18 Các câu trả lời
Responsable naman ang bf mo sayo.. At gurl hindi lahat ng pagkakataon susundin mo family mo, kung anong tingin mong makakabuti mag-stick ka dun. Ako kasi ganyan din sinasabi ng parents ko sakin hanggang 2nd tri ko, sinasabi nilang hiwalayan ko siya, gusto pa nilang sa kanila ko isunod ang surname ni baby.. Hindi ako nakikinig, nginingitian ko lang pero deep inside gusto ko na maiyak para sa daddy ng anak ko... Kumbaga hindi nila nakikita yung paghihirap nya doon. Alam ko kasi kung gaano kahirap ginagawa nya sa work nya, pati mga sakripisyo nya. LDR pa kami. Diba nga sabi sa wedding vows, "through thick and thin, in sickness and in health" .. Suportahan mo palagi ang bf mo, payo ko lang din na sana iwasan mo makapagbitaw ng masasakit na salita sa kanya lalo kung tungkol dyan sa ayaw ng family mo sa kanya, pero sana matatag loob nya kung sakaling may marinig syang negative... BANGON TAYO SIS. Di hadlang si baby para makabangon ulit. Note ko rin yan para sa sarili ko. God bless and Good luck. 😊😊😊
Medyo may similarities po tayo sa sitwasyon dati. 19 years old na po ako and malapit na po ako manganak. Para po sakin, kung ramdam mo naman po na pananagutan ka ng BF mo at talagang seryoso po siya sa'yo ipaglaban mo po. Patunayan mo po sa mga pamilya mo na kaya niyo pong dalawa para kay baby. Dapat nga po na matuwa sila dahil di po tinakasan ng BF mo ang responsibilidad niya bilang daddy ng baby niyo. Nung sa akin po kasi, di po talaga namin plano pero nung nalaman ng BF ko natuwa siya at sinabi niya na handa niya kaming panindigan. Nagsumikap po siya sa trabaho niya and pinatunayan po niya sa pamilya ko na seryoso po siya. Ngayon po, okay na po kaming lahat, tanggap na po siya ng pamilya ko and magkasama po kami ngayon para maalagaan niya po ako. Kaya kung mahal niyo naman po ang isa't isa and seryoso po si BF para sa inyo ni baby, fight lang po. Pray lang din po. Matatanggap din po nila si BF basta huwag muna din agad susundan si baby. Magiging okay din po ang lahat.
Kung sa una is pinaglaban mo cya at wala namang problema sa relasyon nio ng bf mo at nakikita mo naman na responsable cyang ama sa magiging anak nyo so 'why not'?? Why not na ipaglaban mo ulet ang relasyon nio' lalo na kung wla ka namang nakikita na dapat nilang ikamuhi sa BF' mo... not becuz na mahirap lang cya or whatelse.. ang basehan is kung hindi ka nya cnasaktan at responsable cya sainyo ng baby mo ' lalo na kung nakikita mong lumalaban din cya para sayo' 🤨 ... pasasaAn at matatanggap din nila ang bF mo ... kaya LABAN LANG GIRL🥰
Hindi k na naman menor de edad.. pwd ka na mg decide para sau at sa baby mo. Make sure lang na tama ang magiging desisyon mo at mapapanindigan nyo ng bf mo..kc as a parent kung sa anak ko mangyayari yan hihilingin ko din na maglaylo muna cla. Not total hiwalay pero ipapriority ko.muna sa anak ko na mag aral ulit kasi sayang,kung kaya ka naman suportahan ng family sa pag aaral. Para kasi din sa yo yun.. iba kasi pag may tinapos sa hirap ng buhay ngaun. Bata ka pa kasi at marami pang opportunity ang pwd mong maranasan..
momshie kung dama mo responsable bf mo ipaglaban mo po, kasi kayo ang nagkakaintindihan sa isat isa... timbangin mo n din po lahat... iba din po tlga kapag nagabyan k ng magulang mo habang preggy ka, matinding psg uusap po iyan lalo kau ni bf... yung bestfriemd ko po same kau situation after 4 years lng sila nagkasama gf nya at nkapagpakasal ... nagtapos ng pag aaral yung lalaki kasi.. tapos ayaw ng psrents ng babae sa lalake, pero di sumuko yung lalaki kaya po nakuha nya ang mag ina mya sa tamang panahon
Kung ano desisyon mo yun ang sundin mo...parang ang sama naman ata ng dating na gagamitin nyo lang si bf mo ngaun buntis ka binigay sayo lahat pati pagmamahal pero sa bandang huli ano isusukli mo sa kanya hihiwalayan mo? Sa tingin mo tama kaya yun? Wag ka dumepende sa desisyon ng iba lalo na. Magkakaanak ka na...dapat ikaw na mag dedesisyon sa sarili mo at sa anak mo wag mo hayaan na puro ibang tao ang mag didikta sayo nasa. Tamang edad ka na alam mo naman sa sarili mo kung ano ang dapat
kung responsable bf mo mamsh fight for your relationship wag ka makinig sa parents and kapatid mo kasi hindi nmn sila maaapektuhan kung maghhiwalay kayo. ikaw mismo at ang anak mo. kung wla nmn katarantaduhan bf mo wag mo hiwalayan buhay nyu yan. ok lang makinig sa sinasabi nila pero at the end of the day ikaw mag ddesisyon buhay nyo na ng anak mo at bf mo yan. kayo dapat mag usap dalawa :) . mahirap makahanap ng responsableng partner ngayon tsaka kawawa si baby.
kahit , soon to be single parent aq,ipa2yo ko pa din sayo na, ipaglaban mo yung bf , i mean panindigan mo sya, hindi n lang kac kayong dalawa ang involve may baby na, ikaw din naman kac ang maki2sama ,hnd ang family mo, magkamali ka man sa dulo, ( na wag naman sana) atleast matututo ka, pamilya mo yan ,kahit anong mangyari ta2nggapin at ta2nggapin nila kayo!
sa tingin ko responsableng lalaki ang bf mo magiging mabuti syang tatay saka sabi mo mahal ka nya. daming magandang factors. aanhin mo yung mayaman kung tamad naman at di marunong magtrabaho. hindi pamantayan ang pagiging mahirap. kung marunong magsumikap ang isang tao magiging mabuti ang buhay nya at ng pamilya nya. goodluck sa pagdecide and God bless.
@Crystal, ipapa-apelyido ko kay bf sis. Nagpa-plano rin naman kasi kami magpakasal before o after ko manganak.. Depende kung makakapag-leave siya ng maaga. Sana nga lang bago ako manganak e nasa hosp sya para di makialam parents ko sa pagpapangalan ng anak namin. Pero if ever wala sya, pwede ko parin naman isunod kay bf diba?
Via