Wanna share my saddest story

#1stimemom #firstbaby June 22 2021 was my due date. June 23 may mag leak sakin na colorless but may kasamang dugo. Wala akong nararamdaman na kahit anong sign ng labor. Pinayuhan na kami ng iba na magpunta na nang hospital kasi baka panubigan ko na. 10pm of June 23 nagpunta kami ng district.si niem ako ang sabi 2cm palang daw umuwi daw muna ako bumalik nalang ako bukas. Kinabukasan ng umaga naglalad lakad muna ako. Kinahapunan bumalik kami. Si niem ulit ako ang sabi 2cm pa rin daw. Pina alis kami at ang sabi pumunta nalang kami sa mas malaking Hospital kasi wala na daw silang hospital bed. Kaya napag disusyonan namin na mag lying in nalang. 7 pm siniem ako dun ang sabi 4-5 cm na daw. Kaya pinayuhan kami na mag induced nalang. Dinextrose ako at tinurukan ng panghilab at nilagyan ng primrose at tinuran din yung dextrose ko na pampalambot ng cervix. 12:45am dinala nako sa delivery room kasi hindi ko na kaya yung sakit. June 25 1:15 am nalabas ko siya. Hindi siya umiyak. Kulay violet na rin siya. Sinuction siya at napaka raming dugo na nainom daw niya ang nakuha sa kanya. Nirive sya ng nirevive hanggang sa tumibok ang puso niya at tinakbo siya sa Bernardino General Hospital. Sobrang tuliro ako habang nakahiga sa kama di ko alam kung iiyak bako o ano. Hanggang sa natapos nako tahiin yung utak ko lumulutang. Dinala nako sa ward wala akong kasama, nadala ng kapatid ko yung cp ko kaya wala akong mapagtanungan. Dun bumuhos yung emosyon ko Dasal ako ng dasal na sana marinig na namin yung iyak niya na sana okay na siya. Ang hirap, ang sakit sa dibdib. Dumating amg hapon pinuntahan ako ng asawa ko at ng biyenan ko. Sinabihan daw ng doktor yung asawa ko na mabuhay man si baby lantang gulay na daw siya. Nasa amin daw kung tatanggalin na yung ventilator. Iyak ako ng iyak kasi bakit ganun bakit nangyari yun? Sobrang ingat ko lahat ng pinapagawa ng ob ginagawa ko Lahat ng vitamins iniinom ko. Alas 6 ng hapon nakalabas ako ng Lying in dumiretso kami ng ER ng bernardino hospital. Entrance palang nakita ko yung anak ko naka ventilator nakahiga sa kama at di gumagalaw. entrance palang bumuhos na luha ko parang gumuho na yung mundo ko. Di ko siya kayang isuko ng ganun. Hanggang June 27 sinuwab test siya wala siyang reaksyon ang sabi ng doktor brain dead na daw siya. Kinahapunan sinuri ulit siya ng neurologist doctor niya chineck yung mata niya wala ring reaction. Sabi 50-50 si baby. Iyak na ko ng iyak di ko na alam gagawin ko. May pinabiling gamot nagkakahalagang 7k mahigit para daw sa utak ni baby pero hindi pa sure kung eepekto ba ito. Pinasukan din siya sa ari niya ng tubo para makaihi siya dahil di pa siya nakakaihi simula mung June 25 ma itinakbo siya dun.Ni konting galaw wala rin. Sobrang sakit para sa isang ina na yung panganay ko ganun amg nangyari. Tumawag yung biyenan ko iyak ako ng iyak ako lang magisa sa er dahil yung asawa ko umalis para bumili ng gamot. Dumating yung biyenan ko at kapatid ko sa hospital ang sabi Tinawagan na pala niya yung asawa ko na wag ng bumili ng gamot kasi wala ring mangyayari sa baby namin mahihirapan lang siya. Mahigit 30 minutes dumating yung asawa ko tulala di nagsasalita nilalamig. Ang sakit. Sobrang sakit wala nakong ibang ginawa kundi umiyak. Sa loob ng mahigit dalawang araw nakita ko yung asawa ko araw araw naghahanap at dumidiskarte ng pera para may pangbayad kami at pang bili ng gamot. Nakikita ko yung pagod niya pero ni isang reklamo wala akong narinig. Parehas kaming kumakapit na gigising si baby pero wala. Sa ilang araw na pananatili namin sa hospital ilang beses siyang kinuhaan ng dugo pero di siya makuhaan kasi nawawala yung pulso niya humihina. Tinanong namin kung bakit ganun di na daw nag fo flow yung dugo niya. sa araw ding yun June 27 kahit napakasakit, napakahirap para sa isang ina. Napag disiyonan naming tanggalin na ang tubong bumubuhay sa kanya. Ang tanging makina na dahilan kung bakit may pintig ang puso niya. Wala na kaming ibang magagawa tatlong doctor na ang nagsabing brain dead or comatose na siya. Ang sakit sakit bakit ganun? Lahat kami excited sa pagdating niya. Lalo na kaming mga magulang niya. Lalo nako na ina niyang nagdala sa kanya ng 9months maghintay sa isang pagkakamali nawala sakin si Baby calix ko😭 Ako nagluwal, ako rin palang maglilibing sa anak ko. Gusto ko siyang sundan. Gusto ko na sumama sa anak ko pero naisip ko pano nalang yung maiiwan ko. Lalo na yung asawa ko. Kahit sobrang sakit. Wala akong magagawa kundi tanggapin. Sabi nga nila may plano ang Diyos. May dahilan bakit nangyari to. To my little Angel. Mahal na mahal ka ni mommy anak, miss na miss na miss na kita😭 patawarin mo si mommy pero alam kong masaya kana na nasa piling kana ni Lord at ng mga lolo at lola mo. I love you my Rylandrein Calix Aviel❤️ magkikita rin tayo anak. Mararamdaman mo rin yung pagmamahal ni mommy sayo hintayin mo lang si mommy ha. Salamat po sa mga nagbasa. Anyway findings po ng Doctor is Neonatal Asphyxia

