#1stimemom #firstbaby June 22 2021 was my due date. June 23 may mag leak sakin na colorless but may kasamang dugo. Wala akong nararamdaman na kahit anong sign ng labor. Pinayuhan na kami ng iba na magpunta na nang hospital kasi baka panubigan ko na. 10pm of June 23 nagpunta kami ng district.si niem ako ang sabi 2cm palang daw umuwi daw muna ako bumalik nalang ako bukas. Kinabukasan ng umaga naglalad lakad muna ako. Kinahapunan bumalik kami. Si niem ulit ako ang sabi 2cm pa rin daw. Pina alis kami at ang sabi pumunta nalang kami sa mas malaking Hospital kasi wala na daw silang hospital bed. Kaya napag disusyonan namin na mag lying in nalang. 7 pm siniem ako dun ang sabi 4-5 cm na daw. Kaya pinayuhan kami na mag induced nalang. Dinextrose ako at tinurukan ng panghilab at nilagyan ng primrose at tinuran din yung dextrose ko na pampalambot ng cervix. 12:45am dinala nako sa delivery room kasi hindi ko na kaya yung sakit. June 25 1:15 am nalabas ko siya. Hindi siya umiyak. Kulay violet na rin siya. Sinuction siya at napaka raming dugo na nainom daw niya ang nakuha sa kanya. Nirive sya ng nirevive hanggang sa tumibok ang puso niya at tinakbo siya sa Bernardino General Hospital. Sobrang tuliro ako habang nakahiga sa kama di ko alam kung iiyak bako o ano. Hanggang sa natapos nako tahiin yung utak ko lumulutang. Dinala nako sa ward wala akong kasama, nadala ng kapatid ko yung cp ko kaya wala akong mapagtanungan. Dun bumuhos yung emosyon ko Dasal ako ng dasal na sana marinig na namin yung iyak niya na sana okay na siya. Ang hirap, ang sakit sa dibdib. Dumating amg hapon pinuntahan ako ng asawa ko at ng biyenan ko. Sinabihan daw ng doktor yung asawa ko na mabuhay man si baby lantang gulay na daw siya. Nasa amin daw kung tatanggalin na yung ventilator. Iyak ako ng iyak kasi bakit ganun bakit nangyari yun? Sobrang ingat ko lahat ng pinapagawa ng ob ginagawa ko Lahat ng vitamins iniinom ko. Alas 6 ng hapon nakalabas ako ng Lying in dumiretso kami ng ER ng bernardino hospital. Entrance palang nakita ko yung anak ko naka ventilator nakahiga sa kama at di gumagalaw. entrance palang bumuhos na luha ko parang gumuho na yung mundo ko. Di ko siya kayang isuko ng ganun. Hanggang June 27 sinuwab test siya wala siyang reaksyon ang sabi ng doktor brain dead na daw siya. Kinahapunan sinuri ulit siya ng neurologist doctor niya chineck yung mata niya wala ring reaction. Sabi 50-50 si baby. Iyak na ko ng iyak di ko na alam gagawin ko. May pinabiling gamot nagkakahalagang 7k mahigit para daw sa utak ni baby pero hindi pa sure kung eepekto ba ito. Pinasukan din siya sa ari niya ng tubo para makaihi siya dahil di pa siya nakakaihi simula mung June 25 ma itinakbo siya dun.Ni konting galaw wala rin. Sobrang sakit para sa isang ina na yung panganay ko ganun amg nangyari. Tumawag yung biyenan ko iyak ako ng iyak ako lang magisa sa er dahil yung asawa ko umalis para bumili ng gamot. Dumating yung biyenan ko at kapatid ko sa hospital ang sabi Tinawagan na pala niya yung asawa ko na wag ng bumili ng gamot kasi wala ring mangyayari sa baby namin mahihirapan lang siya. Mahigit 30 minutes dumating yung asawa ko tulala di nagsasalita nilalamig. Ang sakit. Sobrang sakit wala nakong ibang ginawa kundi umiyak. Sa loob ng mahigit dalawang araw nakita ko yung asawa ko araw araw naghahanap at dumidiskarte ng pera para may pangbayad kami at pang bili ng gamot. Nakikita ko yung pagod niya pero ni isang reklamo wala akong narinig. Parehas kaming kumakapit na gigising si baby pero wala. Sa ilang araw na pananatili namin sa hospital ilang beses siyang kinuhaan ng dugo pero di siya makuhaan kasi nawawala yung pulso niya humihina. Tinanong namin kung bakit ganun di na daw nag fo flow yung dugo niya. sa araw ding yun June 27 kahit napakasakit, napakahirap para sa isang ina. Napag disiyonan naming tanggalin na ang tubong bumubuhay sa kanya. Ang tanging makina na dahilan kung bakit may pintig ang puso niya. Wala na kaming ibang magagawa tatlong doctor na ang nagsabing brain dead or comatose na siya. Ang sakit sakit bakit ganun? Lahat kami excited sa pagdating niya. Lalo na kaming mga magulang niya. Lalo nako na ina niyang nagdala sa kanya ng 9months maghintay sa isang pagkakamali nawala sakin si Baby calix ko😭 Ako nagluwal, ako rin palang maglilibing sa anak ko. Gusto ko siyang sundan. Gusto ko na sumama sa anak ko pero naisip ko pano nalang yung maiiwan ko. Lalo na yung asawa ko. Kahit sobrang sakit. Wala akong magagawa kundi tanggapin. Sabi nga nila may plano ang Diyos. May dahilan bakit nangyari to. To my little Angel. Mahal na mahal ka ni mommy anak, miss na miss na miss na kita😭 patawarin mo si mommy pero alam kong masaya kana na nasa piling kana ni Lord at ng mga lolo at lola mo. I love you my Rylandrein Calix Aviel❤️ magkikita rin tayo anak. Mararamdaman mo rin yung pagmamahal ni mommy sayo hintayin mo lang si mommy ha. Salamat po sa mga nagbasa. Anyway findings po ng Doctor is Neonatal Asphyxia
Đọc thêm#1stimemom #firstbaby Hello mga mommies. Pagtungtong ko ng 7 months madalas na manigas ang tyan ko. Normal po ba ito or hindi? If ever na hindi what to do para malessen ang paninigas? SALAMAT PO IN ADVANCE!❤️#pregnancy
Đọc thêm