Depression
1 week na si baby ko 🥲 Feeling useless pa rin ako natatakot ako buhatin sya ihele sya ng nakatayo . Hindi ko nga mapadede sa breast ko baby ko ayaw nya dumede sa akin ako pa man din ung nanay ayaw pa sa akin ng anak ko . Nalilito na rin ako sa mga pamahiin at sa mga payo ng doctor umiiyak na lang ako pag tulog ang lahat saka ko binabantayan anak ko di ako natutulog para magkasilbi naman ako . Nakakatanggap na rin ako ng biro galing sa asawa ko at pamilya ko na wala talaga ako silbi . Nadedepress ako , ako lang ba ganito ?