35 Các câu trả lời

VIP Member

virtual hugs mommy🫂🫂🫂🫂🫂 masakit talaga sa isang ina na pagkapanganak mo ni hindi mo man lang nayakap paglabas sa tiyan mo sa akin 2 bata ang nawala sakin kulang sila sa pitong bwan nang ipanganak ko dahil hindi na sila kasiya sa loob nang tummy ko isang 3.7kg at isang 3.8kg tas kambal tubig pa ko sobrang laki nang tiyan ko unang lumabas si kuya Pj di pa developed totaly ang mukha niya para siyang si plankton dahil isa lang mata yung ilong niya parang kay squidward o kay spongebob, yung pusod niya halos malapit na silang magkadikit nung pangalawa dun lang siya humihinga sa pusod niya kaya nung pinutol pusod niya wala na siya, nagulat kami may isang baby pa kaya go pa din ako wala akong kaalam alam na wala na anak ko basta alam ko excited ako na makita at mayakap baby ko so eto na nga manganganak na din ako sa pangalawa suhi siya una pwet so need na hiwain pempem ko para magkasya si Pj so naluwal ko na umiyak siya natuwa ako kinilig ako sv q bat yung una di umiyak di nila ko sinagot basta alam ko excited ako so inunan naman aalisin sakin nilinisan na ko at inayusan so binuhat na ko nang kuya ko pahiga sa lilipatang kama sabi nila pahinga daw muna ko maya maya daw kakain na ko so iniwan nila ko saya saya ko kasi kambal natupad pangarap ko. ang di ko akalain wala na pala mga anak ko 2hrs lang nabuhay yung pangalawa, tas hinanap ko mga anak ko sabi ko need na nila dumede dahil ilang oras na tas niyakap ako nang mama ko lakasan ko daw loob ko wag daw ako manghihina tas ayun sinabi na nila sakin tas sabi ko sana pinayakap muna nila sakin hindi yung dinala na agad sa morge para kahit pano naramdaman ko init nila inabandona kami nang papa nila mas dobleng sakit yun. siguro dahil sa stress kaya nawala sila sakin. 10yrs na ang nakalipas may kaniya kaniya na din kaming pamilya nung papa nila di naman kami kasal at bata pa kami nun 19 palang kami so ayun, pakatatag ka lang mommy soon pagkakalooban ka ulit nang little angel ni God basta lakasan mo loob niyong mag asawa lalo niyo mahalin ang isat isa okay mamie😘😘😘 10 yrs na pala mga kambal ko nung july 9☺️ for me buhay pa din sila sa katauhan nang pamangkin ko na ka edad nila 🥰

