12 weeks pregnant / Bleeding

12 weeks pregnant po, kahapon uminom kami ng friend ko redhorse tig isang bote kami ng mucho. (Sobrang stress ako, masyadong mahaba kung ikukwento ko pa) Tapos kanina 1am pag poop ko may dugo sa bowl, tapos sa kama ko may dugo din. Sobrang sakit ng tiyan ko. Ano ibig sabihin nito? Makukunan ba ko? UPDATE: Okay na po nakapag pacheckup nako nung July 1. Nahospital din kasi ako nung July 1 dahil sa sobrang sakit ng tiyan ko at heavy bleeding nag 70/40 bp ko. Okay naman si Baby, as of now naka bedrest parin ako. Isoxilan at Heragest nireseta sakin ng OB. Thankyou sa concerns at pasensya na kung nainis at nagalit ko kayo…

12 weeks pregnant / Bleeding
121 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

alam mo palang buntis ka eh, ikaw na may sabing 12 weeks. bakit uminom ka pa? halata namang sinasadya mo at gusto mo talagang makunan ka. kawawa naman yung bata sayo teh! daming gusto magkaanak pero hindi nabibiyayaan, pero ikaw, grabe. kung may problema ka, huwag mong idadamay yung batang walang kamalay malay. hindi rin solusyon ang alak sa problema. ilugar mo naman yang ganyan mo. dahil buntis ka isang ganap ka ng nanay kahit hindi mo pa naluluwal yung bata na dinadala mo. sana di lang palagi sarili mo iniisip mo. blessing yan pero bakit ganyan ginawa/ginagawa mo? kapag nakunan ka talaga isa ka ng mamamatay tayo you know why? pinatay mo sarili mong anak. sorry to judge ah pero ibang klase kasi. alam mo naman yung tama at mali. jusko!!! ako nga stress na stress sa buhay, umiiyak ako pero saglit lang kasi masama sa bata pero para malabas lang mga sama ng loob ko. at kinakausap ko lang yung baby ko sa tiyan ko para mawala stress ko pero never kong naisip o inisip na mag inom kahit lasinggera akong tunay. grabe lang. itigil mo na yang kalokohan mo teh. ipagdasal mo nalang na okay yang bata sa tiyan mo kasi pagsisisihan mo yan sa dulo, trust me. at huwag puro pagpapakasarap at pagpapakasaya kung ayaw mong may responsibilidad kang dadalhin habang buhay. be mature enough. I'm so disappointed. Good luck at God bless you. I hope okay yang baby mo. grabe ka

Đọc thêm

di mo na kailangan tanungin. mukhang alam mo na ang mangyayari. the fact na worried ka kasi dinugo ka, means na alam mo kung anong pwedeng mangyari bago ka pa man uminom. napaka malas ng baby mo at sa tyan mo napunta. samantalang napakadami ditong nagingat at ginawa lahat, pero nakunan padin. ikaw nagmucho ka habang nananahimik ang anak mo sa tyan mo. kung ano mang mangyari sa baby mo..ginusto mo man o hindi, dadating din ang panahon na maaalala mo tong nangyari na to. sana masalba pa ang baby mo. at kapag nangyari yun, sana worth it ang second chance.

Đọc thêm
4y trước

iba iba kc tau ng paghandle ng problem ang mababaw po kc sa iba ikalulunod nmn ng iba..kaya minsan sa mga na dedepress mahirap sabhin sa knilang kaya mo yan kc sila mismo nahihirapan..😊

having alcohol is not good talaga sa bata alam mo na observed ko yan either malakas ang kapit nila or may mga possible side effects talaga..un eldest ko nun buntis ako dun Gin pa ang iniinom ko at mag yoyosi talaga ko ngaun 16 na siya ang dami kaya niya allergies mga bawal sensitive sa sun balat niya. un 2nd ko hindi ako nag iinom dun pero nag yoyosi pako ganun din skin asthma rhinitis..un 3rd ko un ang mejo malakas tinigil ko lahat un nga lang paglabas niya binalik ko un vices ko tapos nagka pneumonia siya at isang dahil un pag yoyosi ko khit di direct sknya kc khit hawak lang nag iistay ang nicotine nun nag stop ako wala na malusog un 3rd ko anak 7 na siya now..ngaun un 4th baby ko mejo ingat nako talaga kc 37 nako wala nmn nako vices kc di naman ako immortal tinigil ko na siya taon na nakakalipas 😁

Đọc thêm

Nagpunta akong lying in kanina pero need ko daw sa OB Gyne magpa tingin kasi madami yung dugo para macheck daw kung andito pa si Baby. Pero ilang clinic na pinuntahan ko kanina kung hindi sarado eh wala daw dun yung OB. Nagbigay sakin ng sched by friday, kaya umuwi nalang ako. Pero bukas maghahanap parin ako ng may available na OB. Pls validate my feelings. I’m just a human too, making mistakes. Since I was pregnant sa second baby ko sobra na yung problema na dumadating sakin hanggang sa manganak ako up until now, pinagtangkaan ng father ko rape-in yung 16yrs old sister ng husband ko at start nun palagi na kami nag aaway. Marami pa akong ibang problema na pinagdadaanan sa ngayon pero hindi ko na iisa isahin pa. THANKYOU FOR ALL YOUR CONCERNS. And sa mga galit sakin, I understand your anger.

Đọc thêm

may kilala akong kagaya mo. Alam nyang buntis sya, tinago nya sa lahat. hiwalay sila ng tatay nung bata. Nagsinungaling pa sya na kunwari meron syang dalaw paminsan minsan. Yosi dito, alak doon. Nagulat na lang kami noong December 24, 2019 ay nanganak sya sa cr. Malakas kapit nung bata at lumabas na normal. Buti na lang nagbago sya nung lumabas na ang baby at pinagsisihan daw nya ginawa nya. Libo libong sermon ba naman inabot nya at nagkabalikan sila nung tatay nung bata. Pero hindi lahat ng istorya at kondisyon sa buhay ay perahas. Naway maging aral to sayo at wag ka ng makipagtalik ng unsafe kung wala ka na naman pala planong mag anak. Karma is real u know. P.S. Pansin lang namin mejo late development ng baby nya intellectually.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Hi ako rin naman manginginom pero kahit ganun once nalaman ko na buntis ako hinding hindi na ako uminom ksi alam ko na mkkasama sa bata I waited for this baby for 4 years dahil may PCOS ako kahit marami akong kailangan isacrifice para maging maayos lang ang anak ko ggawin ko.. stress din ako ate pero never ako uminom ng alak at never akong ggawa ng ikakasama ng bata na nasa tiyan ko .. sana bilang nanay inisip mo rin muna si baby at kung ano magging epekto ng paginom mo saknya... alam mo na pala na buntis ka eh and you still chose to drink proud ka pa at nakaubos ka ng 1 mucho... kaloka ka teh.... whatever you are going through sana worth it yang pag sacrifice mo sa anak mo.... pagdasal nlng kita ate...

Đọc thêm

tsk! lasengga at naninigarilyo ako pero soon as malaman ko na nagbubuntis ako,ayaw na agad agad! as in khit amoy ng sigarilyo ayaw ko maamoy!sa sobrang pag iingat ko,buwan buwan ako nag pPT lalo pag delay na ako kahit 2 days pa lang.kasi alam ko sa sarili ko na may mga bawal ako ginagawa. kaya stop kaagad agad sa alcohol at sigarilyo! Tas ikaw? alam mo ng buntis ka nag inom ka pa?hnd pa naman pareparehas ang pagbubuntis,merong oo nagbubutis na talagang kahit nainom di nakukunan.at ,meron ding pagbubuntis na sobrang selan. sana nag ingat ka. sana kung may problema ka,unang una mo dapat maging lakas ay yung mga anak mo.hnd alak!

Đọc thêm

SORRY PO SA LAHAT NG MOTHER AND SOON TO BE MOM HERE NA SUMAMA ANG LOOB and to the baby inside my womb. Hindi ko po intensyon malaglag yung baby, it’s just that i don’t know what to do. Pang 3rd baby ko na tong nasa tiyan ko, 1yr and 2months yung sinundan. And ngayon kasi nagkakaproblema kami ng matindi ng asawa ko. Hindi ko na alam. As of now wala naman ng dugo na lumabas saken, yun lang talaga sa higaan saka nung pag poop ko. Then nakatulog ako kanina sa sakit ng puson ko pero pag gising ko nawala narin naman.

Đọc thêm
4y trước

lagi mo nalang tandaan na every action has a consequences di kasalan ang bata kung bakit kau namumublema. pero being a mother dapat i practice mo maging strong enough to handle the pain stress and trials kc ikaw mismo ang lalaban sa anak mo para sa iba. paano mo sila maipagtatanggol kung ikaw mismo ay mahina..i dont judge people like you kc minsan me mga kabataan na kulang din sa gabay ng iba. may mga taong huhusgahan ka khit di pa nila alam ang totoong umpisa kaya may mga nagpapalaglag na ina kc imbes na makakita ka ng support sa kapwa mo huhusgahan ka na nila. being depress is not really that easy family ang unang gagabay ceo pero kung wala ang pamilya mahirap mo un makuha sa iba..kaya always think positve surround yourself with good people na kaya ka i lift despite of your wrongdoing hindi pa huli ang lahat basta buhay ka pd kang lumaban..

Sana hindi ka na uminom ng alak knowing full well na buntis ka. I understand you're stressed out but it doesn't excuse you from your actions. Mali pa rin. I hope nakapagpacheck ka na sa OB. Kung hindi man malaglag si baby, I hope hindi sya magsuffer from birth defects. Pagpasok ng alcohol sa bloodstream mo, dadaloy din yun sa bloodstream ni baby, just imagine anong mangyayari sa sobrang batang katawan nya. Mucho pa ininom mo. May buong lumabas sayo, kita sa picture. Sana maliwanagan ka at wag mo nang ulitin.

Đọc thêm

kung may problem kayo ng partner mo please wag idamay ang baby sa sinapupunan. tatlo na pala naging anak mo so dapat mas responsible ka na sa actions mo kasi hindi na bago sayo ang pagbubuntis. don't make an excuse na nag away kayo kaya di mo alam yung ginawa mo. common knowledge nang bawal ang alak during pregnancy at kahit hindi ka magtanong dito alam mo na ang sagot sa tanong mo. kung hindi mo matagalan ang partner mo, lumayas ka sa puder nya at bitbitin mo ang mga anak mo.

Đọc thêm