39 Các câu trả lời
depende sa katawan mo yan momsh.. my mga buntis na kayang mag work at mag biyahe araw2.. Depende sa nagbubuntis yan :) 2018 preggy ako, working din ako that time pero di kinaya, 10mins lang biyahe ko araw araw non, pero nung ng 5months na ako, bigla nlang humilab tiyan ko at pumutok panubigan ko. Kaya ngayon, nung nlaman kong buntis ako nag bedrest n tlaga ako kahit wala akong naexperience na spotting, nag resign tlaga ako. Hindi naman ako pinag bed rest ng ob ko, kase okay naman lahat ng records ko, kaya lang ntakot n tlaga ako.
Ako ko po 17weeks pregnant still working parin po kapag pumapasok tricycle po sinasakyan ko mga 5 to 10 mins.lang naman po byahe ko malapit lang naman po then sa gabi sinusundo na po ako ng asawa ko ng tricycle namen may work din po kasi sya kaya hindi na nya ako nahahatid sa umaga😊 ok naman si baby ko lagi ko syang kinakausap na kumapit sya kaylangan nameng magwork hindi naman po ako maselan😊 pray lang po and eat po lagi ng mga healthy foods and veges.po
Me.. Working.. 29 weeks na ko.. UV and tric din ako... Ung tric kasi palabas ng subdivision, inaadvise ko un mga driver na dun dumaan sa may aspalto na daan para di baku baku.. For UV so far okay naman ako, d naman gaano maalog unlike sa mga kotse na mababa at maliit. May maternity belt din ako lagi.. So far never pa ko nagbleed.. ☺❤ Thanks God..
Depende yan mamsh e. May maselan kasi magbuntis, merong hindi naman. First time mom din ako, sa mobile ultrasound ang work ko. Everyday maghapong byahe. From Dasma makakarating ako ng molino, mendez, carmona at kung san san pa. So far wala naman akong nararamdaman. Hindi nman kasi ako maselan. 16 weeks and 4 days ako today. 🥰
Okay lang naman kasi 15 weeks pa lang naman except nalang kung sensitive ang pregnancy and risky. Ako nagstop mag work 6 months na ko. Sobrang stressful pa ng workplace ko pero kinaya naman kasi strong and healthy naman ako. And until now at 9 months minsan sumasakay pa rin ako tricycle pag pagod na ko maglakad 😁
Pag po kasi small pa yung baby may tendecy parang malamog sya. I saw a random post sa fb na nagtrending sa kakahtd sundo ng asawa nya sa motor or tryc. Tas akala nya sobrang okay pa ng baby nya. Mas better po sguro maglakad kng malapt lang ppntahan. Or maglagay malambot sa ilalim ng pwet
Ako po di naman. Okay naman dalawa kong anak. Hehehe madalas bumyahe until now hehe dahil sa online business. 😊 Pangatlo na yung pinagbubuntis ko ngayon. As long as hindi ka maselan. Pero doble ingat padin. 😊 God is good di niya kami pinapabayaan hehehe
Ask your OB for the assurance, as for my case kasi, pinagbed rest ako ng OB ko kasi may bleeding ako sa loob, pero once na ma-control na yung bleeding, payagan na ako bumalik sa work. And hopefully, bigyan na ako ni OB ng clearance next week.
Same here mommy. 5mos na ako nun sa baby ko since sa Makati pa work ko, umaabot ng 5hrs-6hrs yung byahe ko sa bus pero balikan naman. Pero eto si baby ko, sa awa ng Diyos healthy naman kahit tamad ako maglakad nung kabuwanan ko na. 🙂
Ako nagaaral before. Haha lahat ng rooms ko nasa 2nd flr or 3rd flr. Btw, nakagraduate ako ng may anak ako. :) if di maselan pagbubuntis mo at makapit si baby ok lang yn magwork ka pero if maselan stop ka na muna. Para di ka mahirapan.
Mards Doblon De Mesa