VIP Member

moms npabyaan ka sa ospital kung san ka unang dinala.Pag tubig napo tumatagas dpat dikana pinauwi.. monitored na dapat yan kasi may oras yan momsh once maubos laht ng panubigan mo hnd na mkakahinga anak mo sa loob.. At kung wala kana panubigan at ung cervix mo walang oagtaas ng cm.. dpat emergency cs nayan dahil mahrapan na baga ng anak mo mkahinga sa loob.May chance pa snaa mabuhay yan kung na cs ka agad at hbd na inabot ng kinabukasan pa ng hapon. same situation sakin timagas panubigan ko april 7 ng mdaling araw.. ponag antay pako sa ospital kung san ako nagpapa chexkup.. ending pinalipat kmi sa malaking ospital . pag dating don asikaso ako agad.. turok agad gamot pampalakas ng lungs ng bata at dextrose kasi wala nakong panubigan.. sched nako agad cs after ma absorb ung dexa pampalakas ng lungs kasi 32 weeker lng baby ko.Pero after ako maahitan at malagyan cateter, lumabas na paa nya wala ko nrramdaman labor.Kaya pinili mainormal kahit breech sya.Paglabas nya violet na sya..Na revive pa sya at 5days sa nicu.. may malay sya pero wala syang boses pag umiiyak.Sobrang nhirapan unt lungs nya at nka sepsis na sya kasi wala nko panubigan halos.. Nka ventilator din sya.. April 12 dinalaw ko sya sa nicu.. sinabuhan nko ng doktor na dina mga sa lagay nya.. at need butasa. sa taguliran para mkalabas ung hangin sa baga nya.. di ako pumirma kasi lalo sya mhihirapan.Medyo iba narin kulay nya at wala syang malay😪 pinagpa sa dyos ko nlng.Paglabas ko nicu mins lang.. pina page kming mag asawa.. inabutan ko nirerevive na ank ko😪 sobrang sakin halos himatayin ako hbnag lumalapit sknya.Hnd na nya kinaya.. april 12 namatay sya. kaya naging lesson sakin na kung magbubuntis ako ulit pag panubigan na timatagas sakin.. derecho kami agad sa ospital hnd nako nagpapatagal sa bahay..Sa awa ni lord nagka ank kmi 2 babae after nung lost ko.. ngayon 35weeks nako at nadala ulit ako sa ospitl nung 28weeks dahil pre term labor.. naagapan namn agad.Pray kalang mommy at lagi mong tandaan na panubigan po ang isa sa mahlagang bumubuhay sa baby natin sa loob.

Ung 3rd baby ko ung namatay na 32weeker lng.. nasundan ng 2 healthy girl. 37weeks at 41weeks .. ung pang 6 kopo 14weeks lang.. nakunan ako ng walang signs.. nwalan lng sya heartbeat. Tapos ngayon po 35weeks ako.. nung June 3.. panay ulan.. kala ko dahil sa lamig lang pang ihe ako.. Kinabukasan ng June 4.. pag ihe ko may stain ako sa panty brown discharge at medyo nanainigas din sya na may ksmang hilab kya nagpnta kami ospital.. Close cervix ako pero naglalabor nako at pagka ie sakin may dugo na.Kaya pinainom ako agad ng 2 nifedipine pampa tigil ng contractions at isang shot ng dexa pampa mature ng lungs ni baby incase magtuloy tuloy labor.. 28weeks lng kasi.After ilan minuto nwala ung hilab nya kya nkauwi kmi at bedrest ako mula 28weeks hnggang ngayon.. niresetahan ako nung 30weeks ako ng duvadilan for 1 week lng.. ngayon wala na. waiting nlng kmi mag term atleast 37weeks pra mature na lungs.. nagpaoahinga parin ako at pinagbawalan ako maglakad lakad.. at gumawa ng pde ako matagtag.

