VBAC TEAM SEPT. Posterior placenta

1st (2013) Cs 2nd (2015) Normal 3rd (now) Normal again! Thanks God. My Baby Buchoy is out!👶🏻 3.7 kilos Normal Delivery Lmp: 12/4/2019 Edd: 9/11/2020 Edd via ultz: 9/13-18/2020 delivery date: 9/8/2020❤️ Share ko lang, ibat-iba pala talaga yung panganganak.. yung pain nung 2nd ko hindi katulad ngayon sa 3rd. Yung sa 2nd ko po ay may sched ako for Cs kaso nagearly labor 2hrs lang sobrang bilis ng pangyayari lumabas na sya. Now plano ko talaga magnormal delivery po less gastos at mas maalwan po talaga ang normal delivery! Sobrang sakit po nung labor ko ngayon, as in akala ko di na matatapos yung sakit. PapaCs na po ako kasi diko na kaya panay sakit parang ayaw bumaba. Di naman sya overweight base sa ultrasounds (pero di naman totoo na maliit pa baby ko kasi 3.7 na pala sya) 🤦 sa ultrasound walang 3kilos! so ayon almost 12hrs labor 4hrs active labor. Isasalang na ko for Cs biglang pumutok na panubigan ko, lalabas na sya. Hindi na ako pinapaire.. tumae na ako sa diaper ko! nagwawala at sumisigaw na ako. inaway ko na mga nurse at doctor, dala ko swero ko sabi ko lilipat na ko sa ibang ospital Hahaha! ayon pinunta nalang ako sa delivery room, then wag daw sobrang push! baby is out. Swerte na naman kasi di pumutok uterus ko🙏! Sa mga Cs moms na balak magnormal, kaya nyo po yan. Magdiet at iready nyo po katawan at isip nyo sa pagire, squat at walk pagdating ng 37weeks. Pag normal wala pang 12hrs nakakaupo kana, pag Cs ilang araw tayong baldado 🤦 Ang haba po thankyou sa nagbasa.

31 Các câu trả lời

Wow sis, congratulations. Planning and praying to have VBAC too, Godwilling. Im on my 35th weeks na, medyo kinakabahan na kasi first time ko maglabor if ever, hindi ko kasi naranasan sa panganay ko, nabiyak na ako agad. Any advice sissy, para mapadali ang labor? Godbless sa inyo ni baby

kung hindi po maliit ang sipit sipitan mo momsh easy lang ipush palabas si baby.. Mag squat at lakad lakad ka po kahit sa loob lang ng bahay. Sanayin mo po lungs mo sa mga hingalan, para pag on labor na di ka po kakapusin sa pagire.. goodluck po. Kayang kaya po yan ❤️

Super Mum

Congratulations mommy! True pag CS talaga napaka hirap. Ano reason mommy bakit na CS ka sa una? Planning na makapag VBAC ako soon. May cephalopelvic disproportion kasi ako kaya parang malabo na ko makapag VBAC.

nakakatuwa naman mommy nainormal nyo after CS. Sana ganyan din ako fir my second pregnancy, sabi kasi nila pg CS ka na, CS ka na for good, may case pala na naiinonormal 😊

pwede pong mag normal momsh kapag hindi maliit yung sipit-sipitan ☺️ thankyou po..

congrats mamy anu po case mu b4 bat k ncs kc candidate aq for VBAC cs aq 6 years ago mdyo nttkot anu aq ggwn mg 37 weeks n aq nxt week

Momsh sa public hospital po puro vbac.. wag ka pong matakot kasi maliit lang chance na bumuka yung tahi nyo sa uterus. mag squat ka po at walking para di ka mahirapan pag on labor na po.

ako po sa 1st baby(2009) CS now po buntis ako 29weeks na. so may 1 decade na nakakalipas, sana pwede ko sya inormal.

bakit ako ayaw pumayag ob ko mag VBAC mag 3years nman bago masundan e. gusto ko sana manormal .pero takot nako maglabor ulit

momsh yung ob ko din po ayaw nya.. mas okay kung paabutin ng 39weeks yung sched ng cs.. para incase na mag early labor ka ay maitry mo pong inormal delivery.

wow congrats momy,,galing naman,sana ako din po mka pag normal delivery after ng 10 yrs, .36 weeks n po ako ngaun.

kung hindi po maliit ang sipit sipitan, paabutin mo po ng 39weeks ang sched ng cs para kung mag early labor ka po ay maitry na magnormal delivery ka..

VIP Member

Congrats po! 😍 Sana kayanin ko din ang normal delivery 🙏

congrats momsh😊 malaki po baby mo, cute😍

Congrats poh sana normal na dn skin

Paabutin mo po ng 39weeks ang sched ng cs mo po, para incase na magearly labor ka ay maitry mo po magnormal delivery..

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan