12 weeks pregnant / Bleeding
12 weeks pregnant po, kahapon uminom kami ng friend ko redhorse tig isang bote kami ng mucho. (Sobrang stress ako, masyadong mahaba kung ikukwento ko pa) Tapos kanina 1am pag poop ko may dugo sa bowl, tapos sa kama ko may dugo din. Sobrang sakit ng tiyan ko. Ano ibig sabihin nito? Makukunan ba ko? UPDATE: Okay na po nakapag pacheckup nako nung July 1. Nahospital din kasi ako nung July 1 dahil sa sobrang sakit ng tiyan ko at heavy bleeding nag 70/40 bp ko. Okay naman si Baby, as of now naka bedrest parin ako. Isoxilan at Heragest nireseta sakin ng OB. Thankyou sa concerns at pasensya na kung nainis at nagalit ko kayo…
Napaka swerte ng baby saten. ako 30 weeks pregnant sobrang selan mag buntis, at grabe ko alagaan ang baby ko lahat ng bawal sinusunod ko. lahat ng kailangan bilhin binibili ko. Bakit may ganyan tao? walang kasalanan ung bata 😔 ung iba di mabiyayaan ng anak ikaw ipinalaglag mo lang. katakot takot na karma mangyayari sayo, sabi nga mas okay ng pumatay ka kesa pumatay ka ng walang kamalay malay na sanggol.. hindi pa nakikita ung mundo pinatay muna agad 🤬🤬😠😠
Đọc thêmsobrang irresponsable mo naman. kahit pa stress na stress ka or depress ka, sana naman naisip mo yun consequences ng actions mo. Selfish mo girl para di isipin ang kapakanan ng anak mo. Sorry ha. pero totoo sinasabi ko. Naiinis lang ako sa katulad mo. Ako sa 2nd baby ko nawala sakin. Sobrang bigat sa pakiramdam, yun kahit ingat na ingat ka e nawala pa din sayo. Tapos ikaw, nagawa mo pang mag inom. Alam mo naman masama sa buntis yun. Patawarin ka sana ng Diyos
Đọc thêmSa totoo lang nagalit ako sayo anong kinalaman ni baby sa pagka stress mo? Sana inisip mo sya bago mo gawin ang bagay na ganyan. Ako nga 13 weeks na akong buntis pero worried ako na hnd ko pa maramdaman c baby. Doble ingat pa ginawa ko iniinom lahat ng binibigay ng doctor sa akin para lang safe pag bubuntis ko tpus Ikaw Uminom kahit alam mong nkakasama ky baby. Nakakalungkot naman pero sana lng ligtas c baby kundi habang buhay mong pag sisisihan.
Đọc thêmSarap mo murahin. Papansin ka ba? Dito ka pa nagtanong. Walang may pake kung stress ka. Nagpapapansin ka lang na alam mo naman ibig sabhin nyan at consequence ng pag inom. Napaka.. Nasa edge na talaga ako para iuninstall tong app nato. May makikita kang selfie magtatanong gender ng bata, may makikita ka2 lines sa stick pero mag aask pa kung positive. Natural bang tanga mga pinoy? Juskoooo
Đọc thêmgo to your OB para sure. huwag kang magpakastress masyado lalo na't 12 weeks pregnant ka pa. sobrang bata pa ng baby mo sa tiyan mo. yang problema, di na yan mawawala satin kasi part na yan ng buhay natin. nasa atin na yan kung paano natin ihahandle ang isang bagay o problema. maraming pwedeng gawin para kahit papaano di ka mastress sa problema mo/niyong mag asawa BUT not drinking alcoholic drinks or cheating ha? sana okay si baby mo and ikaw.
Đọc thêmthis is by far, the WORST and nakakatangang tanong na nabasa ko dito. ate, kung stress ka at alam mong buntis ka, bat kelangan mo maginom? unless ginusto mo at sinadya mo. alam mong buntis ka, tapos mucho pa iinumin mo. kawawa lang ang baby sayo. walang future yan kapag mas inuuna ng nanay ang sarili nya. manginginom rin ako, pero the moment na nalaman kong buntis ako, day tinigil ko yan. dalawa na kayo. ano ka ba. may tao kang binubuhay.
Đọc thêmMga post nga dito eno? Parang natural na tanga mga pinoy. Hays
grabe ka..ako nung nagbuntis ako sa panganay ko simula pagbubuntis at mag 1yearold anak ko stress ako sa asawa ko dahil sa pambabae nya.. kahit sobrang sakit at hirap never ko naman naisip ang uminom ng alak o magyosi.. mabisyo ako before mag buntis imagine natiis ko yun para sa baby ko.. at d ko na binalik. kung may matinding problema kayo ng asawa mo wag mo idamay mga anak mo.. gaga din yang friend mo pinabayaan ka lang uminom..
Đọc thêmyung sa mga nag comment na proud pa Hindi dapat ika proud ang buntis na manginginom not sorry pero mga utak munggo kayo kung may balak kayo patayin anak niyo , kayo nalang mag paka matay hindi pati bata dadamay niyo pa sa padalos dalos niyong mga desisyon at gawain sa buhay dagdag salot pabigat pa kayo sa lipunan at pamilya niyo. Grabe isip isip muna bago gumawa ng isang bagay kung may mapapahamak ba
Đọc thêmYung mga ganitong post ang di ko alam ano mararamdaman ko nakaka HB naawa kasi ako kay baby😔😭 lalo na sa pinag daanan ko na na napakahirap until now mabuo lang baby ko bago may ganito.😔 Kung makakapag salita lang si baby sau mamshie for sure hindi mo magugustuhan ung sasabihin nya. Sana ok si baby and kung safe si baby sana naman be matured wag na sana ulitin😔 heartbreaking to grabe 💔
Đọc thêmNakaka iyak naman te yang ginawa mo! Ang daming gustong gusto magka anak. Maging sensitive kana man sana.. Ako mismo mag tatatlong taon bago na buntis!!! Hindi mo alam kung ilang timbang luha iniyak naming mag-asawa, ilang prayers ginawa namin at ilang daang libo din nagastos namin para lang magka anak. Napaka swerte mo. Tapos ikaw basta mo nalang tinatapon ng ganyan??? Nakaka pang hina ka te.
Đọc thêm
mommy of a super brave boy