Sending my virtual hug mommy 💞 Condolence mommy. Habang nagbabasa ako ramdam ko yung sakit, pagod, hirap, lungkot at pagmamahal mo. Ipagdadasal ko kay Lord na bigyan po kayo ni husband mo ng lakas ng loob na malampasan ito. May plano po ang Diyos para sa inyo. Kapag may nawala may dumarating. Trust in the Lord with all your heart and lean not on your own understanding; in all your ways submit to Him, and he will make your paths straight. Habang nagbabasa po ako narealize ko sa sarili ko na dapat habaan ko pa ang pasensya ko sa baby ko, kakapanganak ko lang at firs time mom din. Nitong mga nakaraang araw sobrang pagod at puyat ko dahil napakaiyakin ng anak ko at parang nauubos na ang pasensya ko sa pag aalaga sa kanya pero hindi pala dapat ganon. Dahil po sa post nyo natauhan ako na dapat pakamahalin at alagaan ko ang anak ko at hindi ako magreklamo. Stay strong mommy and always trust God. Surrender everything to Him ❤

be strong po.. iiyak mo lng sis.. tapos laban ulit.. may best plan c GOD.. nung nawala ung first baby q s tyan 12 weeks n cya dapat pero 6 weeks plang pagnaiultrasound cya nun mabagal ung paglaki nya at nung nawala heartbeat nya.. wala n nakunan n aq .. nawala n cya s loob...sobrang sakit at depressed ung naramdaman q.. d q matanggap .. I ask GOD y.. kc 3 years of TTC un n eh nawala p.. pero lam mo may plano c GOD.. kapit k lng.. there's a rainbow after the rain... after 2 months binalik nya din c baby nabuntis agad aq and now malapit n cyang lumabas.. praying ng safe and healthy cya.. laban lang sis..

I know how you feel. I lost my first born to sepsis. Premature baby at 32 weeks. I had to give birth kasi nag leak ang water bag ko, 11 days sya nasa nicu pero bumigay na rin sya. Sobrang hirap pero kelangan namin magasawa mag move forward. I take comfort in knowing that God has better plans for us. After 3 mos nabuntis ulit ako, sobrang pasasalamat namin sa Panginoon kasi biniyayaan nya ulit kami pero binawi nya ulit to. I had a miscarriage yesterday. Hindi ko alam ang dahilan nya. Andami kong tanong. Durog na durog na ko.

2 years dn po mahigit..kc gwa dn ng pandemic kya natagalan tlga.

10 years ago I lost my baby girl.. premature lang sya at 8 months.. pneumonia cause of death 7 days lumaban sa icu.... embrace the pain mommy surrender everything to our God one day gigising ka na lang na magaan na wala na yun sakit... And now I am currently 39 weeks pregnant again 😊 dont loose hope and faith may dahilan lahat ng nangyayari sa buhay natin just keep on trusting 😊🙏

Mommy, I’m so sorry for your loss. Muka pong nag leak na ang panubigan nyo nung nag pa ER kayo nung unang bes, sana po ay hindi na kayo pinauwi at pwede na po sana kayo iinduce or paanakin. May God comfort and heal you in this time of trial. Alam ko pong napakahirap at napakasakit po na mawalan ng anak. Sana po malampasan nyo po ito. Sending you hugs, healing and light.

naiiyak ako😭ganyan ang nangyari sa pinsan ko..pagkakaiba nio lng mommy nilaban mo pa xa hindi mo xa sinuko agad,pero ung sa pinsan ko wala na nung sinabi ng doctor na kahit mabuhay man xa magiging lantang gulay lng din,sinuko na nila agad..napakagandang bata ang lusog lusog tignan

Condolence po mommy 😭 naiyak po ako ng sobra. Tingin ko may kapabayaan sa unang ospital na pinuntahan nyo. Pwede ko po ba malaman anong ospital yun? Thank you for sharing po. Remember na lang po God has a plan for everything. Kung may mawawala, may papalit. hugz&kisses!

omg!! anak niyo pala ng dating classmate ko nung college. nakikita ko post niya and shinare ko pa yun. si baby salinas pala ito. 😢 mommy lakasan mo loob mo. may nawawala pero may pumapalit. ganyan po pala nangyari sa baby niyo. bakit daw po nagviolet na sya nung nailabas nyo??

pag naubos po kc ung panubigan ntin dpt non kasunod la2bas n c baby,pag ndi po lumabas c baby manga2nib na po buhay nya. gaya nyn nakainom n ng dugo kaya violet n baby nung lumabas...

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan