yan... CS din ako, pray ka lang, wag nega, think happy thoughts, basta pray pray pray para mawala yung kaba mo... be strong, mawawala lahat ng worries mo pag narinig mo na iyak ni bby mo ♥️
Pray before operation. Nakakaba ang epidural. Pero pag na ilagay naman yon sayo, okay na. Wala ka ng nararamdaman. Mabilis lang din ang operation, before an hour tapos na yon.. Will pray for you and your baby. God bless!
hi sis, ako Schedule cs din ako nung aug . kasi close cervix ako 40weeks na Nun. Gising ako whole operation. 😂 then Saka lang ako nakatulog nung nasa recovery room na ako. good luck sis. have a safe delivery ❤
just pray before ur operation sis gnyan din aq nuon kinakabahan aq at my takot pro semper kialangan ntin mgtiwala ky God and everything will be gonna be alright Lalo na pg nasilayan muna si lo mu
ako po eCS. 39 weeks and 5 days. 1.5 days ako sa labor room pero hanggang 4-5cm lng.. ayaw bumaba ni baby kya nag decide c OB ko n CS nko. mejo kabdo ng onti tpoa gcng ako habng hinihiwa ang tyan ko
Cs din ako mamsh, kinabukasan lang umutot at nakaihi nako. Kinabukasan din nakapaglakad nako. Now 1 week na okay na okay na ako😘 Kaya yan mamsh para din sainyo ni baby😘